- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
[1st Book of I THOUGHT DUOLOGY]
***
Bata pa lang ay alam na ni Kristoper sa sarili niyang bakla siya. Pilit lang niya itong itinatanggi sa kaniyang sarili lalo na at matagal na rin sila...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Halos magdadalawang linggo na ang nakararaan magmula n'ong umuwi ang mga magulang ko. Kaya sa tuwing nasa bahay si Dave ay hindi kami masyadong magkadikit sa isa't-isa. Tanging sa kuwarto ko lang kami nakagagalaw nang malaya. At mukhang matatagalan pa ang ganoong set-up naming dalawa kasi wala pa silang mga out of town trips ngayon, sabi ni mama sa akin. Kahit naman n'ong wala sila ay nag-iingat na kami ni Dave pero mas dinoble pa namin 'yong pag-iingat namin ngayon lalo na't nandiyan sila. Minsan na lang din kung pumunta si Dave sa bahay namin kasi napag-usapan namin na huwag muna siyang pumunta sa bahay palagi at baka makahalata lalo si mama sa aming dalawa.
Kaya kapag nami-miss ko siya ay tinatawagan ko siya through video call, nang sa ganoon ay mapawi ang kalungkutan ko kahit papaano. Sakto rin kasi na kase-sembreak lang namin ng dalawang linggo magmula n'ong isang araw, at hindi ko talaga kaya na hindi siya makita o makausap man lang. Hindi rin naman ako makapunta sa kanila kasi nasakto rin sa aming sembreak 'yong family gathering namin nang tatlong araw, na gaganapin sa susunod na dalawang araw sa isang private beach resort ng tito ko, pangalawa sa nakatatandang kapatid ng papa ko. Kahit gustong-gusto ko na talagang mayakap si Dave dahil halos magdadalawang linggo na rin nang huli ko siyang makita, ay wala rin akong magagawa.
"Haha, huwag mo naman ako masyadong ma-miss, mahal. Baka sa susunod eh hindi mo na talaga ako bibitawan kapag nagkita tayo ulit," aniya habang kausap ko siya sa video call. Nakahiga lang ako sa kama ko habang siya naman ay may ginagawa sa kanyang working table gamit na rin ang kanyang laptop. May ini-edit kasi siyang video para sa kaibigan niya.
Napanguso ako at nang makita niya 'yon ay natawa siya. "Grabe, hindi mo yata ako na-miss, eh. Gustong-gusto na talaga kitang mayakap at makita..." sabi ko kaya napailing siya't sandaling tumigil sa kanyang ginagawa para harapin ako nang diretso.
Bumuntong-hininga siya bago nagsalita ulit. "Ako rin naman, eh. Miss na miss na rin kita, sobra. Miss na kitang yakapin, nami-miss ko na rin hawakan 'yang maliit na baby fats sa tiyan mo. At miss ko na ring halikan ka sa labi mo," aniya kaya ako naman 'yong natawa sa sinabi niya't inirapan siya. Kahit kailan talaga, eh.
"At talagang gusto mo talaga akong hinahalikan eh, 'no?"
Napalakas ang tawa niya. "Siyempre naman. Sino bang boyfriend ang hindi gustong halikan ang labi ng jowa nila, lalo na't mahal na mahal din kita nang sobra-sobra?" at kinindatan pa ako ng mokong. Kaya napalakas din ang tawa ko sa kanya.
"Oo na. Panalo ka na para wala na tayong pagtataluhan pa."
Unti-unting nawala ang kanyang ngiti sa kanyang labi at huminga siya nang malalim. "Daig pa natin 'yong mga long distance relationship kung maka-miss sa isa't-isa eh," sabi niya sa akin at napangisi lang ako sa kanya.
"Kailan ba kasi kita ulit mayakap at makita?"
Napanguso ako ulit, with my puppy eyes gesture. Napaasiwa lang siya sa ginawa ko.
"Tiis-tiis lang, mahal ko. Dalawang linggo lang din naman ang sembreak natin kaya huwag ka na diyang malungkot, okay? Malaya ka namang yakapin ako kahit kailan mo gusto. I'm all yours, remember?" sabi niya sa akin sabay pagtaas-baba niya sa kanyang dalawang kilay.