Aphrodite's POV
Nang makauwi na kami ay agad akong nagshower. Saka lang din namin nalaman na may bagyo at signal number two dito sa lugar namin. Kaya pala pahirapan bago kami maka-uwi. Medyo baha na kasi ang kalsada na dinaanan namin kanina. Na-traffic pa kami.
Lumabas na ako sa kwarto upang maghain ng pagkain. Sakto namang dating ni Sir Antonio galing sa opisina nila. Habang nasa hapagkainan kami ay halos hindi ako maka-imik sa usapan nila. Usapang business at company kase. Eh wala naman akong alam about sa mga ganong bagay.
"So how's your day?"
"Ganon parin Dad." Sagot ni Yojan. Napatango-tango ito.
"How 'bout you Trojan? Kamusta naman ang pagtra-trabaho sayo ni Aphro? Nagagawa nya ba ng maayos ang trabaho nya?" Aniya sabay subo ng kanin. Agad akong kinabahan. Naalala ko bigla yung sinabi nyang ipapatanggal nya ako sa trabaho dahil hindi ko nagagawa ng ayos ang trabaho ko.
Huwag naman sana akong isumbong ni Trojan. Kung mapatalsik man ako sa trabaho ko bilang P.A nya paano na ang mga bayarin ko? Paano na ako? Siguradong maghihirap ako. Baka nga mapilitan na akong tumigil sa pag-aaral.
Kabado akong tumingin sa direksyon ni Trojan na ngayon ay nakatingin din sa akin habang naka ngisi.
Nagmamakaawa ako sayo Trojan. Huwag mo kong ipatanggal sa trabaho. Promise talaga aayusin ko na ang trabaho ko! Promise cross my fucking heart!
"Okay naman Dad. Maayos naman nyang nagagawa ang trabaho nya."
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman sasabihin nya sa tatay nya na ang pangit ng pakikitungo ko sakanya. Buti naman. Inabot ko ang baso ko na may lamang tubig atsaka uminom.
"Good. Ikaw hija? Napapansin ko kase these few days ang blooming mo. Do you have a boyfriend now? "
Muntik ng lumabas sa ilong ko yung tubig na iniinom ko dahil sa sinabi ni Sir. Binigyan ko ako ng tissue ni Yojan.
"Are you okay? What's a matter?"
Nagkatinginan muna kami ni Yojan. Binigyan ko sya ng anong-sasabihin-ko-look. Ngunit mukhang hindi nya ito naintidihan. Akala ko pa mandin matalino sya tapos yung ganitong tinginan hindi nya alam? Nako! So, ire-reveal na ba namin ang relasyon namin ni Yojan?
"Wala po Sir. Wala po akong boyfriend." Sagot ko naman kay Sir na muling napatango.
"Ganun ba? Eh ano bang gusto mo sa isang lalaki or ano ba yung ideal man mo?"
Napaisip naman ako sa sinabi nyang yon. Ideal Man? Hmmm?
"Gusto ko sa lalaki yung matcho hindi yung patpatin. Malinis sa katawan tipong mukhang doktor ganon tapos magalang, mahal na mahal ako, kayang sakyan ang trip ko, maalaga, kaya akong ipagtanggol sa mga may balak manakit o mambastos sakin, may lakas ng loob ipagtapat yung totoong nararamdaman inshort ayoko sa torpe at higit sa lahat hindi ako sasaktan." Naiimagine ko yung lalaking yun. Nakakakilig, shet. Bata pa lang kasi ako pinagiisipan ko na yung gusto ko sa isang lalaki.
Bata pa lang pangarap ko ng ikasal sa lalaking gustong gusto ako, sa lalaking para sa akin. Pangarap ko ang magsuot ng bride's gown. Pangarap kong maglakad kasama ang tatay ko sa altar. Pangarap ko ang magkaroon ng maayos na buhay. Pangarap kong maging house wife habang ang asawa ko nangangabit sa trabaho. Char! Syempre nagtra-trabaho at magkaroon ng dalawang anak.
"Mukhang ako ata ang hanap mo hija?"
Gulat akong napatingin kay Sir. Natawa naman sya dahil dun. Natawa na din ako, ang awkward tuloy.
"I'm just kidding." Aniya pa.
Pagkatapos kong naming kumain ay naghugas na ako ng mga plato at si Manang naman ay nagva-vaccum sa sala.
YOU ARE READING
Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]
Novela JuvenilI got a new job but the problem is I have to turn the most sassy gay I have ever met the way he is before. How can I make him straight if he's more girly than me?!