CHAPTER 3

2.3K 128 34
                                    

Aphrodite's POV

"Aw! Dahan-dahan naman," sabi ko kay Yojan habang ginagamot nya mga kalmot at sugat na natamo ko kay Loka-Lokang Stacey na yun.

Dapat sabunutan lang. Ang duga nangangalmot eh. Feeling ko tuloy napanot ako sa pagkakasabunot nya. Kanina ko lang nabalitaan na Hasler sya sa pakikipagsabunutan.

"Sorry."

Muli na namang um-awkward ang atmosphere dito sa clinic. Kami lang kasi ang tao rito maliban dun sa nurse na dapat ay sya ang gagamot sakin. Eto kasing si Yojan bida bida!

HAHAHAHA chareng. Habang ginagamot nya sugat ko sa pisnge ay napatingin ako sa mukha nya. Gagi nakakapanghina yung kagwapuhan nya kahit seryoso ang mukha.

Nang matapos na ang paggagamot nya sakin inalalayan nya akong makatayo mula sa pagkakaupo ko kanina sa kama ng clinic. Grabe, napaka awkward ng atmosphere. Kani-kanina lang ang saya naming naguusap.

"Ahm Aphrodite?"

"Yup?"

"Sorry nga pala kanina ah? Kung di sana kita iniwan kanina edi sana di ka napa-away at nasaktan. I'm really sorry." Nakayuko nitong wika sa akin.

Ramdam ko naman na sincere sya sa sorry nya kaya ngumiti ako. Hindi naman nya talaga kasalanan yun eh. Napatingin kasi ako sa kambal nya kanina matapos kong umorder ng pagkain ko eh hindi ko naman alam na mababangga ko yung bruhanh yon.

"Okay lang yun. Suspended lang naman ako ng tatlong araw," biro ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Chareng HAHAHA!"

Nang matapos ang klase namin ay nagpunta ko sa Garden para mag relax-relax. Masyado na kasi akong naiingayan sa mga estudyante dun. Naupo ko sa may bench dun. Ang sarap sa tenga nung katahimikan. Kinuha ko muna yung cellphone ko at nagfacebook.

Ngunit pinatay ko din, wala kasi akong makitang picture. Free Data lang ako. Wala pa akong pera pang load sa cellphone ko eh. Buti nga hindi nae-expired itong sim ko eh. Ilang buwan ko na di naloloadan. Tsaka kung may load man ako, anong gagawin ko? Magfafacebook lang naman ako. Tsaka wala naman akong ka textmate o katawagan.

Si Tiya Berta lang naman lagi ang laman ng recent calls ko. Tapos bukam-bibig naman nya pera, money, kwarta, datung.

Laman ng Inbox ko sina 8080, NBI, 2828, 4438, AutoLoadMax, NDRRMC, tsaka yung SmartPadala. Jusmiyo marimar!

Nagpatugtog na lang ako at nahiga at pilit na pinagkasya ang sarili sa maliit na bench. Pumikit ako. Finefeel ko lang yung music hanggang sa ma-relax ako.

Music makes me chill.

Nakisabay sabay naman ako dun sa kanta.

"Nananana nanana nana woah!" 

Di ko kasi alam yung lyrics sa part na yun HAHAHA. Sorry naman, tao lang nagkakamali din. So ayun nga tuloy lang ako sa pagkanta hanggang sa part na alam ko na yung lyrics.

Habang kumakanta ako, nararamdaman ko ang sarili ko na hinihila na ng antok kaya naman nagpahila ko sakanya hanggang sa makatulog na ko sa bench.

                    ~●~●~●~●~

"Hey hey, wake up."

Agad akong nagmulat ng mata. Babangon sana ako ng biglang nauntog ako sa handle ng bench na kinahihigaan ko. Nakalusot kasi ulo ko dun.

"Aww." daing ko.

Pagtayo ko saka ko lang narealize na si Yojan pala ang gumising sakin kaya naman inayos ko sarili ko. Pinunasan ko gilid ng labi ko baka kasi may panis na laway ako.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now