*DAY THREE IN PUERTO GALERA*
APHRODITE'S POV
"Anong gagawin ko? Bro, help me. Lagot ako kay Kuya Haru kapag nagkataon!"
Nagising ako sa isang boses na nanggagaling mula sa banyo. Taka naman akong nakatingin dun, sinusuri kung tama ba ang narinig ko.
"But how? Bago kami umuwi ay dapat may magawa ako. My plan was ruined because of that bitch! Aphrodite must die." dinig kong muli galing sa banyo.
Teka? Bakit nasama pangalan ko? Teka? Ako ba yung sinasabihan nyang bitch? Tsaka bakit kailangan kong mamatay? Hanudaw? Nananaginip ba ko?
Sa sobrang curious ko ay tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa may pinto. Inilapat ko ang tenga ko sa pinto.
"Okay fine. Get rid of that woman so I can do my plan proper --- Argh! Bwisit!"
Wait? Ano bang nangyayare? Hindi ko gets. Oh sige ako ang bobo. Lumayo na ako sa pinto at hinintay syang lumabas.
Gumilid ako kung saan hindi nya ako mapapansin agad. Lumabas na sya sa banyo.
"Hey Sam."
"Oh my God!"
Halos mapatalon sya sa sobrang gulat. Gusto ko sanang tumawa kaso naalala ko may binabalak syang masama sakin.
"What the fuck are you doing there?" Halos pabulong na pasigaw na tanong nya sa akin.
Bakas sa mukha nya ang kaba na baka may narinig ako sa usapan nila dun sa phone.
"Ha? Wala. Bet ko kasing matulog ng nakatayo dito at mukhang gusto mong ako ---"
"Y-You hear everything?"
"Ha? Anong everything? Kako'y mukhang gusto mong ako ang magbuhos ng banyo para sayo. Galing ka sa loob tapos di ka man lang nagbuhos." wika ko sa kanya sabay iiling iling na humiga ulit sa kama ko.
Bakit gusto nya kong mamatay? Anong kasalanan ko sa kanya? Eh sya nga 'tong trumaydor sakin eh.
Akala ko friends kami hindi pala. Gusto nya lang pala akong gamitin para magkabalikan ulit sila ni Baks. Tsk.
Kinakabahan tuloy ako sa kanya. Mukhang may balak syang masama sakin. Ano ng gagawin ko? Hindi pwedeng maiwan akong mag-isa kasama sya.
Puta ka talaga Samantha!
---
Umaga na at gising na kaming lahat. Suot naming tatlo ang swim suit na suot namin kahapon. Wala lang trip lang namin bakit ba?
"Morning." Biglang sumulpot sa tabi ko si Trojan at naupo sa tabi ko. Wala pa sina Lolodad, papunta pa lang daw dito.
"Goodmorning din." sagot ko naman sa kanya. At as usual ay may pictorial na namang nagaganap dito.
Si Geraldine ang photographer nila. Kahapon pa yang mga yan, hindi ba sila napapagod? HAHAHA!
"Nakatulog ka ba ng maayos?" dinig kong tanong nya ulit sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakahalumbaba sya sa lamesa habang nakatingin sa akin.
Ang weird nya ngayon? Hindi namam sya dati nagtatanong ng ganyan sakin eh. Wala nga syang pakialam sakin. Tumango lang ako bilang tugon sa kanya.
Hindi na sya umimik pa. Bigla syang tumayo at umalis. Nakatitig naman ako sa mga loka-lokang 'to na todo ang pose sa harap ng camera.
"Oh pak! Yan!"
YOU ARE READING
Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]
Teen FictionI got a new job but the problem is I have to turn the most sassy gay I have ever met the way he is before. How can I make him straight if he's more girly than me?!