One more chance.
Katahimikan ang namayani sa amin matapos kong sumakay sa sasakyan nito. Walang ibig magsalita, walang gustong mauna at wala din akong balak na basagin ang katahimikan dahil natatakot ako na kung magsalita ako ay baka, baka hindi niya magustuhan.
"Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon---"
"----talaga?" Natutop ko ang aking bibig hindi dahil sa sinabi kundi dahil sa sama ng tingin nito.
"I'll give you a chance..but please enlighten me. I have the right to know everything" tumango ako. Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob. Sa loob loob ko ay isa na itong napakagandang pangyayari sa akin. Kahit papaano ay may maganda namang naidulot ang pagtitiyaga ko.
"Ano na yung gusto mong malaman?" Bumuntong hininga muna siya bago ako hinarap.
"Kahit ano basta gusto kong malaman lahat.." Pinal na sabi niya.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang sabihin ang lahat.
Flashback
Kahit na nakapikit ako ay alam ko parin ang nangyayari sa paligid ko at kung ano ang nangyari kanina lang.Nasa sasakyan na ako ng makarinig ako ng isang tinig.
"Miss...pakilipat ang pasyente. Utos ito ng tatay niya." Narinig ko ang hindi pagsangayon ng dalawang nurse. Isang babae at isang lalaki. Gaya ko ay hindi din ako sangayon sa gusto nito dahil nagaalangan akong baka isa ito sa tauhan ni Miguel.
Naramdaman ko ang paglapit ng isang imahe sa akin. "Lein..kailangan mong mailipat sa kabila. Masyadong malala ang tama mo." Hindi ako sumagot. Ni paggalaw at paghinga ay nahihirapan na rin ako.
Naramdaman ko na lang ang pagbuhat ng dalawang tao sa akin para mailipat ako sa kabila sabi ng lalaki base sa boses nito.
"Konti na lang..." Yun na lang ang narinig ko at muli ay nabalutan na naman ako ng kadiliman.
Nagising ako hindi dahil may kung anong ingay o tao na gumising sa akin. Siguro ay masyado ng mahaba ang naging pagtulog ko. Alam ko may balak akong puntahan o mas mabuting sabihin na may pinuntahan ako at bigla na lang may tao na kumuha sa akin.
"Gising kana pala" hindi man lang ako nagulat o nabigla dahil una palang ay alam ko ng may tao sa loob ng kwarto ko. Gusto ko sanang sabihin na 'hindi tulog pa ako. Tulog na nakadilat' pero walang lakas ng loob para ibuka ang aking bibig.
BINABASA MO ANG
Ms. Matchmaker and Mr. Heartbreaker
Teen FictionIsang taong naging tulay para sa mga taong naghahanap ng isang tunay na pagmamahal. Isang tao na walang ginawa kung hindi saktan at ibasura ang dapat ay nasa totoo nitong tadhana? Isang tao na walang ibang ginawa kung hindi bigyan ng kasiyahan ang...