Chapter 49

1K 53 7
                                    

APHRODITE'S POV

"Ay inako nga! Ang ganda pala dine sa bits na ito! Ay kay ganda oh!" Tuwang-tuwang sabi ni Tiyang Berta habang nakatingin sa malaking glass wall dito at nakatanaw sa dagat. Grabe! Nakakahiya sya!

"Ang ppuputi pala ng mga tao dine ano? Ay grabe ba ga ang gwapo ng poriner dine!" Dagdag pa nya.

"Ay hijo, ano nga uli ang pangalan mo?" Tanong nya kay Yojan na naka-upo sa sofa katabi si Melly.

"Yojan po tita." Nakangiti namang sagot ni Yojan.

Ha! Grabe! At kailan pa sila naging close ni tyang? Tita ampota.

"Yojan, pwede gang mamaya bago ko umalis ay kuhanan mo ko ng piktyur kasama yang dagat na 'yon?" Aniya. Agad namang tumango si Yojan. Agad kong nasapo ang aking noo. Kapal ng mukha ni Tyang, nakakahiya!

"Teka nga Aphro? Ano ba gang nangyare nangyare sa iyo at isinugod ka dine?" Biglang tanong ni Tyang. Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"May anemia daw ako Tyang." Walang gana kong sagot sakanya.

"Ano?! Ay nako!" Napa-maywang sya atsaka nasapo ang noo.

"Oh bakit Tyang?" Tanong ko dahil mukhang problemado kaya't malapit ng maiyak. Nalulungkot ba sya dahil may anemia ako?

"Hindi ko kasi alam ang ibig sabihin ng anemia, ano ga 'yon?"

Muli kong nasapo ang aking noo dahil sa sinabi nyang iyon habang sina Yojan at Melly naman ay napahagalpak ng tawa.

Jusme Tyang! Masyado mong pinapahiya ang lahi natin. Baka sabihin ng nga 'to may lahi tayong tanga. Susme!

"Anong nakakatawa don?" Pagtataray nya dahil mukhang nahalata na nya na napahiya sya. Tanga-tanga din si Tyang eh.

"Sorry po tita."

"Anemia is an illness that not contagous, ibig sabihin hindi sya nakakahawa at kulang sa dugo. Madalas tumama ang ganitong sakit sa mga taong palaging puyat o kulang sa tulog at pagligo sa hapon. Mas nagpapalala dito ay kapag low blood ang isang taong tinamaan ng anemia." Mahabang paliwanag nya kay Tyang. Napatango naman sya na akala mo naintindihan lahat ng sinabi ni Yojan.

Gumagana lang naman ang utak ni tyang kapag nasa sugalan 'yan eh tsaka pagdating sa pera, di mo yan mauutakan kaya malabong ma-scam yang si Tyang.

"Ganun ba? Eh paano na yan Aphro? Ubos na yung pera namin na ipinadala mo nung katapusan. Eh alam mo naman yung isa mong pinsan, nagdagdag pa ng palamunin sa bahay kaya naubos agad yung pera." Aniya.

Itinaas nya ang paa atsaka itinungtong sa upuan atsaka kinagatan ang mansanas ko. Kapal 'no? Feeling nya nasa bahay sya.

"Hay nako Aphro, dumagdag ka pa sa gastusin. Tsk! Tsk! Sino na magbabayad ng bill dine sa ospital?" Tanong nya sa akin na akala mo sya ang naghihirap sa pagtra-trabaho.

Pero teka? Sino nga ba? Baka si Sir Antonio tapos ibabawas na lang nya siguro nya sa sweldo na matatanggap ko sa katapusan. Hayst.

"Don't worry tita, kami na po ang magbabayad ng bill dito." Singit ni Yojan dahilan para manlaki ang mata ko.

"A-Ay nako Yojan, hindi mo naman kailangan bayaran yun eh. Wag na, nakakahiya naman ---"

"Nako hijo! Maraming salamat, hulog ka ng langit! Ang bait-bait mo  talaga hijo." Pambobola ni Tyang. Napa-awang ang bibig ko nang bigla nyang yakapin si Yojan. Grabe talaga ang kagahaman ni Tyang!

"You're always welcome po tita, basta si Aphro gagawan ko ng paraan yan." Nakangiting wika ni Yojan sabay baling ng tingin sa akin.

"Ay kainaman ka na Aphro! Bakit di mo pa sagutin itong si Yojan? Kay gwapong binata, mabait pa tsaka mayaman! Ako'y boto dine sa manliligaw mong are!" Tuwang-tuwang sabi naman ni Tyang.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now