Chapter 47

952 51 9
                                    

APHRODITE'S POV

Isang hikbi ang nag-pagising sa mahimbing kong pagtulog. Nang maimulat ko ang aking mga mata ay agad akong nasilaw dahil sa sinag ng araw galing sa may bintana.

Inilibot ko ang aking paningin. Puros puting pader lamang ang nakikita ko. Miski ang kurtina at pinto ay puti.

Kaninong kwarto 'to? Teka, nasa langit na ba ako? Pero bakit may umiiyak? Ano bang nangyare?

Saka ko lang napansin ang isang bagay na nakalagay sa aking mukha, sakop nito ang ang aking ilong at bibig. Naka-konekta ito sa isang tangke ng oxygen sa gilid ko katabi ang destrose ko.

"Nasaan ako?" tanong ko sa lalaking nasa tabi ko habang naka-ubob sa dalawa nyang braso at umiiyak.

Dahan-dahan syang tumingala. Y-Yojan? Ngumiti sya sa akin atsaka niyakap ako ng mahigpit kahit puno ng luha ang kanyang mga mata.

Wag nyang sabihing iniiyakan nya ako? Ano ako patay? Muntikan lang pero mukhang buhay pa naman ako dahil wala pa ko sa langit.

Kahit masakit ang kamay ko dahil sa nakatusok na dextrose ay pinilit kong iangat ito upang mayakap sya.

Para bang tumalon sa tuwa ang puso ko nang mayakap ko sya. Matagal-tagal na rin simula nung mayakap ko sya. Ang akala ko hindi ko na sya magagawang yakapin. Kusa syang bumitaw sa pagkaka-yakap sa akin.

Nakangiti nyang pinunasan ang luha nya. "Buti naman at nagising ka na. Nag-alala kami ng todo sayo." Aniya.

Ewan ko ba pero sa sinabi nyang 'yon ay pakiramdam ko ay napaka-halaga kong tao.

Napangiti naman ako dahil dun. Hindi kaya kaya sya umiiyak dahil nag-alala sya ng sobra sakin? Di ko inexpect na iiyakan nya ko ah. Oo na, sige na ako ng assuming pake mo ba?!

Cute nya talaga. Oh Aphro, wag kang madala sa ka-cutan nyan kahit gaano pa ka-cute yan mangiiwan parin yan!

Wag kang marupok. Sumeryoso ako para kunwari di ko pa sya napapatawad sa ginawa nya sakin dati.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Nauuhaw ka ba? Nagugutom ka? Anong gusto mong kainin?" Sunod-sunod nyang tanong sa akin.

Ikaw Yojan ah? Napaghahalataan ka masyado. Charot!

Akala mo madadaan mo ko sa mga the moves mo? Kahit maging candy ka pa sa sobrang sweet di na ulit ako mafa-fall sayo! Che!

Teka? Si Yojan ba talaga 'to o si Trojan? Ano nga ulit yung pala tandaan ko sa kambal na 'to? Kingina nalimutan ko na!

Aha! Alam ko na!

"Psst! Gusto mong liptint?" tanong ko. Kapag um-oo 'to si baks 'tong kausap ko pero kapag di humingi si Yojan 'to.

"I'm not a gay, silly." Natatawa nyang saad sa akin habang nagbabalat ng saging. In fairness, ang laki ng saging nya.

I mean yung hawak nyang saging hindi yung ano. HAHAHAHA!

"Oo nga pala, anong nangyare sakin? Bakit ako nandito tsaka bakit may ganitong ka-ekekan pa?" Nagtataka kong tanong sakanya habang tinuturo ang tangke ng oxygen at ang dextrose ko.

Napansin ko ang sandali nyang pananahimik. Kung kanina'y naka-ngiti sya ngayo'y seryoso na ang itsura nya. Nakakatakot.

"S-Sorry, may nasabi yata akong masama." Sabi ko atsaka kinagatan ang saging na ibinigay nya.

"You collapsed. When you were fighting, I was there. I saw everything that happened."

Tangina! Naaalala ko na. Nahimatay nga ako 'non kaya ako nalunod at hindi na nakalaban pa sa pisteng babaeng yon!

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon