CHAPTER 9

1.6K 75 18
                                    

Aphrodite's POV

Nang makawala na ako sa room na pinagsilidan sa akin ay napagdesisyunan kong mag cutting. Tinamad kase ako bigla pumasok sa classroom. Tsaka wala namang kwenta yung ituturo ni Sir. Leo.

Naisipan kong umakyat sa rooftop ng Campus. Ilang araw na rin kase akong pumapasok dito pero hindi ko pa naaakyat yung rooftop nito.

Dahil wala naman akong ibang kasama , magisa akong umakyat sa taas. Hindi ko aakalaing nakakapagod pala yun pero nang marating ko na ang rooftop ay namangha ako.

Ang ganda dito. Ang sarap tumambay.
Nilibot-libot ko yung buong rooftop.
Kitang kita ko dito yung buong Campus. Dito masarap mang sniper. Kitang kita mo silang lahat.

Walang makakakita sayo. Habang nagmumuni-muni ako ay naupo ako sa gilid kung saan nakalambitin ang paa ko.

Kung may makakakita lang sakin dito, mapagkakamalan akong tatalon. HAHAHA! Ang ganda dito talaga. Ang lawak talaga dito.

Nung samin kase sa probinsya nung elementary ako, maliit lang yung school namin. Tsaka halos puno ang makikita mo dun. Kung may mayayaman mang pumapasok dun, halos kakaunti.

Tsaka anim na room lang ang meron kami non kaya naman siksikan kami sa isang room.

Hindi tulad dito na may second floor, third floor, may library na maayos, mga naka aircon, eh kami dati de electricfan lang eh. Swertehan na kapag nahagip ka nung hangin.

Tumingin ako sa ilalim. Medyo nakakalula kapag tumitingin sa ibaba. Masyado kasing mataas ito. Lumakas bigla yung hangin. At ang lamig, ang sarap namnamin.

In-spread ko ang kamay ko atska dinama yung lamig ng hangin atsaka ng convo ng crush mo

CHAROT!

"Wag kang tatalon!"

Nagulat ako sa biglang may sumigaw sa likuran ko. Kumunot noo ko. Oh? Bakit nandito 'tong si Yojan. Ginagawamue?

"P-Please Aphro, wag kang tatalon. Nandito pa naman kami para sayo eh. Hindi ka nag-iisa. Hindi ka namin iiwan. Mahal na mahal ka namin kaya please wag kang tatalon!"

Lalong nagkunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nya.

"Halika na dito Aphro. Kung may problema ka, handa akong makinig sayo." dagdag nya pa.

Ano bang sinasabi ng bakulaw na 'to? Inano ko ba 'to? Para syang timang sa ginagawa nya. Dahan dahan syang lumalapit sa akin at inilahad ang kanyang kamay upang abutin ko ito.

Dahan-dahan akong tumayo ngunit pagikot ko ay bigla akong na-out of balance.

"Aaaaaahhhhh!"

Napatigil ako sa pagsigaw ng biglang maramdaman kong may humawak sa pulsuhan ko.

Iminulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Yojan. Bumilis tibok ng puso ko at tila may kuryenteng dumapo sa kamay naming dalawa.

Heto ka nanaman heart.

Heart please don't panic.

Mistulang artista ang aking nakita
Dahan-dahang lumalapit
May pa slowmo na moment
pahangin effect pa na napaka lupet.


Hinila nya ako bigla sa dibdib nya. Hanggang balikat nya lang ako kaya naman rinig na rinig ko tibok ng puso nya.

Bigla nya kong niyakap ng mahigpit.
"A-Are you okay?"

Cause you're making me kilig
Kilig na kilig
You're making me kilig
kilig na kilig
You're making me kilig
Kilig na kilig, kilig sayo ~

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now