Vacation.
Nandito ako ngayon sa bahay Ng aking ina pero Baka sa susunod ay lumipat na si dad dito dahil ang alam ko ay ipapamana Kay Rhe ang bahay niya. Mas maganda Yun para Hindi na sila umalis at dito na Lang sa pinas tumira.
"Mars! Tara Dali!" Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay hinila na ako nito sa loob Ng kwarto ko.
"Wait upo Ka Lang dyan" umupo Naman ako.
"Magdahan dahan Ka nga" saway ko dito alam Naman niyang buntis Siya pero Kung magkagalaw akala mong Hindi.
Natapos na Siya sa pagkalkal Ng damitan ko. Tatlong pares Ng puting bestida ang hawak niya. Taka ko Naman siyang tinignan.
"Ahmm, ano gusto mo may design o Wala?" Tanong niya. Tinignan ko Yung dress mas preferred ko Yung plain. Tinuro ko Yung plain Kaya inabot niya sa akin Ito. Magtatanong Sana ako kaso tinulak niya ako papuntang Cr. "Dalian mo hah? Magiintay ako sa Baba" sigaw niya at nakarinig Naman ako Ng dalawang pares Ng sapatos. Mukhang nakaalis na Ito.
Ano Naman kayang pakulo Ng bruha na iyon?
Naligo muna ako bago ko suotin Yung dress. Hindi ko Naman pwedeng isuot iyon Ng Hindi manlang ako naligo Hindi komportable para sa akin. Nang matapos ako maligo ay pinatuyo ko muna yung buhok saka sinuot Yung dress. May nakita akong silver na heels Kaya sinuot ko na din iyon at lumabas na. Naabutan ko pang masayang nagkukwentuhan ang apat.
"Oh my ang Ganda mo" baling ni Badeth Kaya napunta din sa akin ang atensyon Ng magulang ko.
"Simple pero bagay" kumento ni mom. Tumango Lang silang dalawa ni dad at Lolo.
"Saan Pala Tayo pupunta?" Tanong ko Kay Badeth. Tumayo na Siya at nagpaalam kaila mom Hindi man Lang sinagot Yung tanong ko.
"Sige magiingat Kayo. Lalo Ka na" paalala sa Amin ni mom. Kumaway Naman ang bruha sabay hila sa akin.
"Dahan dahan Lang Naman. Heels po Yung suot ko"tumigil Naman Siya.
"Hehe sorry nakalimutan ko" inirapan ko Naman Siya at nagpatuloy na kaming maglakad. Nakita ko ang puting van at sakay nun sila Rhe at Mich.
"Sakay na Baka nagiinit na Yung ulo nun" natatawang sabi ni Rhe.
"Sinabi mo pa" segunda ni Mich at nagtawanan na silang tatlo. Ako Lang Yata ang walang alam sa nangyayari.
Habang nasa byahe ay Panay ang ayos sa akin nila Rhe. Umalis akong walang makeup pero Kung saan man kaming lupalop pupunta ay pupunta ako Doon na may makeup at burloloy sa ulo. Yung totoo kasalan ba itong pupuntahan ko at abay ako? O ako Yung ikakasal. Possible Naman dahil Wala namang proposal na nangyari.
"Nandito na Tayo!"
Mukhang sila pa ang excited kumpara sa akin. Ako na walang Malay. Sinong tanga? Edi ako? Ewan tss.
"Ngiti Naman dyan." Pangaasar pa ni Badeth lalo Lang akong napanguso.
Bakit sila ganito sa akin. Inaaway nila ako, pinagmumukha nila akong tanga. Huhuhuh.
"Dito na Lang Kami. Sundan mo Lang Yang petals. Enjoy!" Masaya silang iniwan ako. Ayoko na sa kanila hmmp!
Gaya Ng sinabi nila Rhe sinundan ko Lang Yung mga petals. Nasa resort Pala Kami at Hindi ko parin alam Kung bakit ako nandito at nakasuot pa ako Ng ganito.
Napatigil ako Ng biglang may mga bata na sumasalubong sa akin at nagaabot Ng mga bulaklak.
"Hi my beautiful tita. Here's your flowers" pagkabigay ni Venisse Ng bulaklak ay siyang pag-alis nito at pagsulpot ni Kate. "Flowers for my gorgeous tita" sabay abot Ng bulaklak. Bigla na Lang din itong umalis naiwan na Naman ako magisa habang mukhang tanga na sinusundan ang nagkalat Na petals.
BINABASA MO ANG
Ms. Matchmaker and Mr. Heartbreaker
Novela JuvenilIsang taong naging tulay para sa mga taong naghahanap ng isang tunay na pagmamahal. Isang tao na walang ginawa kung hindi saktan at ibasura ang dapat ay nasa totoo nitong tadhana? Isang tao na walang ibang ginawa kung hindi bigyan ng kasiyahan ang...