Chapter 57

957 43 3
                                    

YOJAN'S POV

"Shit. I can't see anything," dinig kong bulong nya.

Kasabay ng pagpatay ng ilaw ang bigla ding pananahimik ng paligid. Nawala ang putukan.

May naririnig kaming pagkaluskos sa kung saan kaya palinga-linga ako kahit wala kong makita. Hindi tama 'to. Ramdam ko na nasa likod ko si Geraldine.

Saka ko lang nakita ang paligid nang biglang kumidlat. At dahil sa gulat ay bahagyang napataas ang aking balikat. Napakunot ang aking noo nang may nakita akong tao sa di kalayuan.

"I think I saw someone," bulong ko.

"Shuta."

"Sumunod ka sakin."

Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kung saan ako may naaninag. Nakatutok pa din ang baril ko sa aking harap. Wala akong makita kaya naman pinapakiramdaman ko lahat ng naririnig ko sa paligid. 

May mga naapakan akong kung ano. Hindi ko mawari kung ano yon, matigas ang bagay na iyon. Ang dami kong nasisipa at natatapakang kung ano.

Ang hirap, ang hirap lumaban ng walang naaaninag.

"Agh!"

Agad akong napalingon sa likod ko nang marinig ko ang daing ni Geraldine. Kumapakapa ako ngunit isa pang daing nya ang narinig ko. Nakaramdam ako ng takot. Hindi dahil natatakot ako sa kalaban, natatakot ako para sa mga kasamahan ko na hindi din makalaban sa gitna ng dilim.

"A-Ahh!"

Wait? That voice. It sounds familiar?

"Aww! Agh! Shuta!" dinig ko pang sigaw nito. Hindi ito si Geraldine kundi kay...

"K-Kimboy?"

Muli ay narinig namin ang mga sigawan sa kung saan-saan ganon na din ang putok ng kung ano-anong baril at pagsabog sa kung saan-saan.

Halos manlaki ang mata ko dahil sa biglang pagbukas ng mga ilaw. Dun ko lang nakita kung sino ang narito. Tama nga ang hinala ko.

"K-Kimboy? Ikaw lang pala yan gaga ka!"

"Oh shit, I-I'm sorry. I thought you're one of those bastards eh," sagot naman ni Kimboy sabay turo sa mga lalaking nakabulagta sa sahig.

What the fuck? Don't tell me he killed them all? Woah.

Napatingin ako sa sahig. May bakas ng sapatos kaya't napatingin ako sa sapatos ko. Sabi ko na nga ba, ako yung naka-apak ng dugo na yun eh. Hindi na ako magtataka kung yung bangkay nila ang naapakan ko kanina.

Bangayan pa din ng bangayan ang dalawa. Napatingin ako sa likod ni Geraldine. Agad kong binunot ang baril ko atsaka mabilis na binaril ang lalaking nasa likod na balak barilin si Geraldine.

"Balak mo ba kong jutayin ha?!"

"Kung di ko ginawa yon kanina pang may nakabaon na bala dyan sa katawan mo tss," wika ko sabay lakad papunta dun sa lalaki at kinuha ang baril nya. Isa itong pirate gun. Bumaba na ako habang nakatutok pa din ang baril sa aking harap.

Pagkababa namin ay agad na sumalubong samin ang dalawang armadong lalaki.

"Shit--- Aggh!"

Agad akong bumagsak sa sahig nang bigla akong tamaan sa binti. Agad itong kumirot kaya napapikit ako. Tangina wala na palang bala 'tong baril na kinuha ko sa gagong yun!

Kita ko ang tuloy tuloy na pagdaloy ng dugo sa aking binti. Napapamura ako sa sakit nitong dulot sakin.

"You're bleeding!"

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now