Chapter 21

714 17 3
                                    

Pauwi na kami galing sa pinuntahan naming family reunion at katabi ko ngayon si Kenneth sa van

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pauwi na kami galing sa pinuntahan naming family reunion at katabi ko ngayon si Kenneth sa van. Maaga kaming bumiyahe dahil may flight si tito mamayang alas diyes papuntang Davao, kailangan kasi niyang i-meet nang personal iyong kliyente nila. Nagising ako sa gitna ng tulog ko kaya agad akong napatingin sa cellphone ko para tingnan ang oras at mag-a-alas kuwatro na pala ng umaga. Ang himbing ng tulog ni Kenneth at isinandal pa niya ang ulo niya sa balikat ko kaya hinayaan ko na lang.

Sa tatlong araw naming pagsasama sa aming family reunion ay doon ko pa siya mas lalong nakilala, at masasabi kong mabait siyang tao. Aaminin kong nahusgahan ko siya agad n'ong unang araw naming pagsasama sa bahay kasi sino ba naman ang hindi? Pero na-realize ko na masyado ko lang siyang pinag-isipan ng masama at hindi binigyan ng pagkakataon para makilala ko pa siya nang husto. Wala rin naman akong masisisi dahil lumaki siya sa ibang bansa at ngayon lang kami nagkakilala't nagkita ulit, dahil sa huling pagkakaalala ko ay masyado pa kaming mga bata noon nang huli kaming magkita. And knowing that growing in another country, siguro na-adapt na niya ang kultura roon lalo na ang ugali nila't pananalita.

Pero ang ikinabilib ko talaga sa kanya ay komportable akong kausap siya lalo na sa mga seryosong bagay. N'ong pangalawang gabi kasi namin doon sa resort ay nagkataon na napag-usapan naming dalawa ang tungkol sa aming dalawa ni Dave. At habang kinukuwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Dave, kung paano niya ako sinusuyo at naging magjowa ay tahimik lang siya buong oras. Talagang hinayaan niya lang akong magsalita habang siya naman ay taimtim na nakikinig. At ang pinaka-hindi ko makalilimutan n'ong gabing iyon ay 'yong sinabi niya sa akin.

"Alam mo, minsan na akong nagmahal na kaibigan ko rin. At pareho rin kaming lalaki," nanlaki ang mga mata ko't hindi makapaniwalang tiningnan siya. Pero hindi ako nagtangkang magsalita, bagkus ay tiningnan ko lang siya't nginitian niya ako.

Agad siyang umiwas ng tingin sa akin at huminga nang malalim. "Hindi ko alam kung bakla rin ba ako o hindi pero nagkakagusto pa rin naman ako sa mga babae. Pero siya talaga 'yong nagpa-realize sa akin na posible nga talagang magmahal ka sa taong pareho ang kasarian niyong dalawa. I don't know if fate played a trick on me or what but I know that day, na mahal ko siya nang sobra."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita't tanungin siya. "Kayo pa rin ba hanggang ngayon?"

Napangisi siya't umiling, at bakas sa mga ngiti niya ang sakit. "Sana nga ay naging kami pero wala eh, duwag ako para aminin 'yong nararamdaman ko sa kanya. Ang tanga ko para makuntento na lang na tingnan siyang masaya sa iba, at oo alam ko na sobrang sakit n'on. Pero wala eh, hindi pa ako handa n'ong panahong 'yon na aminin sa kanya na mahal ko siya," aniya kaya bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko.

Hindi ko man gustong kaawan siya pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko. "Kaya nga bilib ako kay Dave kasi ang tapang niya para aminin niya sa 'yong mahala ka niya. Bihira na lang ngayon 'yong mga lalaking aminin ang totoo nilang nararamdaman para sa taong mahal nila, lalo na't pareho kayong lalaki. N'ong nalaman ko nga na magjowa kayong dalawa ay bigla na lang sumagi sa isip ko na kung naging matapang lang ako noon, ay baka hanggang ngayon kami pa ring dalawa. Na hanggang ngayon ay mahahawakan ko pa rin ang mga kamay niya't magiging dahilan ng kanyang pagngiti. But I let him be happy to the person he love the most , kasi ganoon naman talaga 'di ba?" aniya at napatingin sa akin na may hilaw na ngiti sa kanyang labi.

I Thought It Was Love [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon