Chapter 55

1K 42 7
                                    

APHRODITE'S POV

"Happy Birthday Aphrodite, my baby." Nakangiting salubong nya sa akin habang hawak-hawak ang isang cake at lobo.

"T-Trojan?"

Sa isang ngiti nya'y biglang kumabog ng malakas ang puso ko at tila gustong kumawala sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng kung ano sa aking tyan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Halo-halong emosyon. Gusto ko maging emosyonal pero ayoko masayang ang magandang make-up ko ngayon, libre pa naman.


Ibinigay nya muna kay Stan ang hawak nyang cake at mga lobo. Muli syang lumapit sa akin at inilagay ang mga kamay ko sa kanyang leeg at sya naman ay kumapit sa bewang ko.


Nag-iisa, nakadungaw

Sa bintana; ako ba'y nagkulang?

Nakaupo, lumalayo

Sa tukso, upang 'di na magulo

"You're so hot as fuck." 

Hindi ko inaasahan na sasabihin nya iyon kaya naman ramdam ko ang pag-init ng aking pisnge.


"T-Thank you." Uutal-utal kong sabi sa kanya. Nakakailang kasi yung pwesto namin bwisit!


Isasayaw ka sa ulap
At mag-uusap, hindi manghuhula

Nagsimula na kaming gumalaw at umindayog sa ritmo ng tugtog. Ramdam ko ang pagtitig nya sa mga mata ko. Sa dibdib nya lang ako nakatingin, minsan ay sumisilip-silip ng kaunti sa kanyang abs. Mapapa sana all ka na lang talaga day!

Isasayaw ka sa ulap
Hindi hahayaang mahulog nang tuluyan
Nagkamali ba ako sa 'yo?

Gamit ang kanyang hintuturo ay iniangat nya ang aking baba upang mapatingin din ako sa mga mata nya. Eto na naman ang puso ko. Konti na lang ay aatakihin na ako sa puso. Lahat sila ay napapahiyaw habang pinapanood kami.

"Aphrodite," pagtawag nya sa pangalan ko.

"Hmm?"

"I like --- no, no, I love you to the moon and back."

Shet na malagket!

Nananatiling blangko ito (blangko ito)
Naririnig ang tinig mo

"Nung una hindi ko mahanap ang dahilan para magustuhan kita pero ngayon alam ko na."

Hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi. Baka kasi masira ko ang moment nya, nako baka masampal ako.

"Nagustuhan kita dahil iba ka sa lahat. My heart and mind is full of you. You can own it, baby. "

Nabubuong muli ang pag-ibig ko (ang pag-ibig ko)
Isasayaw ka sa ulap
At mag-uusap, hindi manghuhula

Dapat ba na ba kong kiligin nito? Shet naman kasi! Daig pa ng pa english nya yung mga punch lines ng makata kong ex eh.

"You're the best and beautiful girl I've ever seen. I can't take my eyes of you since that day. And now, I have now all my courage to say this."

Isasayaw ka sa ulap
Hindi hahayaang mahulog nang tuluyan

Hinahaplos-haplos nya ang aking pisnge habang ang kaliwa nyang kamay ay nasa bewang ko. Kinikilabutan ako mga sis! Hahalikan nya yata ako! Ganito yung ginagawa nila sa mga napapanood ko eh.

"I want you to be mine Aphrodite Kaye Howell. I want to be with you and make you my wife."

Inaasahan ko na sasabihin nya ang mga linyahang yan pero bakit nabigla pa rin ako? Parang di ko pa rin ineexpect na sasabihin nya yun. Mas lalong kumabog ng malakas ang puso ko. Para akong mahihimatay sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now