Kabanata XIX

0 0 0
                                    

Plan..

We arrived at the warehouse in just a fucking five minutes. Sa layo nito ay yun lang ang distansya namin thanks to Hans. Tsk.

"Shit! Buti na lang iniwan ko ang asawa ko. Hindi ko alam na extreme rides pala ang ganap natin" natatawang sabi nito. Inirapan naman siya ni Hans.

"Wag muna tayong magpadalos dalos. Kailangan nating malaman na hindi trap ito" sabi ko at umayon naman sila.

Tahimik naming nilandas ang loob ng building. Pasado alas tres na ng hapon kaya medyo madilim na siguro ay nagbabalak na bumuhos ang ulan.

Tinignan ko ang bawat sulok ng lumang building na ito. Mukhang matagal ng abandunado dahil kada aapak kami ay lumalangitngit ang sahig.

"Shit!" Agad naman naming siyang binalaan na tumahimik dahil hindi namin alam kung ano o sino ang nandito at maaaring sumalubong sa amin.

Sumenyas akong maghiwahiwalay kami upang mapadali ang paghahanap kaya yun ang ginawa nila. May nararamdaman akong hindi tama sa lugar na ito. Tsk..sana mali ang iniisip ko.

"Badeth!..God you're safe!" Dinig kong sigaw ni Hans kaya agad kong tinungo ang kinaroroonan nila.

"I'm sorry, hindi ko alam na patibong lang pala nila ito." Takot niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit parang may iba pang nangyari bukod sa pagkakadakip sa kaniya.

"Shh...its ok, ang mahalaga safe ka. Anong kailangan nila sayo? Bakit ka nila kinuha?" Sunod sunod na tanong ni Hans dito. Kita kong nagaalinlangan ito kung ano ang dapat sabihin.

"I don't know..hindi ko nga kilala yung kumuha sa akin basta ang narinig ko lang ay kailangan nilang malaman kung nasaan siya." Kunot noong sabi niya.

Maging ako ay naguguluhan sa sinasabi niyang 'niya' at 'siya'

"We need to go..hindi pwedeng magtagal pa tayo dito" singit ko sa dalawa. Tumango naman ito kaya nagsimula na akong maglakad.

Pagkadating namin sa bahay nila Hans ay nagpaalam na ako na may gagawin lang.

"Hello"

(Sir. May kailangan kayo?) Sagot ng kabilang linya.

"I want you to find this woman. I'll send you a pictures."

(Copy sir...I'll give you an update for this) tumango ako kahit na alam kong hindi nito makikita.

"Just make it fast" and I ended the call.

Masyado ng madaming nangyayari sa bawat araw.

"Anak..tumawag yung sekretarya mo at sinabing hindi ka daw pumapasok sa opisina. Malulugi ang company natin kung ipagpapatuloy mo yan" sabi ng magaling kong ama.

"Dad..plss pwede ba this time ibalato niyo na sakin? Gusto ko lang peace of mind" walang ganang sabi ko. Pero mukhang walang balak na ibigay ang pagkakataon na ito sa akin. All my life halos trabaho na yung ginawa ko tapos ngayon trabaho parin. Hindi naman ako robot para walang pakiramdam. Kung yung robot nga napapagod din, nasisira. Tao pa kaya? Ako pa kaya?. Gusto kong sabihin lahat ng yan sa kaniya.

"Son..I'm sorry for what I've done to you. Alam kong hanggang ngayon ay hindi mo parin ako pinapatawad." Natawa ako sa sinabi niya. "Sorry for bringing up a shits in our family. Sorry for being an asshole father and husband to you and your mother" hindi ko siya nilingon at narinig ko na lang na umalis na ito.

Pumunta ako sa counter to get some drinks. Gusto kong makalimot kahit pansamantala. Gusto kong mabawasan kahit saglit lang yung sakit ng nakaraan sa akin.

Ms. Matchmaker and Mr. HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon