Handa na kaming lahat para umuwi, at isa-isa na kaming pumasok sa loob ng bus. Gusto ni Dave na magkatabi kaming dalawang nakaupo kaya pumayag ako. Nakaupo ako malapit sa bintana habang suot ang aking earphones at nakikinig ng mga kanta sa aking cellphone. Nakadungaw sa bintana at tulalang pinagmamasdan ang iba kong mga kaklase na papasok pa lang sa loob ng bus.
Naramdaman kong may sumusundot sa braso ko kaya agad akong napalingon kay Dave at nagulat ako dahil nakatingin pala siya sa akin at napangisi. Bahagya pa akong napapitlag at agad na inalis ang suot kong earphones sa aking tainga at kunot-noo siyang tiningnan.
"Oh, bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya at nakita ko siyang napailing habang nakangisi pa rin.
"Wala naman, kanina pa kasi kita tinatawag. Eh, hindi ka naman nakikinig," sabi niya sa 'kin kaya ako napangiwi.
"Gan'on ba?"
"Pansinin mo naman kasi ako..." Nakanguso niyang sabi kaya bahagya akong natawa dahil sa kakulitan niya at marahang tinulak ang kanyang mukha para ilayo sa akin. Gusto pa ata humalik sa akin, eh.
"Baliw! Tumigil ka nga, Dave." Natatawa kong sambit at muling napatingin sa kanya.
"Kuya, kuya! palimos po ng atensyon," aniya sa paawang tono ng pananalita kaya medyo lumakas 'yong tawa ko. Buti na nga lang at may sari-sariling ginagawa 'yong iba naming mga kaklase kaya hindi nila kami napansin sa kinauupuan namin ni Dave.
Nakatitig lang ako sa kanya habang pinipigilan ang pagtawa ko. "Nababaliw ka na nga talaga," sabi ko sa kanya at humagikhik.
"Oo. Baliw na nga ako—baliw na baliw sa 'yo," hirit niya kaya ako natigilan at napako ang tingin ko sa kanya. Nang magsukatan kami ng tingin at alam kong hindi siya magpapatalo ay ako na 'yong unang sumuko at umiwas ng tingin sa kanya.
"Mga banat ko lang pala ang makakapag-patahimik sa 'yo, eh." Pang-aasar niya sa akin kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan ng tingin.
"Ewan ko sa 'yo!" Sabi ko sabay irap at iwas ulit ng tingin sa kanya.
Naramdaman kong nakahawak siya sa braso ko at lumapit sa akin nang kaunti. "Hala, sorry na. Inaasar lang naman kita, eh." aniya at pilit akong sinusuyo.
Bahagya akong napatingin sakanya at sinamaan ng tingin. "Okay," tipid kong sagot at bumuntong-hininga.
"Tampo ka na niyan sa 'kin?"
Muli akong napalingon sa kanya at pinakitaan siya ng 'anong sinasabi mo' look. At napatitig sa mga mata niya na pilit kong iniiwasang matitigan.
"Bakit naman ako magtatampo? Para 'yon lang? Sus, maliit na bagay!" Labas sa ilong kong sabi at nakita ko na naman siyang napanguso.
Kainis! Nagpapa-cute ba 'tong lalaking 'to? Kasi kung oo, hinding-hindi niya ako madadala sa—okay! Talo na ako! Panalo na siya. Ang sarap pisilin ng pisngi niya—shit! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? At ang mokong naman, mas lalo pang napanguso.
BINABASA MO ANG
I Thought It Was Love [BOYXBOY]
Teen Fiction- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List [1st Book of I THOUGHT DUOLOGY] *** Bata pa lang ay alam na ni Kristoper sa sarili niyang bakla siya. Pilit lang niya itong itinatanggi sa kaniyang sarili lalo na at matagal na rin sila...