Cold-hearted...
"Tito...did you brought me a panda bear?" Inosenteng tanong ni Kate.
"Yes..baby makakalimutan ko ba?"
"I know you don't." Masayang sabi niya. She's turning seven this January kaya sobrang paghahanda ang ginagawa nila Badeth at Hans sa anak nila.
"Bro..nandito ka pala" gulat na tanong ni Hans pagkakita sa akin.
"Yup dinaan ko lang talaga yung regalo ko kay Kate" napatingin naman sa kaniya ang bata at ipinakita ang ibinigay ko.
"Ano ang sasabihin mo kapag may nagbigay sayo?" Dinig kong sabi ni Badeth sa anak.
"Salamat po tito.." sabi nito at niyakap ako.
"Welcome baby" sabi ko sabay gulo ng kaniyang buhok. Tumakbo ito sa may sala at umupo sa sofa habang hawak ang stuff toy na ibinigay ko.
"Kumain kana dito nagluto si hon ng tanghalian" wika nito na ikinailing ko.
"Hindi na..I need to go early..may business trip kasi kami so I guess matatagalan bago ako makabalik dito." Tumango sila. Nagusap kami saglit at nagpaalam na ako.
"Tara na?" Aya sa akin ni Karla.
"Yes. Let's go"
"You don't need to go with me" basag niya sa katahimikan.
"I know. And I want to help you so plss don't say anything." Natahimik siya kaya dumiretso na lang kami sa waiting area para sa flight namin.
"Thank you.." tumango lang ako.
"Tara na.." sabi ko ng marinig na namin ang speaker about sa paalis nang eroplano.
Makalipas ang isang oras ay naramdaman kong may ulo na sa aking balikat. Si Karla pala. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maramdaman sa kaniya ang bagay na nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Lein.
"Hey...what's wrong with you? Are you blind? Grrr.." inis na sabi ng nakabunggo kong babae.
"I'm sorry..I was occupied and I did not see you coming" walang emosyon kong sabi.
Inismiran niya naman ako. "Are you joking? Ganyan kaba talaga humingi ng pasensya?" Gulat ako ng marinig ko siyang magtagalog. Akala ko hindi siya sanay dahil sa itsura niya na mukhang banyaga.
"Miss..nagsorry na ako so plss accept it and I should go" sabi ko at tumalikod na.
"YOU BASTARD!! PAGNAKITA KITA ARGHH!!" Napailing ako at nagtuloy tuloy sa paglalakad.
Yun yung araw na nakilala ko siya. Akala ko ay masungit at mataray siyang talaga pero tignan mo naman at may tinatago palang kabaitan. Totoo nga ang sabi ng iba makikita mo ang tunay niyang ugali kapag nakakasama mo na.
Makalipas ang ilang oras ay nandito na din kami. Nararamdaman kong namamanhid na ang pangupo ko dahil hindi man lang ako nagiba ng pwesto magmula nung lumipad ang sinasakyan namin.
"Hey...sleeping beauty..we're here na. Get up" sabi ko dito. Mabuti naman at nagising ito.
"Ohh I'm sorry...let's go" aya niya pagkatapos.
Kita ko ang bakas ng inupuan ko. Halatang may korteng naiwan. At medyo masakit ang pangupo ko dahil sa tagal ng byahe.
Pagkadating namin sa hotel na tutuluyan namin ay agad namin kinuha ang key sa babae.
"Kita nalang tayo mamayang 3 pm..You need to rest dahil alam kong hindi ka na naman natulog." Sabi niya at nauna na sa kaniyang hotel room. Ganun din ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Matchmaker and Mr. Heartbreaker
Teen FictionIsang taong naging tulay para sa mga taong naghahanap ng isang tunay na pagmamahal. Isang tao na walang ginawa kung hindi saktan at ibasura ang dapat ay nasa totoo nitong tadhana? Isang tao na walang ibang ginawa kung hindi bigyan ng kasiyahan ang...