Kabanata XXI

0 0 0
                                    

She's back..

Nandito ako sa puntod ni Lein. Ito na yung huling paparito ako dahil hindi naman dapat ako pumupunta dito. Matapos kong malaman ang lahat ay nagising nalang ako isang araw na hindi dapat ako nagluksa sa isang tao na hindi naman pala totoong patay.

"Lein..hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa. Bakit kailangan mo pang ganituhin ako ngayong alam mo naman na hindi kita kayang kalimutan ng ganun ganun lang" sabi ko habang nasa harap ng isang puntod. Puntod na akala ko ay sa kaniya.

"I know that you are alive. Bakit hindi ka magpakita sa akin? Alam mong hindi kita kayang tiisin pero ikaw nagawa mo yun ng pitong taon." Napatigil ako saglit. Sinuyod ko pa ang paligid na nagbabakasakali na magpapakita siya ngayon. Alam kong lagi niya akong sinusundan dahil sa mga kuha na litrato.

Nang walang lumabas ay namalagi lang ako saglit at umalis na din. Tama na yung pitong taon na inakala kong siya yung nakahimlay doon. Tama na yung mga luha at pangungulila para sa isang palabas lamang. Ayoko ng matrap pa sa nakaraan. I need to move on and keep living sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Ohh akala ko ba mamaya ka pa pupunta dito?" Takang tanong ni Zy sa akin.

"Akala ko din. So let's start?" Tumango naman siya.

"Hello, I'm Atty. Lee. Are you sure with this agreement?" Tanong niya sa dalawa.

"Yes, actually napagusapan na namin yan. But don't mention it with Lolo. Sa ating tatlo lang ito" si Zy na ang sumagot. Tumango naman si Atty. Lee.

"Ok. Pakipirmahan na lang ito." Abot niya ng papeles. Binasa ko pa ito ng ilang ulit at gaya nung una ay agree ako sa nakasaad. It was an agreement for this grow relationship with her.

Nakaalis na si Atty. kaya kami na lang ang naiwan.

"May gagawin ka ba?"

"Are you free today?"

Natawa ako nung sabay kaming magsalita.

"Yes" sagot ko sa tanong niya tumango naman siya bilang sagot.

"Let's go?" Tumango na naman siya.

"Hindi ko alam na pusong bata ka pala" natawa ako sa sinabi niya.

"What do you mean by that?" Napailing siya saglit pero sinagot din ako.

"Alam mo bang gusto kong makapunta dito nung childhood ko? Pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon." Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mata. Totoo nga ang sabi ng iba hindi mo makikita ang totoong saloobin ng tao kung hindi mo titignan ang kaniyang mata.

"So are you ready to be a child again?" Napangisi ako sa naging reaksyon niya.  Hindi ko alam na magiging kasiyahan din pala niya ito kaya ito ang napili ko dahil sa isang taong nagparamdam na pwede pa ulit akong maging bata.

Sakay lang kami ng sakay sa mga rides dahil gusto daw niya maexperience lahat ng ito pero minsan ay nagsusuka na siya dahil kadalasan ay extreme rides ang sinasakyan namin.

"Are you ok?" Nagaalalang tanong ko. Mukhang namumutla na siya dahil sa kakasuka niya matapos matry yung roller coaster. Eto na yung last na extreme na sinakyan  namin kaya sobrang drain na siguro siya. Ang kulit kasi e.

"I don't know? Feel ko naubos na yung tubig ko sa katawan" biro niya pa. "Can we stay here for a while?" Nanghihina niyang sabi. Tumango naman ako. Hindi ko naman siya pwedeng hayaan na lang kung saan dahil sa lagay niya.

"You want something to eat or drink?" Tanong ko pero wala akong narinig na response. Nagulat na lang ako ng bigla siyang nabuwal sa balikat ko. Nakatulog na pala siya.

Ms. Matchmaker and Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon