Kabanata XXVI

0 0 0
                                    

Promises

Kenneth POV

Hanggang ngayon Hindi pa rin Kami tinitigilan Ng tadhana. Pilit parin kaming pinaghihiwalay. Ang gusto ko Lang Naman ay ang makasama ang taong Mahal ko pero heto ako ngayon bihag Ng masamang si Miguel.

"Ang tahimik mo Yata?" Binalingan ko Lang Siya pero Hindi ako nagsalita. Pakielam ko ba sa kaniya. Isa Lang Naman siyang tauhan o puppet Ng Miguel na Yun.

Lumapit Siya sa akin at ngumisi. Sinamaan ko Siya Ng tingin Hindi ko gusto ang paraan niya Ng pagngisi.

"Alam mo? Ang talino ni boss na kidnapin Ka para makuha sa bitag ang nobya mo" Sabi niya sabay tawa na parang walang katapusan.

"Hindi niyo makukuha si Lein!" Galit na sigaw ko dito pero tinawanan Lang ako.

Pasalamat Siya at nakatali ang kamay at paa ko Kung Hindi Baka nasapak ko na Yung nakakainis niyang mukha at tumahimik na Siya ang sakit Ng tawa niya sa tenga.

"Oh boy, nakuha na paano ba yan? At syempre Kung may mangyari mang masama sa kaniya Yun ay dahil sa kapabayaan mo" nangaasar niyang sabi. Hindi ako nakapagsalita dahil sarili ko talaga ang sisisihin ko Kung may mangyari man sa kaniya. Alam Kong may tutulong sa amin dahil Hindi Naman tanga si Lein para sumabak sa gera na walang pambabala. Walang alas.

Tumahimik na din ang paligid dahil umalis na Yung Aso. Hindi niya ako mapapatumba sa mga salitaan niya na Yun dahil alam Kong makakalabas kaming dalawa kahit ikapahamak ko pa basta ligtas Siya.



"Kamusta na ang bihag? Pakainin daw Yan Sabi ni Boss M." Dinig Kong paguusap Ng dalawang Aso.

Ilang araw na Yata magmula Ng mabihag ako ay Hindi pa ako nakakatulog Ng maayos. Kada pipikit Kasi ako puro mukha ni Lein ang nakikita Ko buti Sana Kung maganda ang nakikita Ko pero parang bangungot sa akin iyon.

Napailing na Lang ako.

"Ano ayaw mong kumain?" Inis na Sabi nung isang kausap ko kahapon. Dalawa na sila ngayon isang Maliit na mataba at isang matangkad na payat. Yung payat ang nagbabantay sa akin. "Wag kang umarte. Mamaya Lang ang makikita mo Kung paano namin papahirapan Yung nobya mo. Kailangan mo Ng lakas ha ha ha "

Wala akong magawa sa ngayon tanging pagtingin Ng masama ang Kaya ko pero Kung makawala man ako sisiguraduhin kong mabubura Yung masayang mukha nila sa gagawin ko.

Napakuyom ako Ng kamao. Bakit kailangan naming maranasan to? Bakit Hindi na Lang ako ang kinuha matatanggap ko pa Kung ako ang pahirapan e. Halang na talaga ang mga kaluluwa Ng mga Ito.

"Masaya to hahaha" huli nilang Sabi bago umalis at iwan ako.

Hindi ako kumain Gaya Ng gusto nila dahil magisip ako Ng pwedeng gawin para makatakas. Hindi din Naman ako makakakain dahil nakatali pa ang kamay ko. Mga bobo talaga.

Sinuyod ko ang buong paligid at masasabi ko talagang inabanduna na ang lugar nato pero parang lumang ospital itong pinaglalagyan ko dahil may sirang stretcher sa may gilid ko.

Nakakita ako Ng basag na mga salamin malapit sa sirang stretcher Kaya nagsimula na akong umusad. Pinagpapawisan na ako dahil sa pwersa na ginagamit ko para makarating doon. Nakahinga ako Ng maluwag Ng malapit na ako at Di na nagaksaya Ng oras dahil agad Kong kinuha at pinutol ang nasa kamay ko. Mabuti na Lang at madali ko lang naputol.

Ang kailangan ko na Lang ay makahanap ng daan para makapuslit ako sa Kung saan naroroon si Lein.

Nakakita ako Ng isang kwadradong bagay na tingin ko ay nabubuksan Naman Siya dati nakikita Ko Lang Ito sa palabas Kung saan dun dinadaan ang mga Bida para makapagspy sa isang building o dikaya ay iligtas Yung kaibigan nilang bihag Ng kalaban nila. 

Ms. Matchmaker and Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon