Her lost...
One month and two week na ang nakakalipas magmula na nung kinasal Kami ni Ken. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon dahil kahit na kita Naman sa daliri ko ang singsing ay pakiramdam ko na nananaginip Lang ako.
"You're spacing out love. Did something bothers you?" Bakas ang pagaalala sa boses niya. I can't imagine na heto Siya at nasa harap ko. Hindi na namin kailangan magalala na Baka biglang mawala ang isa sa Amin dahil may proweba na nasa mga daliri namin.
"Hindi Kaya" napanguso Siya sa sagot ko. Parang Hindi sapat Yung sagot ko sa kaniya. "Ninanamnam ko Lang Yung bawat sandali na magkasama Tayo." Totoo Naman Yun e. Bukas na bukas ay babalik na Kami sa Manila. Nasa Baguio Kasi Kami dahil Yun ang gusto niya Kaya pinagbigyan ko na.
"Akala ko nagbabago na isip mo e" natawa Naman ako sa sinabi niya Kaya mas lalong humaba ang nguso niya. Hindi ko napigilan at sinunggaban ko na Ng halik.
"Ikaw ahh may pagnanasa Ka Pala sakin" hinampas ko nga Siya ginawa pa akong manyak. "I'm just joking here" natatawa niya habang ako ay pinilit siyang hinahampas.
"It's not funny." Pero kalaunan ay napuno Ng tawaan ang kwarto. Hindi talaga Siya nauubusan Ng paraan para pasayahin ako. Kahit simple Lang napapasaya na niya ako.
Naghahanda na ako dahil Maya Maya Lang ay aalis na Kami halos isang linggo din Kami dito sa Baguio Kaya sapat na Yun para umuwi Naman Kami.
"Let's go?" Aya ni Ken Kaya umalis na Kami. Malayo layo ang byahe Kaya huminto muna Kami sa gas station para sure na Hindi Kami matitirikan Ng sasakyan.
"Dadaan Tayo sa fast food para Kung sakaling gutumin Ka may pagkain" tumango ako pero mas gusto kong matulog ilang araw na akong ganito na parang laging pagod. "Inaantok Ka?" Tumango ako at Di ko nalang namalayan na nakatulog na Pala ako.
Nakaramdam ako Ng gutom pagkagising ko.
"May pinya Ka bang nabili?" Tanong ko sa kaniya. Siya Naman ay nagtataka habang nakatingin sa akin. "Nasaan na ba Tayo?" Hindi Siya sumagot tamang nakatingin Lang sa akin.
"Ahmm..hininto ko muna yung sasakyan balak Sana kitang gisingin Kaso nagising kana" tumango ako. Nagugutom na talaga ako.
"Ito binili ko alam Kong gutom Ka" inabot niya sa akin Yung burger at fries. Tinanggihan ko iyon may inabot siyang budget meal pero Hindi ko din tinanggap gusto ko Kasi Ng pinya. "Ano ba ang gusto mo?" Natuwa Naman ako dahil sa tinanong niya at sinabi ang gusto. Kaso nabura din dahil sarado na ang palengke sa hinintuan namin.
"Ito pagtyagaan mo muna. Baka mamaya habang pauwi Tayo ay makakita ako Ng tindahan sa ganitong oras" kinuha ko na Lang Yung fries at kinain Ito.
Nakatulog na Naman ako sa byahe hanggang sa makauwi na Kami sa condo niya muna Kami uuwi dahil para mas makapagpahinga na daw ako.
"Inaantok kana talaga?" Tumango ulit ako. "Kanina kapa tulog Ng tulog. Hindi Naman kita pinagod Ng sobra ahh" binato ko Siya Ng suot Kong tsinelas at nakaiwas Naman Siya habang Panay ang tawa. Iniwan ko na Lang Siya at dumiretso sa kwarto niya.
Nagising ako na Wala na si Ken sa tabi ko. Nakalimutan ko palang kumain kagabi Kaya nagrereklamo na ang mga alaga ko.
"Good morning love" bati niya pagkapasok ko sa kusina. Nakita Kong magluluto Siya Ng agahan. Lumapit Naman Siya sa akin at agad akong napalayo. "Bakit?" Umiling ako. Parang hinahalukay Yung sikmura ko. Siguro nalamigan na ako dahil Hindi Naman ako kumain kagabi.
"Ang baho mo" walang ganang Sabi ko. Inamoy Amoy Naman niya ang sarili at nagtatakang tinignan ako tinaasan ko nga Ng kilay. Problema neto?
"Kakaligo ko Lang e" nakasimangot niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Ms. Matchmaker and Mr. Heartbreaker
Teen FictionIsang taong naging tulay para sa mga taong naghahanap ng isang tunay na pagmamahal. Isang tao na walang ginawa kung hindi saktan at ibasura ang dapat ay nasa totoo nitong tadhana? Isang tao na walang ibang ginawa kung hindi bigyan ng kasiyahan ang...