- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
[1st Book of I THOUGHT DUOLOGY]
***
Bata pa lang ay alam na ni Kristoper sa sarili niyang bakla siya. Pilit lang niya itong itinatanggi sa kaniyang sarili lalo na at matagal na rin sila...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sinapo ko ang noo niya para tingnan kung mainit siya, at bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa kadahilanang inaapoy na siya ng lagnat.
"Shit! Nilalagnat ka, Dave."
Hindi ko napigilan ang sarili ko na magmura at sinapo rin ang leeg niya para masiguro kung talaga bang nilalagnat siya at hindi nga ako nagkakamali. Agad akong napatayo at aalis na sana nang bigla niyang hawakan ang braso ko kaya ako natigilan at napatingin sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong niya sa akin at marahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko.
"Kukuha lang ako gamot," sagot ko at pinakawalan na niya ako't hindi na pinigilan.
Paglabas ko ng kuwarto ay agad kong pinuntahan si Nay Ester para tanungin kung may gamot pa ba kami sa lagnat at sinabi niyang naubusan na kami ng stock. Tinanong pa ako nito kung bakit ko raw kailangan ng gamot kaya sinabi kong nilalagnat si Dave. Kaya sinabi niyang ipagluluto niya ito ng sopas at nagpasalamat ako kasi katulad ko ay anak na rin ang turing niya kay Dave. At kahit umuulan pa nang malakas ay nagpasama ako sa family driver namin na pumunta sa malapit na pharmacy para bumili ng gamot.
Medyo natagalan kami sa pag-uwi dahil five minutes kaming na-stuck sa traffic. Kaya aaminin kong hindi ko maiwasang isipin si Dave kung kamusta na ba siya kahit ilang minuto lang akong nawala. Ewan ko ba, sobra talaga akong nag-aalala sa kanya lalo na kapag nagkakasakit siya. Madalang lang kasi siya kung magkasakit at minsan lang din siya dapuan ng lagnat.
Nang makauwi na kami sa bahay ay agad akong dumiretso sa kusina at saktong kakaluto lang ng sopas na hinanda ni Nay Ester, kaya ako na 'yong nag-serve nito sa isang mangkok at naglagay din ng tubig sa baso para pantulak sa gamot na iinumin ni Dave.
Agad akong nagpaalam kay Nay Ester na tutungo na ako sa kuwarto ko bitbit ang plastic tray na may nakapatong na isang mangkok ng sopas, isang basong tubig, kutsara at gamot para sa lagnat. Nang buksan ko 'yong pinto ay agad na tumambad sa akin si Dave na nakahiga at mahimbing na natutulog sa kama ko, nakabalot sa kobre kama. Nilapag ko 'yong tray sa bedside table para gisingin si Dave kaya umupo ako sa tabi niya at marahan siyang tinapik sa braso niya.
"Dave, gumising ka muna. May dala akong sopas para sa 'yo," sabi ko at umungol siya nang unti-unti siyang magising at napatingin sa akin na bahagyang nakakunot ang kanyang noo.
"'Di ba sinabi ko na sa 'yo na okay lang ako? Saka ipinagluto mo pa talaga ako ng sopas ha..." Aniya kaya bahagya akong natawa sa sinabi niya't marahanang napailing at tinulungang siyang bumangon at sumandal sa head board ng kama na may mga unan sa kanyang likuran.
"Huwag nang matigas ang ulo. At saka hindi ako ang nagluto nito. Ipinagluto ka ni Nay Ester nang sabihin ko sa kanyang may sakit ka." Paliwanag ko sa kanya at inabot 'yong mangkok na may lamang sopas.
Napamura pa ako nang mahina nang hawakan ko ang lalagyan nito dahil hindi ko inakalang mainit pa pala ang sopas. O baka ulyanin lang ako at nakalimutang bagong luto pa pala 'yon nang makabalik ako kanina. Pero nang matansya ko na 'yong init at hinawakan ang mangkok sa tamang anggulo ay agad ko itong kinuha't kasama na 'yong kutsara.