Chapter 17

1.4K 73 21
                                    

APHRODITE'S POV

Pagkatapos naming magpractice ay pinagpahinga muna kami ni Piolo. Grabe ang sarap sumayaw, feeling ko professional dance na ako. Sabi ni Piolo konting practice na lang ay magsasabay sabay na kami. Good news yun diba?

"Oy be, may susuotin ka na ba bukas?" Biglang tanong sa akin ni Mellisa. Susuotin bukas? Hala bukas na pala ang Acquaintance party? Wala pa akong susuotin!

"Shet. Nalimutan ko na bukas na pala yun. Ikaw ba meron na?"

"Wala pa din pero mamaya ay bibili na ako sa Mall. Hindi pa kasi nagpapadala si Mama eh. Kung gusto mo sumama ka na sakin mamili?" Paga-alok nya sa akin.

"Ha? Nako wag na, hindi naman kase ako bibili. Okay na ko sa ukay ukay, mura pa diba?" nakangiti kong sabi sakanya. Napangiwi naman sya.

Hayst. Wala pa kasi akong pera tapos yung last na pera ko naipadala ko na kay Auntie na mukhang money! Ano ng gagawin ko?! Mukhang hindi pa ata ako makaka attend bukas ah? Bakit ba kasi hindi ako kasing yaman ng iba?

"What? Ukay-Ukay? Seryoso ka? Ang papangit kaya ng damit sa ukay tsaka malay mo may buni na pala ang dating may ari non. Yuck!" Sabay pa kaming nandiri sa sinabi nyang yon.

"Wag na lang kaya ako umattend?" malungkot na wika ko.

"Ha? Wag kang mag-alala, subukan kong maghanap ng damit para sayo mamaya ha?"

"Hala. Wag na, ayoko na magka-utang pa no!" natatawang sabi ko sakanya. Ang dami ko na ngang bayarin tapos pauutangin mo pa ko?" Dagdag ko pa.

"Libre na yun baliw. Basta text na lang kita pag may nahanap ako." Sabi nya sabay ngiti sa akin. Ang bait talaga ng babaeng 'to. Sya yung tipo ng babae na Ideal ng mga lalaki kaso masungit sya sa mga nanliligaw sakanya. HAHAHA!

"Yojan at Cheska, hinahanap na kayo ng trainor nyo dun sa stage." Anang ni Dave na may hawak na ice cream sa magkabilang kamay. Ang takaw amputek.

Tumayo na silang dalawa. Dahil wala naman na kaming ginagawa at nakapag-pahinga na din kaya napagdesisyonan naming panoorin sila magpractice.

Hay nako. Kahit naman anong gawin nila alam kong si Yojan na ang panalo dyan jusme! Tingnan mo naman? Gwapo, Matangkad, Matalino, Humble at Mayaman oh diba? San ka pa? Kay Yojan ka na! Char HAHAHAHA!

Hindi lang kami ang estudyanteng nanonood sa mga candidates na mag practice pati teacher ay nanonood at tila pinagpupustahan kung sino ang mananalo.

"Oh One! Two! Three! Rampa!"

"Ayusin nyo!"

"Ano 'te tulala ka na dyan!"

"Putangina ulit may tanga sa likod!"

"FROOOM THEE TOOOPPP!"

Nangingibabaw ang boses ng trainor nila. Potek pag ganyan naman ang trainor ko masisipa ko yan ng wala sa oras. Napansin ko na Perfectionist ang trainor nila. Halata sa itsura nila na nahihirapan at nabubwisit na talaga sila.

Pawisan na sila sa kakaulit. Jusko wala man lang pahinga kahit five minutes! Nako! Pagod na ang Baby Yojan ko. Bwisit na trainor na 'to kung makapag pahirap naman sa candidates akala mo kung sinong maganda! Oh diba ang Attitude ko na. Nahawa na ata ako kay baklang Trojan.

And speaking of Trojan. Nag vibrate bigla phone ko sa pwet ko. Sa bulsa sa pwetan ko kasi nakalagay yung phone, nakiliti tuloy pwet ko!

From: Bakla

Recieved: 11:35

Hoy Bruha! Buy me Mango Tapioca, I want it right now. I'm at the field.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now