She's gone
"BoOgs"
Isang nakakabinging ingay ang gumulat sa amin. Hindi ko alam kung saan napakalakas nito dahil hanggang dito ay nadidinig ang pagsabog.
"Sir! Natagpuan na ang bomba pero huli na sir sumabog na ito" seryosong sabi ng lalaki. Isa yata sa mga tauhan ni sir Frederick.
"May nasaktan ba sa pagsabog?" Hindi ito sumagot. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. "Saan ito sumabog?" Tanong niya pa.
"Sir...sa mismong sasakyan na magdadala dapat sa anak niyo." Natigil ako. Parang yung kaba kanina lang ay biglang naglaho dahil wala na akong maramdaman parang lahat ng nasa paligid ko ay huminto. Everything was destroyed.
"No..this is not happening." Napaupo siya. Umalis ako sa pwesto ko at tinungo ang pwesto niya.
"Sir Fred." Tawag ko. Lumingon naman siya makikita mong nagsisisi siya sa mga nangyayari sa pamilya niya.
"Wala na siya hijo. Kasalanan ko ito e kung sana hindi ko siya iniwan nung mga oras na iyo hindi sana mangyayari ito. Kung kailan makakasama na namin siya saka pa nangyari ito. Anong klase akong ama? I don't even protect my daughter. Sana nga lang mapatawad niya ako" napayuko siya. Kita ko ang pagtaas baba ng balikat niya sign that he's starting to cry.
"Sir. Stop blaming yourself. Hindi magugustuhan ni Lein na makitang sinisisi niyo ho ang sarili niyo. She loves you sir, she doesn't want to see you in that situation. Hindi niya gugustuhing makita na umiiyak kayo. Kilala ko ho ang anak niyo hindi po siya yung tipo ng tao na isisisi sa iba ang nangyayari o mangyayari pa lang sa kaniya." Mahabang lintaya ko. Siguro naman ay sapat na iyon upang maibsan ang sakit na nararamdaman niya. We need to be strong. Kahit na masakit kahit na mahirap. Kailangan namin magpatuloy dahil kung nandito din si Lein tiyak yun din ang gusto niyang mangyari ang magpakatatag kami. Hindi lang naman isang beses mangyayari ang ganitong sitwasyon kaya dapat handa na sa kung ano man ang darating.
"Thank you.." narinig kong sabi niya. Medyo humupa na din ang luha at mukhang maayos na siya ngayon.
"For what sir?" Takang tanong ko.
"For being there for my daughter. Alam kong mabigat ang mga pinagdadaanan niya that time. She was alone and no one knows who is she. Salamat dahil hindi mo pinabayaan ang anak ko." Napayuko ako. Mali ka sir. Naging pabaya ako 'Hindi ko manlang siya naligtas kaya hindi kayo dapat magpasalamat' gusto kong sabihin sa kaniya.
"Sir---"
"Ken!! Ligtas ba si Lein? Nasaan na siya. Gusto ko siyang makita. Bakit hindi ka makapagsalita? May nangyari ba? Ano na? Napipe ka na ba at ayaw mong magsalita?" Sunod sunod na tanong ni Badeth. Napatingin ako kay sir Fred at kita ko ang lungkot at awa sa mukha niya habang nakatingin kay Badeth.
"Hala magtititigan lang ba tayo dito? Lein? LEIN!! LUMABAS KA NA DYAN HINDI ITO MAGANDANG BIRO. LABAS NA LE--"
"Wala na siya hija..." putol niya dito. Nakita kong natigilan ito siguro ay iniintindi pa kung tama ang kaniyang narinig. Nakataas ang kilay niyang bumaling sa aming mga kaibigan kung tama ba ang kaniyang narinig. Kita kong umiwas sila Hans at Steve pero nagsimulang tumulo ang luha niya pagkakita kay Michelle na nagsisimulq nang umiyak.
"Nagbibiro lang kayo diba?" Iyak tawang sabi niya. Inalalayan siya ni Hans sa pagtayo kita ko din ang pagaalala nito sa nobya.
Umiling ako bilang sagot. Nakita ko pang umiling din ito dahil gaya ko ay isa siya sa malaput dito kaya alam kong labis din siyang nasasaktan ngayon.
"Hindi...hmm" muntik na siyang bumagsak buti na lang ay nasalo agad siya ni Hans.
"Sorry..hindi kasi pwedeng maistress si Deth. She's pregnant." Sabi niya habang nakatingin kay Badeth na nawalan ng malay. " Excited na nga siyang ibalita iyon kaso nawala naman si Lein. Gusto niya kasing nandito si Lein kapag sinabi na niya iyon." Bakas ang lungkot na wika niya.
BINABASA MO ANG
Ms. Matchmaker and Mr. Heartbreaker
Novela JuvenilIsang taong naging tulay para sa mga taong naghahanap ng isang tunay na pagmamahal. Isang tao na walang ginawa kung hindi saktan at ibasura ang dapat ay nasa totoo nitong tadhana? Isang tao na walang ibang ginawa kung hindi bigyan ng kasiyahan ang...