Kabanata IX

0 0 0
                                    

Christmas eve.

"Anak, pupunta lang ako kay Mang Jun. Idadaan ko lang itong inoder niyang leche flan" tumango ako at umalis na siya.

"I love you"

Napangiti ako sa pambungad nito. Wala talagang palya ang lalaking ito kahit kailan.

"I love you too..leche flan para sa matamis na umaga" sabi ko.

"Hmm..I don't like sweet. But if its from your lips." Tingin niya sa labi ko. Siniko ko nga ang aga aga e. "Sadista ka talaga" nakangusong sabi niya. Natetempt tuloy akong halikan siya.

"Hey..its not like that" inis niyang sabi. Hinalikan ko lang naman siya ng mabilis smack ganun. Mukhang ayaw yata base sa reaksyon niya. Pssh.

Tinalikuran ko na siya. Parang kiss lang mukhang ayaw pa.

"Hey where are you going?" Hindi ko siya pinansin nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"I'm sorry---" tinakpan ko yung tenga ko.

"Ahhhhh---" napahinto ako. He kissed me. Hindi siya yung mabilis lang. He kissed me passionately.

"Yan mas peaceful" inis ko siyang siniko. Sabay walk out.

Hinalikan niya ko para tumahimik lang. Tsk.

"Love wait" wait niya mukha niya.

"Ma, nakauwi na pala kayo?" Gulat kong sabi. Kakaalis niya lang kanina pero heto siya mukhang may hindi magandang nangyari.

"Ilang beses ka ng nakakatanggap nito?" Walang emosyong sabi niya.

Tinignan ko naman yung hawak niya. Hindi nagsalita. Bakit pati sila dinadamay na ng kung sinong nagpapadala nito. Bumuntong hinibga ako. I have no choice para itago pa ito. Malalaman at malalaman din naman nila. Naiinis ako dahil maging sila ay mukhang madadamay pa.

Kinwento ko sa kanila ang tungkol sa sulat na natanggap ko after kong makaalala. Tinignan ko ang reaksyon nilang dalawa pero parang may alam na sila kaya nagtataka man ay hindi na ako nagtanong at pinagpatuloy ang pagkukwento.

"I'm sorry ma, natakot lang ako na madamay kayo kaya nilihim ko ito" sabi ko pagkatapos.

"It's ok, hindi parin pala siya tumitigil" dinig kong sabi niya. Siya? Kilala kaya ni mama ang nagpapadala nito?.

Iwinaksi ko ang katanungan sa aking isip. Baka noon pa may nagpapadala sa akin ngunit itinatago lang nila upang hindi ako matakot. Siguro yun lang yun.

"Ma..may nalalaman kaba dito?" Hindi siya sumagot. Walang nagsalita ni isa sa amin. Naguguluhan ako kung bakit parang may nalalaman si mama tungkol dito. Ayokong pagdudahan sila pero hindi mawala sa isip ko ang reaksyon nito.

"Oo..tatlong taon ka nun magmula nung iniwan ka sa amin ng tunay mong ina." Pagkarinig ko palang ng salitang ina ay bumigat na ang pakiramdam ko lalo na't sa katotohanang iniwan ako nito. "Christmas eve nun, saktong ipinasyal ko si Harvey sa Night Market kung saan ko nakilala ang iyong ina. Isang taon palang si Harvey. Nagulat ako nung iniabot ka niya sa akin, awang awa ako dahil pilit mong inaabot ang kamay ng iyong ina ngunit pilit din nitong winawaksi." Napayuko si mama. Naaalala ko yun, hanggang ngayon masakit parin sa akin lalo na at ganitong panahon iyon nangyari.

"Paulit ulit niyang sinasabi 'plss..take care my daughter. Plss. Hindi ko siya kayang alagaan sa lagay ko ngayon' ewan ko ba basta kinuha na lang kita kahit na noon ko lang nakita ang iyong ina." Lumapit ako sa kaniya. I know how hard her situation is. Nagpapasalamat ako na kahit hindi niya kami kilala ay tinulungan niya kami. Kaya gagawin ko ang lahat para ibalik lahat ng tulong na iyon.

"Thank you ma..thank you for taking care of me. Hindi mo po kami kilala pero tinulungan niyo pa rin po kami." Sabi ko sa kaniya. Nagiyakan lang kami hanggang sa wala ng luha ang lumabas sa mga mata namin. It was the greatest gift from above to have a family like them.

Hindi ko hahayaan na masira ang pamilyang nagmahal at nagpahalaga sa akin.

Konting oras na lang pasko na. Sana lang maging maayos ang pasko namin ngayon. Ilang taon din mula ng mawalan ako ng alaala. Hindi ko na nga alam kung ano yung ginawa ko bago ako nagkaalaala. Kumbaga parang bago lang ulit sa akin ito.

"Pasko na naman, oh kay tulin ng araw~

Paskong nagdaan, tila ba kung kailan lang?

Ngayon ay pasko dapat pasalamatan

Ngayon ay pasko dapat na magbigayan..

Nagulat ako sa mga batang nangangaroling sa tapat ng bahay namin. Nakakatuwang may suot pa silang santa hat. At may dalang iba't ibang klase ng instrumentong gawa lang din nila.

"Pasko! Pasko! Pasko na naman muli

Ang araw na ating pinakamimithi

Pasko! Pasko! Pasko na naman muli

Ang pagibig naghahari.."

"Mamamasko po...." they said in unison after sing a christmas song.

Lumabas ako upang ibigay ang aguinaldo para sa mga batang nangangaroling.

"Wow thank you po!" Masayang sabi ng batang lalaki. Ganun din ang sinabi ng iba pa niyang kasama. Masarap pagmasdan ang ngiti ng bawat bata kaya hindi nawawalan si mama ng ibinibigay dito. Sabi nga ng iba 'Ang Pasko ay para sa mga bata' ang makapagbigay ng saya dito ay lubhang nakakagalak.

"Welcome...next year ulit" tumango sila at masayang nagalisan.

"Ang ganda.." napatalon ako sa gulat.

"Ano ba yan!" Sigaw ko dito at tinawanan lang ako ng loko. Kasama pa si Harvey na nakitawa din habang nakatingin sa phone.

"Napaka magugulatin mo pala love" ngising sabi nito. Inirapan ko siya. Haler? Sinong hindi magugulat kung may taong biglang bumulong sayo. Ang creepy kaya.

"Ate...ang epic mo kanina. Here look at your face" pakita niya. Nanlaki yung mata ko. Omo! Ang epic nga. Hahablutin ko sana kaso naunahan na niya ako at kumaripas ng takbo.

"Hoy bata ka! Akin na yang phone" sigaw ko.

"Catch me if you can..blehhh"

"Ahh ganun ha..." inistretch ko muna yung mga braso ko pati na yung legs ko. "Hindi mo magugustuhan yung gagawin ko makita mo" sabay kunwaring nagpapatunog ng kamay. Kita kong natigilan ito maging si Kenneth ay natigilan din. *evil laugh*.

"Ate..it's a prank?" Sabay taas niya ng kamay.

"Prank?" Tanong ko.

"Yup. Si kuya Ken ang nakaisip" napabaling naman ako sa katabi ko. Pero wala na ito.

"KENNETH!!!!!"



*Angeline*

"Mahal, natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Lein"

"Wag kang magalala..walang mangyayaring masama sa kaniya"

"Bakit hindi na lang natin ibalik kay Fred?" Napaisip naman siya.

"Saka na. Kailangan niya munang malaman na anak niya talaga si Lein. Ayokong makilala niya ang ito nang may pagdududa" tumango ako.

Matagal ko ng kilala ang mga magulang ni Lein. Siguro nga napakasinungaling ko na dahil hindi ko sanabi sa kaniya ang totoo. Masyado pa kasing komplikado ang lahat. Hindi pa sa ngayon niya dapat malaman. Hindi sa pagkakataon na ito.

Sorry Lein...ginagawa lang namin kung ano ang makakabuti sayo. Lalo na't kumikilos na naman sila.

Ms. Matchmaker and Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon