- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
[1st Book of I THOUGHT DUOLOGY]
***
Alam na ni Kristoper mula pa noon na iba siya. Sa bawat araw na lumilipas, mas ramdam niya ang bigat ng lihim na iyon-ang katotohanang siya ay bakla...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dalawang araw na ang nakalipas magmula n'ong dumating sila Kenneth dito sa amin, at sa dalawang araw na 'yon ay walang araw na hindi ako maiinis sa kanya. Paano ba naman kasi? Palaging nagpapapansin sa akin kahit wala naman akong ginagawa tapos minsan eh iniistorbo niya ako kapag may ginagawa ako, lalo na't kausap ko si Dave sa video call. Pati nga si Dave ay naiinis na rin sa kanya kasi sumusobra na raw siya't konti na lang ay mapipikon na siya rito. Napailing na lang ako sa sinabi niya't sinabi ko na hayaan na lang siya at magsasawa rin 'yon sa pangungulit sa akin, at sa aming dalawa.
Araw ng Huwebes at bukas na kami aalis para sa family gathering na pupuntahan namin, ay hindi ko inasahang pupunta si Dave sa bahay. Nagulat na lang ako nang bigla itong pumasok sa kuwarto ko't niyakap ako nang mahigpit habang natutulog ako. Ala una ng tanghali itong pumunta sa amin at saktong wala rin si Kenneth sa bahay kasi sumama siya sa mga magulang niya para mamili ng kakailanganin nila para bukas. Ginising ako ni Dave sa kanyang paghalik sa labi ko at nakangiti lang ako habang ginagawa niya 'yon hanggang sa magising na ako nang tuluyan.
Pagdilat ko ng aking mga mata ay ang guwapo niyang mukha ang agad na bumungad sa akin. Amoy na amoy ko rin ang pabango niyang siya lang ang maaalala ko kapag naaamoy ko 'yon. Simple lang 'yong suot niya pero ang lakas pa rin ng kanyang dating.
Siguro ganoon nga talaga kapag sobra mong mahal ang isang tao.
Niyakap ko siya nang mahigpit at hinila palapit sa akin, kaya parang nakapatong siya sa akin kung titingnan ang aming posisyon. At narinig ko lang ang pagtawa niya, na siya ring nami-miss kong marinig sa personal.
"Ba't hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka ngayon?" tanong ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya. Wala eh, ayoko siyang bitawan. Panatag naman ang kalooban ko na hindi kami mahuhuling magkayakap sa isa't-isa kasi alam kong umalis din ang mga magulang ko.
Nginitian niya ako at pinisil ang pisngi ko. "Siyempre, gusto kitang surpresahin, eh." aniya kaya hinalikan ko ulit ang labi niya nang mabilis.
"Aysus, palagi ka namang may dalang surpresa pagdating sa akin, eh," at nagtawanan kaming dalawa.
"Mahal kita nang sobra. Kaya gagawin ko talaga ang lahat ng makakaya ko para lang mapasaya kita, dahil iyon lang naman ang hinahangad ko mula sa 'yo," at sa puntong iyon ay hindi ko na naitago ang kilig ko sa kanya. Hinalikan niya ang aking ilong, pababa sa aking labi at agad niyang tinaas patungo sa aking noo.
"Ang alin?" tanong ko mula sa kanya.
"Ang makita kang masaya."
At hindi ako nakaimik agad dahil ramdam ko 'yong sinseredad sa sinabi niya. Kaya ikinulong ko ang kanyang magkabilang pisngi sa aking palad at nagtitigan kaming dalawa.
"Salamat sa sobrang pagmamahal na ibinibigay at ipinapadama mo sa akin, Dave. Kahit na nagsimula man tayong may pag-aalinlangan sa puso ko, hindi mo pa rin ako sinukuan. Bagkus ay mas pinalakas mo pa 'yong loob ko na harapin, at tanggapin ang katotohanan. At lalo na't tanggapin at mahalin ang sarili ko."