Gustong ipagsigawan ni Eliliott na mali ang nakasaad sa mga libro, patungkol sa istorya ng magandang binibining pumunta sa palasyo, suot-suot ang babasaging nitong sapatos. Nais niyang sabihing hindi ang prinsipeng iyon ang siyang pinuntahan ng dalaga, kung 'di siya. Sila ang nagmamahalang tunay. Sila dapat ang may magandang wakas. Subalit, ang lahat ng iyon ay ipinagkait sa kanila nang naglaho si Elliott sa kuwento. Binura siya nang sapilitan. At walang nang natira pa sa kaniya, maliban sa isang pirasong basag na sapatos ng dalaga-- ang bukod-tanging bagay na naiwan sa hagdanan ng palasyo, noong ito'y nais takasan ang prinsipe. May pag-asa pa bang maibalik ang dati, kung ang babaeng kaniyang pinakamamahal ay hanggang tanaw na lamang ngayon, sa mundo ng mga tao?
35 parts