Chapter 20

1.5K 75 31
                                    

Aphrodite's POV

Two days na kaming hindi naguusap ni bakla. Pareho kaming nagkaka-ilangan sa  isa't isa. Kaya naman si Yojan muna ang sinasamahan ko. And guess what? Sa loob ng two days na yun hot topic ako sa Campus namin. Ang galing diba?

Sabado ngayon kaya naman nandito lang kami sa bahay. Nalimutan ko na nga na P.A nila ako dahil parang ang trabaho ko dito ay all around HAHAHA!

Habang ako ay nagmumuni-muni dito sa kwarto ko ay biglang tumunog ang ringtone ng cellphone ko.

"Hello?"

"Aphro! Kamusta na?"

"Sino 'to?"

"Hala? Ako 'to si natoy na mahal na mahal ka. Charot HAHAHA si Andy 'to remember?"

"Oh ikaw pala? Ayos naman ako ikaw?"

Mukhang mahaba-habang chikahan nanaman 'to. Kapag kasi kami ang naguusap nitong si Andy laging tumatagal ang usapan. Kung saan saan na napunta ang chismisan namin HAHAHA!

"Ayos naman ako. So ano ng balita dyan?"

"Dito? Ayos naman? Bakit?" sunod-sunod kong tanong sakanya.

"Hindi. Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo bago kayo umuwi?"

Napaisip naman ako sa sinabi nya. Ano bang  sinabi  nya non? Matagal na yun eh. Hindi ko na matandaan? Hmm.

Wait lang isipin ko lang. Medyo mahina ang signal sa utak ko eh.
Sinabi nya? Ah! Alam ko na. Natatandaan ko na.

"Yung about dun sa in-advice mo sakin?"

"Natumpak mo!"

Sa pinaalala nya saking yon bigla nanamang pumasok sa isip ko yung aksidenteng pangyayari noong Acquaintance Night Party.
Hayst. Kailan ko ba malilimutan ang lintek na yun?

Ilang araw na din akong hindi pinapatulog ng ayos ng pisteng yon. Teka? Dapat ko bang sabihin sakanya yung nangyaring yon? Kaso baka tawanan nya ako pero malay mo sya pala ang makakatulong sakin para gawing lalaki ulit si bakla diba?

"Andy, may sasabihin akong sikreto sayo. Wag mo kong tatawanan ha?"

"Ha? Sige. Ano ba yon? Tsaka bakit ko naman tatawanan yung sasabihin mo?" Feeling ko talaga tatawanan nya ako. Ngayon pa lang kasi naririnig ko na ang pagpipigil nya ng tawa. Tss. Wag na lang kaya?

"Ay wala pala. Wag mo na isipin yon." Sabi ko sakanya atsaka pumunta ng banyo. Pasensya na natatae ako eh. Alangan namang pigilin ko 'to.

"Eh! Ano nga? Ano yun? Sabihin mo naaaaaa!" Pangungulit nya. Hay nako! Para syang bata. Ang kulit.

"Sige na nga. Ano kase...yang ano...kase..."

"Kase ano?"

"K-Kase nung Acquaintance namin may tumulak sakin tapos aksidente kaming nag ano ni Trojan. Kaya ayun."

Potek. Nakakahiya sabihin sakanya.

"Aksidenteng ano?"

"Aksidente kaming nag ano, nag kiss." Pahina ng pahina kong sabi sakanya. Kinakabahan na ako sa sasabihin nya.

"HUWAAAT?!"

"B-Bakit?"

"OMG! Ibig sabihin nyan may posibilidad na magawa mo syang lalaki!" Nailayo ko bigla ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa isinigaw nya. Mukha ba akong binge sakanya?

"Paano mo naman nasabi? Eh simula nga nung araw na yun iniiwasan na nya ako eh hanggang ngayon. Tsaka mukhang hindi naman effective kasi iniiwasan na nya ako, hindi maman sya nainlove sa halik ko." Mahabang saad ko sakanya at napabuntong hininga.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now