Chapter 41

1K 55 1
                                    

APHRODITE'S POV

Maaga akong nagising dahil sa sobrang excited. Alas kwatro pa lang ng umaga ngayon kaya naman mga tulog pa ang mga kasama ko dito. Pinagmasdan ko silang tatlo.

Mukhang mahimbing pa ang tulog nila. Wala akong magawa shet. Nakita ko bigla ang cellphone ko. Hmm? I have an idea. HAHAHAHA *evil laugh*

Para akong pusang dahan-dahang naglalakad papalapit kay Sam. Ang ganda ganda nya kaso nakanganga matulog. Nakaka turn off. HAHAHAHA!

Pinicturan ko sya. Napatalon ako sa higaan ko nang bigla syang gumalaw. Hooo! Akala ko magigising na sya eh. Muli akong tumayo ngunit sa pagkakataong 'to ay sina Melly at Cheska naman ang nilapitan ko.

Tataww-tawa akong kinuhanan sila ng picture. HAHAHAHA! Kadiri tulo ang laway ni Melly! Shet, ano kaya itsura ko matulog? Cute kaya ako pagtulog? Siguro cute ako ngayon pa nga lang na gising, cute na ako paano pa kaya pagtulog ako?

Hindi ko kinuhanan ng picture si Cheska dahil vinideohan ko sya. Nagsasalita kasi sya! HAHAHA! Shet. Ganon pala sila kapag tulog. Yes! May pang blockmail na ako sa kanilang tatlo. HAHAHAHA! *evil laugh*

Ipo-post ko talaga sa facebook 'tong mga picture nila kapag trinaydor nila ako. Gagawin kong memes mga mukha nila HAHAHA! Ang gagandang babae kaso mga mukhang tanga matulog.

Matapos ko silang mapagtripan ay binuksan ko na ang kurtina kaya't tumambad sa akin ang paglitaw ng araw. Sunrise na!

Nagtoothbrush na ako at naghilamos. Pagkatapos nun ay bumaba na ako para pagmasdan ang sunrise. Papalabas pa lang ako ng hotel nang biglang may tumawag sa akin.

"Aphro?"

Nilingon ko sya.

"Oh ang aga mo magising ah?" Lumapit sya sa akin habang nakapamulsa.

"Gusto ko kasi makita yung sunrise, ikaw ba?" Sagot ko ko sa kanya. Napatango-tango naman sya.

"Ako din eh, tara sabay na tayo?"

Napangiti ako kaya naman sabay kaming tumakbo papunta dun sa  dagat. Marami kaming nadadaanang mga nagtitinda ng mga damit. Mga nagbubukas pa lang sila. Ang gaganda! May tinitinda silang swim suit, two piece, one piece, shirts na magly tatak na 'Puerto Galera'.


Konti pa lang ang mga taong nandito din. Tulad namin ay nandito din sila para pagmasdan ang sunrise. Yung iba may hawak na camera. Syempre dahil inggitera ako ay inilabas ko din ang phone ko at kinuhanan ng picture ang sunrise. Kunwari professional photographer ako. HAHAHAHA!


"Ang ganda 'no?"  Nilingon ko sya atsaka sumagot. "Oo, kasing ganda ko."


"Pero mas maganda ako." Dagdag nya. Tinaasan ko sya ng kilay sabay cross arm. Ha! Akala nya sya lang may kayang mag taray ah? Hmp!


"Mas maganda kaya ako sayo. Tsaka ako tunay na babae ikaw hindi." Pagmamalaki ko. Ginaya nya ang pose ko. Gaya-gaya! Copycat!

"Ang harsh mo! Baka kapag nakita mo kong naka two piece mapanganga ka sa kagandahan ko. Kamukha ko daw kaya si Cristine Reyes! Duh!"

Ayan na sya. Lumalabas na naman ang kabaklaan nya. Okay lang siguro wala naman sila dito. For sure tulog pa ang mga yon.

"Isa yang kasinungalingan! Sabi nga ng iba kamukha ko daw si Nadine Lustre eh." Pagmamalaki ko sa kanya. Medyo hawig ko nga daw si Nadine kapag tulog eh. HAHAHAHA char!


"Ay oo nga 'no? Kamukha mo nga si Nadine." Pagsang-ayon nya. Pinasadahan nya pa ng tingin ang mukha ko. Hinawakan nya pa ang baba ko at tiningnan ng malapitan ang mukha ko.



Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon