Her reasons...
"Sigurado ka na ba dyan?" Tanong ni Pau pagkadating ko galing sa Mall.
"Kailan ba ako hindi naging sigurado?" Balik kong tanong sa kaniya. Umupo ako at ganun din siya
"Ok..hindi ko lang malaman ay kung bakit ngayon mo pa naisipan yan" napataas yung kilay ko dahil sa sinabi niya. Kita kong napabuntong hininga siya. "Hindi ko dapat sabihin sayo ito pero nakita ko at narinig ko na handa na siyang kalimutan ka. Nandun ako dahil sabi mo na sundan ko siya diba?"
Napatango ako. Tama siya bakit kung kelan huli na saka ko pa balak gawin ito? Mali ba na bumalik ako o mali yung ginawa kong pagpapanggap na patay na?. I have my reasons kung bakit ko yun ginawa. Its for evryone's safety. Its for him sake.
"I tried to tell him. Saka hindi pa naman siguro huli ang lahat. Gaya ng sabi mo balak palang niyang kalimutan ako. Hindi ko muna iisipin kung ano ang magiging reaksyon niya ang mahalaga makita at masabi ko sa kaniya lahat ng rason ko." Mahabang paliwanag ko.
Napabaling ako sa kaniya ng tumayo ito. "Handa ka naman siguro sa maaaring maging reaksyon niya diba?" Natigilan ako.
Handa na nga ba ako?
"Oo.."diretsong sabi ko. Tumango lang siya at iniwan na ako.
"Hello?..ano? Ah sige papunta na ako..ako nang bahala. Don't worry. Yup. I'll be there"
Haysst. Kailan ba matatapos itong kalbaryo na ito. Nakakasawa na sa tuwing nagiging panatag na ako saka pa sila namemerwisyo. Mga bwiset!!
******
"Ohh anak..kumusta yung lakad mo?" Hindi ko magawang sagutin si mom dahil sa nangyari kanina. Masakit pala kapag nagmula sa kaniya yung mga salitang iyon.
Masyado kong nasaktan yung damdamin niya. Akala ko kasi mas makakabuti yung malayo siya sa akin panandalian pero mukhang mas nasasaktan lang siya dahil sa maling desisyon ko.
Malungkot na tumitig sa akin si mom. I know sa mga sandaling ito ay alam na niya kung ano ang mga nangyari base sa reaksyon ko. She knows me very well alam na alam noya kung kelan at kung saan ako masaya o di kaya ay malungkot.
"Alam mo anak..masyadong nasaktan lang siya dahil hindi biro yung ilang taon---seven years to be exact na nagdalamhati siya dahil sa pagaakala niyang wala kana." Lumapit siya sa akin at hinarap ako. May bahid na lungkot ang mga mata nito. "Mabuti pang hayaan mo muna siyang makaahon sa nakaraan." Tumango ako at yumakap sa kaniya. This time ito ang kailangan ko. Ang yakap ng aking ina. The best way to feel better is from your mother's hug. Feeling ko tuloy ay bumalik ako sa pagkabata. Sa tuwing umiiyak ako ay nandyan siya para aluin ako.
"Thanks mom.." nakangiting sabi ko pagkatapos ay humiwalay na sa kaniya. "Kasalanan ko din naman kung bakit ganito yung naging reaksyon sa pagkikita namin"
"Darling...sa una lang naman yan..kapag nakapagpaliwanag kana at naintindihan kana niya. Tiyak na magiging maayos din ang lahat sa inyo." Tumango ako bilang pagsangayon. Masakit man pero kailangan tanggapin. Hindi naman lahat ng ginagawa mo kailangan may magandang feedback para sayo. Mali din naman na nagpanggap akong patay sa mata nila kaya tiyak na ganun din ang iisipin nila. Lalo na siya.
Nagising ako sa isang tunog na nagmumula sa alarm clock ko.
Lagi na lang wrong timing yung alarm kung kelan bumabawi yung katawan ko sa tulog. Shit pancit!!
Its 7 o'clock in the morning and I got headache dahil sa mga nagdaang araw na hindi ako nagkaroon ng maayos na tulog. Haysst.
Mas lalo pang sumakit yung ulo ko dahil sa pagtawag ng kung sino..
BINABASA MO ANG
Ms. Matchmaker and Mr. Heartbreaker
Teen FictionIsang taong naging tulay para sa mga taong naghahanap ng isang tunay na pagmamahal. Isang tao na walang ginawa kung hindi saktan at ibasura ang dapat ay nasa totoo nitong tadhana? Isang tao na walang ibang ginawa kung hindi bigyan ng kasiyahan ang...