Kabanata VI.

1 0 0
                                    

Mystery Sender.

"Hala sino naman kaya yung nagpadala niyan? Saka MYMP? Grabe fan ba sila nun?" Nakataas na kilay na sabi ni Badeth.

Kanina pa gumugulo sa isip ko kung bakit at ano ang sadya ng nagiwan nitong box at sobre.

"Akin na't tignan natin ang laman" sabay hablot sakin.

"Ohhmyygulay..." Gulat na gulat na sabi niya. Kinuha ko ito at ako na ang tumingin.

Watch your move Heartlein Sanchez. You better watch out than cry, for mercy.
- MYMP

Ito na naman. Some blurred images came out in my mind. Yung iba medyo malinaw. Lalo na yung lalaking nakaitim. May sinasabi siya pero isa lang ang naintindihan ko.

"Wrong move Heartlein, you're out of the line. You choose and now we grant for you"

*Bang!*

Napadausdos ako. Ano ba yung nakita ko. Those incident was so real. Parang isa sa memory loss? Or what?

Nagsimula na akong mapahagulgol. Takot, galit na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ngayon.

"Hush, mars-- shh I'm here, tatawagan ko lang sila Steve"

Bago pa makatayo si Badeth ay parang bigla akong nahilo at lahat ay biglang dumilim.

Same place, same smell. Hospital. Lagi na lang akong laman nito. Nakakasawa na din minsan.

"Doc, kamusta si Heart?" Dinig kong tanong ni Steve.

"She's fine, something happened like sort of memory back?"

"What do you mean, Doc?" Takang tanong ni Badeth.

"Base sa result ng checkup niya kanina. May previous accident pala siya, may maliit na fracture kasi kaming nakita sa top ng skull niya. I think those are the main reason kung bakit sa tuwing may naaalala siya biglang mawawalan ng malay"

Accident..

"AHHHHH" napahawak ako sa ulo ko.

Ngayon hindi lang iisa ang nakikita ko, madami. Iba-iba, may masaya ako na kasama si Kenneth? And then isang babae, siya yung nakabangga ko, Rheana. Kenny my boyfriend and Rheana my Best friend.

After that the incident three months ago. Kung bakit nawalan ako ng alaala.

Napatingin ako kay Kenneth, my boyfriend. At sa mga kaibigan ko.
Lumapit siya sa akin.

"Ok ka lang ba? Sumasakit ba talaga yang ulo mo?" Pinagmasdan ko siya. Paano ko ba nakalimutan ang lalaking ito?
"Ok lang ako" sagot ko at hindi maalis ang tingin.

"Don't worry, we do some test sa kaniya. Siguro ay dahil sa gamot na ininject ko sa kaniya kanina" sabi ng doctor. Tumango lang sila pero ang lalaki sa harap ko ay hindi parin inaalis ang tingin.

Ms. Matchmaker and Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon