EPILOUGE

2.2K 88 141
                                    

APHRODITE'S POV

           *AFTER EIGHT YEARS*

"Hon, I'm home!" dinig kong bungad ni Yojan kaya naman awtomatiko akong napangiti.

"Daddy!" dinig kong sigaw nina Harden at Harry.

Ilang taon na ang nakalipas nang ikasal kami ni Yojan. Simula nang ilibing si Trojan ay palagi syang nasa tabi ko. Kahit anong tulak ko sa kanya ay bumabalik at bumabalik pa rin sya hanggang sa nadevelop ang feelings ko sa kanya.

It's really unexpected na sya ang napangasawa ko pero syempre hindi pa rin ako naka-iwas sa mga masasamang komento ng iba sa naging desisyon ko. Kesyo tinuhog ko daw yung kambal ganyan-ganyan. Maraming nagsasabi na nakahanap daw agad ako ng kapalit at kapatid pa nya kahit apat na taon ng patay si Trojan nang ikasal kaming dalawa. Masakit para sa akin pero kinaya ko, mahal ko eh.

Minahal ko sya hindi dahil kamukha nya si Trojan, hindi rin dahil mayaman sya kundi sya yung naging sandalan ko at tanging nakaka-intindi sa nararamdaman ko no'ng mga panahong hindi ko mahanap ang sarili kong value. Simula't sapul ay palagi lang syang naka-alalay sa akin. Naikwento na din nya sakin ang dahilan kung bakit hiniwalayan nya ako noon.

Nung bata pa lang daw sila ay sya na palagi ang nagpaparaya sa kanilang dalawa dahil tinuruan sya ng nanay nya na palaging magparaya para sa nakababata nyang kapatid at mas nasasaktan daw sya kapag nasasaktan ang kapatid nya. Kaya kahit masakit sa kanya ay ipinaubaya nya ako kay Trojan.

Lumipas ang isang taon matapos naming ikasal ni Yojan ay biniyayaan kami ng Panginoon ng kambal na lalaki. Maswerte sila't may asawa at ina silang maganda. Chos!

Hinayaan ko na lang muna si Manang ang maglaba atsaka lumapit sa kanila. "Daddy, Where's may pasalubong?" dinig kong tanong ng bunso kong anak na si Harry sa kanyang ama. Tinawag nya si Manong Carlo, ang bago naming driver na may dala-dalang paper bags.

"Wow!" Namamanghang anang ng kambal atsaka nag-unahang tingnan ang mga laman nito. One week kasing hindi umuwi itong si Yojan dahil sa business namin sa abroad. Lumapit na ako sa kanya atsaka humalik.

"How's my sexy wife? Did you miss me? 'Cause me? I really miss you." Aniya habang hinahalik-halikan ako sa leeg. Agad ko syang sinapok ngunit hindi nya ito ininda. Aba't?!

"Yojan ano ba, nasa harap tayo ng mga bata!" Saway ko sa kanya kaya napabusangot naman sya.

"Daddy diba sakin 'tong toy?" sumbong ni Harry at 'tila naiiyak na dahil nakikipag-agawan ang kuya nya sa laruan nyang hawak.

"Nihihiram ko lang, damot mo! Mommy oh!" Sumbong naman sakin ni Harden na mukhang magta-tantrum na naman.

"Mas matanda kasi ako kaya akin 'to! Diba daddy?" Sabi ni Harry sabay dila kay Harden dahilan para lalong mapikon ang isa.

"Tsk! Sayo na yan! Saksak ko sa baga mo yan eh!" Bulong nya ngunit nadinig naming lahat. Natakip nya ang bibig nya nang makita nyang gulat kaming nakatingin sa kanya. Hayst! Mga bata nga naman ngayon oh.

"Harden! Tama ba 'yon?!" Sigaw ng tatay nya sa kanya kaya halos lahat kami ay napa-igtad sa lakas ng sigaw nya kaya naman tumutulo na ang luha ng bata sa takot sa kanya. Mainit ang ulo ng daddy nyo, hindi kasi nakahalik kay mommy sa ano. Chareng! Napahagikhik na lang ako sa isip ko.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon