Chapter 25

1.1K 32 7
                                        

Tatlong linggo ng hindi nagpaparamdam sa akin si Dave at n'ong nakaraang linggo lang din nagsimula ang aming Christmas break

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tatlong linggo ng hindi nagpaparamdam sa akin si Dave at n'ong nakaraang linggo lang din nagsimula ang aming Christmas break. Palagi ko siyang tinatawagan pero ayaw naman niya itong sagutin, o kung minsan ay pinapatay niya ang tawag. Pinuntahan ko na rin siya sa bahay nila pero ang palagi kong nadadatnan ay ang mama niya at sinasabing wala siya roon at may pinuntahan daw. Limang araw nga akong nagpabalik-balik sa bahay nila, nagbabasakali na makita ko siya't makausap pero wala rin. Kapag nasa school naman kaming dalawa ay parang hindi niya ako kilala. Ni hindi na kami sumasabay sa pag-uwi at hindi na rin niya ako sinusundo sa bahay tuwing umaga kapag papunta na kaming dalawa. Pati nga 'yong mga kaklase namin ay nagtataka sa ikinikilos niya sa akin. At naaawa sila sa sitwasyon ko ngayon. Talagang nakabibigla 'yong pagbabago niya, lalo na sa akin. At talagang sobrang sakit na tinatrato niya ako nang ganito, na parang hindi na niya ako boyfriend.

Na parang hindi niya ako kilala at nag-e-exist sa mundo niya.

Kaya palagi akong umiiyak tuwing gabi, iniisip kung saan ba ako nagkamali o kung ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanya. Hindi naman siya ganito sa akin, eh. Sa katunayan nga, masaya pa kaming dalawa n'ong gabi ng aming Grand Ball sa school namin. Pero pagkatapos n'on ay doon ng nagsimulang magbago ang lahat. Para akong itinulak sa bangin nang hindi ko alam kaya n'ong pagbagsak ko sa lupa ay parang nadurog din ako. 'Yong pagkatao ko.

Para akong naiwan sa kawalan at hindi ko alam kung paano ako makatatakas doon. Sigurado naman ako na wala akong nagawang bagay na ikinagagalit niya sa akin. At saka kilala ko na si Dave. Sobra. Hindi siya ganito sa akin, eh. Kasi kapag may problema siya lalo na sa akin ay agad naman niya tong sinasabi.

Malapit na rin ang pasko at umaasa ako na bago dumating ang araw na 'yon ay makausap ko na siya, dahil ang hirap ng ganito. Ang bigat-bigat sa pakiramdam na 'yong taong pinakamamahal mo nang sobra ay tinatrato ka nang ganito, na parang isang hangin na nararamdaman pero hindi nakikita. Pero 'yon nga, parang hindi nga rin niya ramdam 'yong presensya ko sa tuwing nakikita niya ako.

Tatlong araw bago mag-pasko, ay muli kong sinubukan na tawagan siya. Nakailang ring pa ako bago niya tuluyang sagutin ang tawag. Kaya awtomatikong napangiti ako't may kumawalang luha sa mata ko sa saya na nararamdaman ko ngayon. Pero agad din iyong nawala nang magsimula siyang magsalita.

"Ano ba? Hindi ka ba talaga titigil sa pangugulit sa akin? Tatlong linggo ka ng ganito. Nasasakal na ako sa 'yo, Kristoper!" bulyaw niya sa akin.

Natahimik ako sa sinabi niya't nagsimulang umiyak. Huminga ako nang malalim, sinusubukang pigilan ang sarili ko na humikbi.

Napalunok ako bago siya sagutin. "Ano ba talaga ang nangyayari sa 'yo, Dave? Hindi ka naman ganyan sa akin noon, ah? Bigla kang nagbago at tinatrato mo na ako ngayon na parang wala lang? Na parang hindi mo ako mahal at hindi mo ako kilala? Tapos ito lang ang ibubungad mo sa akin matapos ang tatlong linggong walang paramdam?" galit na sabi ko't bumuntong-hininga pagkatapos.

Natahimik siya nang ilang minuto at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yon pero narinig ko sa kabilang linya ang paghikbi niya.

"Ano? Ba't hindi ka makasagot? Nagui-guilty ka sa mga pinaggagawa mo sa akin ngayon? Matapos mo akong baliwalain ng ilang linggo, ha? Naiisip mo ba 'yong katarantaduhang nagawa mo sa akin, Dave? Ha? Tangina, daig mo pa 'yong bata sa pagiging immature mo!" at hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan siya.

I Thought It Was Love [BOYXBOY]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon