Kabanata V.

1 0 0
                                    

She's back.

Bakit ba? Ganyan ang unang pagibig..

Labis na kay hirap namang sambitin..

Di masabi, saloobin hanggang sa matangay na ng hangin

Dila'y pilipit pagsaakin ay lumalapit.

Kay gandang kanta.

Parang may kung anong pagkirot sa puso ko..

Parang.. May nawawala.

"Hoy! Ang ganda ng kanta pero parang senti ka masyado"

Tinignan ko lang si Badeth.

Yun na nga e, maging ako'y nagtataka sa nararamdaman ko ngayon.

"Bukas na yung play natin"

Sa hindi malamang dahilan ay napalingon ako sa may pintuan. Kay bilis ng tibok ng puso ko. Kaba ba ito o ano?.

"Lenny..."

Bakit ang bilis ng pagtibok? Bakit may iilang imahe sa utak ko ang nagpapakita?

"I love you, Lenny"

Sino si Lenny? Bakit maging si Steve yun ang tinatawag sa akin?.

"Mars? Ok ka lang?"

Dahil sa boses ni Badeth kaya bumalik ako sa katinuan. Bakit pamilyar sa akin ang boses na yun?.

"Ok lang ako, medyo nahihilo lang" pagsisinungaling ko. Mukha namang naniwala siya kaya inalalayan na lang akong maupo.

"Ahh Kenneth, ano nga palang ginagawa mo dito?" Dinig kong tanong ni Badeth.

"Ahmm, ano, kasi..*sigh* iaabot ko lang itong damit na susuutin sa play bukas"  sabay about niya ng paper bag.

Hindi siya makatingin ng diretso sa akin, para bang may itinatago siya na once na tignan ko siya ay madali ko itong mahuhulaan.

"Sige, mauuna na ako. Yan lang talaga ang sinadya ko dito"

Hindi siya nagatubiling tignan ako at nagmamadaling umalis.

Anong problema ng isang yun?

"Sigurado ka bang ok ka lang?" Nagaalalang tanong niya. Ngumiti ako para ipaalam na ok lang talaga ako. Pero deep inside kinakabahan talaga ako.

*Kinabukasan*

"Ready na ba ang lahat?!" tanong ko.

"Wala pa si Steve at Kenneth" sagot ni Paul, ang audit namin.

Saan na naman kaya nagsusuot yung dalawang alien na yun?.

Within 30 mins. mags-start na ang play.

"Nandyan na sila!" Sigaw ng isa naming kaklase.

"Ano pang hinihintay niyo? Double time!" Sigaw ko.

Ms. Matchmaker and Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon