I can wait forever..
"Bro tama na yan..." awat ni Steve.
"Hindi..I need this" pigil ko sa pagkuha niya ng boteng hawak ko.
Nandito ako ngayon sa condo niya at nagiinom.
"No, pumunta ka lang ba dito para magpakalunod sa alak?" Natatawang sabi niya. "Ewan ko sayo pre..hindi ikaw yan e. Ang alam kong Kenneth De Villa. Matapang at hindi idadaan ang problema sa alak"
"You don't know what I feel. Hindi ikaw ang nawalan ng minamahal." Walang buhay kong sabi. Napatayo siya.
"Yea..sabihin na nating hindi ko alam kung anong nararamdaman mo. Pero pre, tingin mo ba matutuwa si Lein if ever na nandito siya at makita ka niyang ganyan?" Hindi ko siya pinansin at nagsalin pa sa baso.
Nakita kong may tinatawagan siya. Siguro ay si Michelle. Buti pa siya nakakasama niya ang mahal niya. Pero eto ako kasama yung alak. Tsk.
Isang oras na akong magisang nagiinom. Si Steve ayun bagsak na. Agawin ba naman sa akin ang bote at nilaklak lahat. Naalala ko pa ang sinabi niya.
"Gumising ka pre..hindi alak ang sulusyon sa nararamdaman mo. Naalala mo ba ang sinabi mo noong namatay si lola? 'Ang pangit mong umiyak' natawa ako nun" hilo na yata ito. " joke..sabi mong isipin ko na hindi siya nawala sa akin dahil nandito" turo niya sa puso ko. "Nandito lang siya at hindi mawawala"
Pagkatapos nun ay bagsak na siya.
*dingdong* *dingdong*
Nahihilo man ay tumayo ako at pinagbuksan ang dumating. Si Michelle na siguro iyon.
"Hello.." bati niya pagkabukas ko.
"Why are you here? Where's Michelle?" Takang tanong ko.
"Ohh sorry..she's downstair may nakalimutan sa car binalikan lang" tumango ako at pinapasok siya.
"Kamusta?"
"I don't know"
Bumalik ako sa counter para iligpit ang mga kalat. Ubos na din naman ang alak dahil kay Steve.
"You don't have to." Basag niya sa katahimikan. Kunot noo ko siyang tinignan. "Hindi ka dapat nagkakaganyan. You need to be strong. Yan yung laging sinasabi ni Lein hindi ba? Hindi siya matutuwa kung nagkakaganyan ka ng dahil sa kaniya."
"Stop talking.." umiling siya.
"No, you better stop. Hindi pa huli ang lahat. Magtiwala ka lang..." at umalis na siya.
Paano?
*****
"Arghhh!" Napahawak ako sa ulo ko. Sobrang dami ko yatang nainom.
"Hmm..." dinig kong ungol ng katabi ko. Napabalikwas ako ng upo. Paanong..haysst nakainom din pala ito.
"Hoy Steve..." yugyog ko dito. Anak ng!! Ang hirap naman gising neto. Baka kasi bigla na lang malaglag ito sa sahig dahil alam kong malikot ito matulog. Sa sofa na pala kami inabutan ng antok.
Iniwan ko na siya at dumiretso sa kusina.
No,You better stop. Hindi pa huli ang lahat.magtiwala ka lang...
No,You better stop. Hindi pa huli ang lahat.magtiwala ka lang...
No,You better stop. Hindi pa huli ang lahat.magtiwala ka lang...
BINABASA MO ANG
Ms. Matchmaker and Mr. Heartbreaker
Teen FictionIsang taong naging tulay para sa mga taong naghahanap ng isang tunay na pagmamahal. Isang tao na walang ginawa kung hindi saktan at ibasura ang dapat ay nasa totoo nitong tadhana? Isang tao na walang ibang ginawa kung hindi bigyan ng kasiyahan ang...