CHAPTER 1

4.6K 156 43
                                    

CHALLENGE: 

TRY NOT TO TAKE A QUICK GLANCE AT THE ENDING! 

----------------------------------------

Aphrodite's POV

"YOU'RE hired, Ms. Howell. You may now start your job tomorrow. "

Agad na nanlaki ang mga mata ko at 'di makapaniwala. Ngiting-ngiti akong nakipag shake hands sa nag interview sakin. Hindi ako makapaniwala na matatanggap ako. Kaya naman ang saya-saya kong lumabas at halos abot sa kisame ang ngiti ko na hinarap ang mga tao sa labas na naghihintay sa labas upang maghanap din ng trabaho.

Lahat ng mga kapwa ko applier ay napatingin sakin. Lahat sila nakapila. Makikita mo sa mga mukha nila na bagot na bagot na sila sa paghihintay sa labas, mga salubong na ang mga kilay.

Lord, thank you ng marami. The best talaga kayo!

Mula nang ako'y matanggap ay nakangiti ako. Gusto ko sanang mag-celebrate kaso wala kong budget para doon dahil lahat ng extra money ko ay napunta sa pagpapagawa ng mga pekeng papeles para lang makapag apply ako ng trabaho. Minor pa kasi ako kaya lahat ng dati kong trabaho ay ako ang unang tinatanggal. Hayst. Ang hirap pero dapat kong kayanin, wala naman akong choice eh.

Pagkauwi na pagkauwi ko sa apartment ko ay agad akong nagpalit ng damit. Binuksan ko yung speaker kong basag na ang tunog sa sobrang luma.Nagpatugtog ako hanggang sa mapa indayog na rin ako sa kanta. Ibinagsak ko ang buong katawan ko sa kama ko. Napaubo na lang ako sa dami ng alikabok ang lumabas dito.

Juskoo day! Ganito ba ako kadugyot sa kwarto?

Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong tumayo at nilinis ang kwarto ko. Marami-rami na din pala ang naipon kong kalat at dumi dito sa kwarto ko. Sana pera na lang. Kung pera lang ang katumbas ng bawat basura ko dito siguro milyonaryo na ako ngayon.

Habang kumekembot-kembot ako sa pagwawalis ay biglang may nag vibrate sa pwetan ko. Nang tingnan ko ito, may tumatawag. Jusme! Ang isang demonyo tumatawag sa isang magandang anghel. Chos!

"Hoy Aphrodite, baka naman gusto mong magpadala ng pera dito sa amin? Aba mamamatay na kami sa gutom ng mga pinsan mo? Ang akala ko ba'y trabaho ang ipinunta mo riyan ha? Huwag mong sabihing hindi ka pa nakakakuha ng magandang trabaho dyan?" sermon ni tiya.

Nyeta! Ang sakit sa tenga ng boses nya. Boses ipis! Kung di ko lang tiyahin yan, nako, matagal ko na yang nabatukan. Jusko! Puro na lang nakasigaw. Sya na nga 'tong humihingi ng pera, sya pa ang may ganang magtapang. Dapat nga ako yung ma-attitude samin dahil ako ang nagpapadala ng pangkain nila.

Katatanggap ko pa nga lang sa trabaho. Kung hindi lang ako natanggal sa dati kong trabaho edi sana nakapag padala agad ako. Ngayon pa naman sana ang bigay ng suweldo ko. Hayst.

"Wala ho akong pera Tiyang Berta eh, alam nyo namang katatanggal ko pa lang sa trabaho nung isang araw kaya wala--"

"Jusmiyo Aphrodite! Kung 'di ka magpapadala, umuwi ka na lang dito, pare-pareho tayong mamatay sa gutom! Kung ayaw mong umuwi diskartehan mo yan! Mana ka talaga sa nanay mong bobo!"

Halos hindi na ko makaimik sa sinabi nya. Pati ba naman si mama idadamay nya sa kagahaman nya sa pera? Yung kaninang saya ko ay agad ding nawala. Minsan na nga lang sumaya mauudlot pa. Saan naman ako kukutkot ng pera ngayon? Mukha ba akong tumatae ng pera? Mukha ba akong tree of life, ha? Tsk!

"Hay buhay parang life!" Bulalas ko.

Kinuha ko ang bag ko kung saan nakalagay ang wallet kong madumi na. Sinilip ko kung may natira pang ekstrang pera sa akin.

Yes! Thank you Lord at may natira pang two hundred pesos. Paano ko hahatiin 'to para bukas? Mamamasahe ako tapos pang recess at lunch ko tapos mamasahe ulit ako papunta naman sa trabaho ko and then pauwi. Yup, tama kayo ng iniisip.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now