Kidnapped..
Magmula nung nangyari nakaraang linggo lagi na lang bumibisita si Ken sa mansion. He always brought me foods kahit hindi naman kailangan.
Magmula Kasi nayun ay nagsimula na din akong magaral dahil sa akin na daw ipapasa nila mom ang negosyo. Kaya heto ako babad sa mga papeles.
From: Kenny
Hi love? Kumain kana ba. Don't stress too much I love you ❤️
Palaging may text messages akong natatanggap to remind me na kailangan kong kumain or what.
To: Kenny
Kumakain na po ako. Thanks sa paalala. Ikaw din kumain kana. I love you too😊
Hindi na ako nakatanggap ng reply kaya minabuti ko ng tapusin yung pagkain ko Ng sagayun ay matapos ko na din Yung ginagawa ko. Pinagaaralan ko kung paano ko patatakbuhin ng maayos ang kumpanya.
Bakit Hindi ko Kasi tinake Yung Business Ad na course. Ano nga bang malay ko na isa palang business heir ako. Ngayon tuloy naghome study ako dahil sooner or later ay ipapasa na sa akin ang lahat pati na ang kompanya.
Hindi ko namalayan ang oras Kung Hindi pa nagiwan Ng mensahe si Ken sa akin ay Hindi ko pa mamamalayan na 12 pm na Pala. Mga ganitong oras Kasi matatapos si Ken sa work niya as the new CEO of his company. Sobrang workaholic Kasi para sa future daw baliw.
Nagligpit Lang ako tapos naglinis at ready na para matulog. Mahirap palang maging isang taga pagmana dati ay pinangarap ko Lang na magkaroon Ng simpleng buhay kasama ang pamilya ko pero sobra Naman Ito kumpara sa hiniling ko.
Wish ko na Sana ay magwakas na ang lahat ng gulo na nangyayari sa Amin. I want to settle with Ken. If that day happen I'm so happy woman on earth.
"Grabe Naman yatang pagsusunog Ng kilay ang ginawa mo honey" agad na bungad ni mom pagkababa ko.
"Gusto ko Lang pong maging handa ayoko pong ilagay sa alanganin ang kumpanya Kung sakanilang maipasa na po sa akin iyon" katwiran ko na sinangayunan ni Lolo.
"Hayaan mo na ang bata, Inah alam na niya Kung ano ang dapat sa Hindi." Wala namang magagawa si mom kapag si Lolo na ang nagsalita.
"If that's what you want pero you need to balance your body ok? Wag abusuhin" payo niya Kaya tumango ako. I know she know better for me Kaya susundin ko. Soon I will be like her for my own children.
Hindi ako magsusunog Ng kilay ngayon dahil gusto Kong bisitahin sila Mich. Alam ko na pupunta din sila Badeth Kaya mas mabuting nandoon din ako lalo na at nasa paligid Lang si Miguel nagaabang Ng pagkakataon.
Pero bago Yun ay dadaan muna ako kaila papa dahil matagal na nung huli akong nakabisita. Medyo magulo pa sa pagitan Ng pamilya ko dahil nandyan pa si Miguel Hindi niya alam na buhay pa ang mommy ko maging ang tunay Kong ama ay walang alam Kaya Hindi pa pwedeng magsama ang dalawa.
"Aalis kana?" Tumango ako at humalik sa kanilang dalawa ni Lolo. "Magiingat Ka" kumaway Lang ako bago sumakay sa motorsiklo mula nung nagising ako ay Ito na ang kadalasang ginagamit ko bigay pa Ito sakin ni Lolo.
"Hello..magkita na Lang Tayo sa bahay mismo nila Mich" Hindi ko na Siya hinintay na sumagot at binaba ko na ang tawag. Hindi na ako nagaksaya Ng oras at tinahak na ang daan papunta sa bahay nila Mich.
"Nandito Ka na Pala? Asan si Ken?" Salubong na tanong ni Steve. Nagtaka Naman ako chineck ko Kasi Yung GPS kanina ay nandito na sa compound na Ito si Ken Kaya paanong Wala pa Ito.
"Trinack ko Siya kanina bago ako pumunta dito ang alam ko papunta na Siya dahil two blocks away Lang ang location niya sa bahay mo" napamura Naman ako sa naisip. Hindi na ako nagaksaya Ng oras at umalis na.
"San ang punta mo?" Nagtatakang tanong niya Kung bakit aalis ako.
"Kung Hindi ako makabalik within an hour track my location bring police" bilin ko sa kaniya. Mukhang alam na niya ang nangyayari Kaya agad din siyang tumango.
09******887
Lumang warehouse sa *****st.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo Hindi ko hahayaan na kantiin ni katiting Lang na halos ang Makita ko sa katawan nun magbabayad sila.
Hindi talaga titigil ang mga hay*p na Yun hanggat Hindi nauubos lahat ng Mahal ko sa buhay. Wala na talagang pagasa ang kaluluwa niya na kahit sa impyerno ay Hindi na matatanggap pa.
Narating ko na Yung lumang warehouse. Magaling magtago ang mga hunghang dahil alam na alam talaga nila dadalhin ang mga hostage dahil kahit Yata mga hayop ay Hindi madadaan sa lugar na Ito.
"Buhay Ka nga..may sa pusa Ka Pala?" May nagsalita pero Hindi ko Makita sobrang dilim Kasi sa loob.
"Siguro...pero ikaw kapag pinatay kita mabubuhay Ka pa Kaya?" Pangaasar ko. Hindi ko man Siya Makita alam ko na nasa paligid ko Lang Siya. Nararamdaman ko Yung bawat galaw niya at alam Kong malapit na Siya sa akin. Naging alerto ako Kung sakaling atakihin niya ako.
"Ang lakas na ng loob mo parang dati ang amo amo mo ni Hindi ka makabasag pinggan. Isang mahinang babae" dinig Ko ang tawa niya. Kanina pa ako naaasar sa lalaking Ito bakit Hindi niya ipakita ang sarili niya Ng sa ganun ay magkaalaman na. "Hanggang saan Kaya ang tapang mo kapag pinatay ko mismo sa harap mo ang lalaking Ito" nakarinig ako Ng daing. Mas lalo akong nakaramdam Ng galit.
"Lumabas Ka! Ako ang kailangan Ng amo mo Kaya ako ang harapin niyo!" Tumawa Lang Siya na parang isang nakakatawang palabas ang nakikita niya. "Tama na ang pagtatagi sa dilim. Harapin niyo sabi ako!"
Pinakiramdaman ko ang paligid Wala ako ni isang nararamdaman Hindi Kaya.
"Wow masyado Kang hot. Pwede Naman natin itong pagusapan" Sabi Ng isang tinig.
Bumukas na ang ilaw Kaya nakikita Ko na Ito. Mali ang pakiramdam ko dahil isang speaker Lang ang nandito. Walang ibang Tao kundi ako.
"Anong feeling Ng maloko? Hindi ba masakit? Yan Yung feeling ko Ng maloko ako Ng magulang mo." Galit niyang sabi. Wala man Siya sa harap ko ay nararamdaman ko parin iyon.
"Masyado Kang binubulag Ng galit mo Miguel" sigaw ko. Tumawa Lang Siya Kaya alam ko na Wala na Siya sa katinuan niya. " Alam Kong matalino Ka. Alam Kong alam mo na masama na ang ginagawa mo pero tinutuloy mo parin" dagdag ko pa.
"Oo! Dahil Ito ang paraan para makaganti ako sa pamilya mo! Sa kaibigan ko at sa minahal ko! Sila ang naglagay sa akin sa lugar na Ito Kaya gusto ko din maranasan nila Ito."Puno Ng galit niyang sabi. Alam ko na nilalamon Lang Siya Ng galit niya. Alam din Ng magulang ko Kung gaano kabuti Ng kaibigan nila Kaya naniniwala ako na may pagasa pa. Muli ay nakarinig ako Ng malakas na tawa. Tawa Ng parang nababaliw. "Hindi ko hahayaan na maging maligaya sila. Kung Hindi ko sila mapaghihiwalay pwes anak nila ang magiging kabayaran" huli na Ng maramdaman ko ang isang bagay. Ang tanging naalala ko Lang ay ang walang humpay na tawa niya hanggang sa magdilim na ang lahat.
Steve Pov
Kasama ko ngayon si Rhe, Tito Fred at si Hans. Pagkabilin palang sa akin ni Lenny ay agad ko na silang kinontak. Alam ko kasing emergency Ito at kailangan naming bilisan. Lagpas na isang oras Kaya naghahanda na ang lahat para sa gagawing pagligtas sa dalawa.
"Dad, iligtas nito si Lein pls" dinig Kong Sabi ni Rhe. Alam Kong nagaalala na din si Tito sa anak pero pinapakita Lang niya na matatag Siya.
"Sir natrack na po namin" tumango Naman si Tito. Gusto Sana naming sumama pero Hindi Kami pinayagan dahil delikado. Hindi na Kami nagpumilit pa dahil alam Kong maililigtas nila sila Lein.
"Let's go" umalis na sila Kaya naiwan nalang kaming tatlo.
Nakita Kong may katext si Rhe.
"Buhay ang mommy mo?" Takang tanong ko.
"Sinong buhay?" Usisa Naman ni Hans. Tinuro ko ang phone at Gaya ko ay nagulat din siya.
"Hindi namin pinaalam dahil nasa paligid Lang si Miguel pero dahil matinik Ito ay nalaman din niya Kaya kinidnap nila sila Lein" paliwanag niya.
Hindi ko maintindihan pero mukhang malaking problema Ito.
"Magsiuwi na muna Tayo. Babalitaan ko kayo kapag ligtas na si Lein. Mas kailangan kayo Ng asawa niyo ngayon" Sabi niya Kaya wala na kaming nagawa Kung Hindi umuwi.
BINABASA MO ANG
Ms. Matchmaker and Mr. Heartbreaker
Teen FictionIsang taong naging tulay para sa mga taong naghahanap ng isang tunay na pagmamahal. Isang tao na walang ginawa kung hindi saktan at ibasura ang dapat ay nasa totoo nitong tadhana? Isang tao na walang ibang ginawa kung hindi bigyan ng kasiyahan ang...