- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
[1st Book of I THOUGHT DUOLOGY]
***
Alam na ni Kristoper mula pa noon na iba siya. Sa bawat araw na lumilipas, mas ramdam niya ang bigat ng lihim na iyon-ang katotohanang siya ay bakla...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Halos mawalan ako ng malay nang makatanggap ako ng isang malakas na suntok sa pisngi galing sa papa ko. Muntik na akong matumba kung hindi lang ako agad inalalayan ni Dave. Nagulat silang lahat sa ginawa ni papa sa akin, lalo na ang mama ko. Napayuko ako kasabay ng paghawak ko sa aking kumikirot na pisngi.
"Kahit kailan, hindi ko hiniling na magkaanak ng isang baklang katulad mo, Kristoper! Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo, lalo na sa pamilya natin? Hindi mo ba iniip kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa atin, lalong-lalo na sa amin ng mama mo? Pinapahiya mo lang 'yong sarili mo!" bulyaw ni papa sa akin at sa puntong iyon ay napakunot ang noo ko.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Talagang mas mahalaga lang sa 'yo iyong reputasyon niyo, at hindi 'yong nararamdaman ng mismong anak mo? Na mas matimbang pa sa inyo ang sasabihin nila kaysa sa akin?" sabi ko kay papa na may pekeng ngiti sa akin labi.
Natahimik siya sa sinabi ko at nakatingin lang sa akin, habang hinahabol niya ang kanyang paghinga. Napatingin ako kay mama at sinusubukan niyang pigilan ang kanyang pag-iyak. Maya-maya pa ay biglang lumapit si tita sa kanya para patahanin.
Nang tumingin si mama sa akin ay muli akong nagsalita. "I always thought that you will be the first person to accept me kasi ina ka. Na ikaw iyong unang makaiintindi sa akin kasi inakala ko na lubos mo na akong kilala, ma," sabi ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak at pumiyok ang boses ko.
"Pero ikaw lang din pala iyong unang taong pandidirihan ako at kamumuhian, na parang hindi mo ako kilala. Na parang hindi mo ako anak. Palagi ko pang ipinagdadasal sa Panginoon na kapag dumating 'yong araw na malalaman niyong bakla ako, ay ikaw 'yong unang taong tatanggap sa akin kasi mahal mo ako bilang anak mo." dagdag ko pang sabi't hindi namamalayang humihikbi na pala ako sa tabi ni Dave. Kaya hinawakan niya ang kamay ko't pinisil ito nang marahan.
"Buong buhay ko ma, n'ong malaman ko sa sarili ko na bakla ako, hindi naging madali para sa akin na tanggapin 'yong pagkatao ko. Pilit ko itong nilalabanan at tinatatak sa isip ko na isa lang itong malaking kahihiyan sa inyo, lalo na sa pamilya natin. Pero dumating din ako sa punto na napagod na akong magkunwari. Pagod na akong magsinungaling sa totoo kong nararamdaman. Ngayon ko lang natanggap nang lubos 'yong sarili ko nang dahil kay Dave, kasi siya 'yong unang taong nagparamdam sa akin na hindi ko dapat ikahiya kung ano ba talaga ako. At siya rin 'yong unang taong nagturo sa akin na tanggapin at mahalin ang sarili ko gaya ng pagtanggap at pagmamahal niya sa akin."
Pagkatapos ko itong sabihin kay mama ay napatingin ako kay Dave at nginitian niya ako nang tipid. Rinig ko naman ang mahinang pagsinghot ni mama at halos hindi na niya mapigilan ang sarili niya sa pag-iyak. Kaya ang sama ng tingin ni papa sa akin at alam kong sa mga oras na 'yon ay gusto niya akong saktan pero pilit lang niyang pinipigilan ang sarili niya. Tahimik lang din sina Kenneth at tito na nasa likuran lang niya.
Huminga ako nang malalim at nagsalitang muli. "Tanggap ko na kahit kailan ay hindi niyo ako matatanggap bilang isang bakla. Matagal ko ng hinanda ang sarili ko para roon. Pero sana ay huwag niyong ipagkait sa akin 'yong kaligayahan at kalayaan na matagal ko ng gustong maramdaman. Kahit iyon na lang ang ibigay niyo sa akin, ma...pa," sabi ko at tumingin sa kanilang dalawa.