Matchmaker.
"Ang GWAPO!"
"Kenneth!"
"Hans my love"
"Steeevvveee omygosh"
Haysst ang iingay! Ano akala nila sa bunganga nila? Speaker? Huh! Hindi naman artista yang pinagkakaguluhan. Ang sakit nila sa ulo, lagi na lang ganito, papasok sila tapos itong mga kerengkeng naghihihiyaw.
Bigyan ko kaya sila ng microphone?
"Anong mukha yan?"
Isa pa to. Isa pang sakit sa ulo. Abay late na naman? Alam naman niyang bored ako dito pagnauuna pumasok at walang makausap.
"Ang gwapo ni Hans nohh"
Tignan mo tong isang ito nagd-daydream na naman, Ano? Ganito na naman kami? Hintayin ko siyang matapos saka niya ako papansinin? Minsan sarap netong ipatapon sa Mars tutal alien naman hanap neto e.
"Ohh San ka pupunta?"
Inirapan ko siya. Nakita lang yung crush niya nagka-amnesia na? Ganun ba yun?
"Malamang papasok na, ano tatanga na lang tayo dyan hanggang sa mawala na yang alien na pinagkakaguluhan niyo?"
Inis na sabi ko. Totoo naman diba? Wala namang especial sa tatlong yan e.
"Heart, ano ba yang bunganga mo!" Bulong niya.
Aba! Ngayon pinanlalakihan na ako ng mata.
"Bakit totoo naman! Hindi naman sila artista para pagkaguluhan! And mukha silang alien lalo na yung KENNETH parang pinaglihi sa sama ng loob"
"HAHAHA pre ok lang yan"
Nagulat ako sa tumawa. Eh ano naman kung narinig niya? Nila? As if I care. Saka sinasabi ko lang yung nakikita ko. And as I observed, hindi sila gwapo--lalo na yung Kenneth na yun!
"Heart, tara na?"
Hindi ako nagsalita. Basta na lang akong umalis dahil guilty? No, I'm not! Hah! Naaalibadbaran lang ako sa mga malischosa at chimosang tao na nakapaligid sa amin ngayon.
Ano kala nila? Live show to?
"Wait! Where you think your going? Escaping? Huh?"
What? Is he accusing me? Ang kapal ng mukha. San pa ba? Diba kaya ka pumapasok dahil para matuto? Ang tanga!
"Hoy mister?! FYI lang hah. Unang una, hindi ako tumatakas. At pangalawa, wala akong balak na panuorin kang rumampa. At pangatlo, may klase ako! Palibhasa puro pacute lang ang alam niyo Tse!"
Kita ko ang gulat sa mukha ni Kenneth. Dapat lang dahil hindi ako masisindak ng isang kagaya niya. Hindi naman siya gwapo para pagaksayahan ko ng panahon.
Huh! Ano napipe na ba siya? Ohh well, ang ganda ko kasi kaya siguro narealize niya na may isang dyosa na hindi tinatablan ng alindog niya. Poor boy. Tsk. Makaalis na nga.
Nalate tuloy ako sa unang klase ko. Buset kasing lalaki na yun. Paalis na sana ako tapos ayun gumawa ng eksena. Shocks! Ngayon lang ako nalate sa buong buhay ko. Letcheng lalaki na yun lagot siya sa akin.
Lintik lang walang ganti!. Haysst!
"Kanina ka pa nakabusangot dyan mars"
Buti patong si Badeth ang saya saya kahit single at hindi pinapansin ng crush niyang si Hans.
Ako? Well ayoko muna ng lovelife sa ngayon dahil may importante pa akong kailangan tapusin. Pero sa ngayon secret muna.
"Ms. Sanchez proceed to the office" sabi ni Mrs. Beverley.
BINABASA MO ANG
Ms. Matchmaker and Mr. Heartbreaker
Teen FictionIsang taong naging tulay para sa mga taong naghahanap ng isang tunay na pagmamahal. Isang tao na walang ginawa kung hindi saktan at ibasura ang dapat ay nasa totoo nitong tadhana? Isang tao na walang ibang ginawa kung hindi bigyan ng kasiyahan ang...