CHAPTER 8

1.6K 83 5
                                    

Aphrodite's POV

"Magiingat kayo ha, lalo ka na hija. Ikaw na bahala dyan sa dalawang kambal." wika ni Manang.

Agad naman akong ngumiti sakanya. "Sige po Manang." sabi ko sabay sakay sa sasakyan. Van ang gamit namin ngayon dahil nililinis pa lang yung kotse ng kambal at ito lang available. Umupo ako sa tabi ni Trojan.

Lumingon ito sa akin habang nakataas ang isang kilay. Heto nanaman po sya mga kababayan, paiiralin na naman nya ang ka-malditahan nya na akala mo tunay na babae kung maka arte.

"What are doin'? You're not supposed to sit here. This seat is mine." aniya.

Putris na bading na 'to. Agang aga ini-stress agad ang beauty ko.

"So, saan ako uupo?"

"There. Stupid." aniya sabay irap sa akin. Urgh! Wag mo kong inaano bakla ka, masama ang gising ko ha.

Ayoko lumipat. Nandon si Yojan. Naiilang ako sakanya. Atakihin pa ko sa puso pag nakatabi ko sya.

"Ano pang ginagawa mo dyan? Lumipat ka na! Ayaw kitang katabi." sabi nya habang kunot na kunot ang noo na nakaharap sa akin.

"Para namang gusto kitang katabi." bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?"

Ay medyo napalakas pala. Buti na lang bingenot sya HAHAHA. "Ah wala, sabi ko ganda mo ngayon hehe." sabay ngiti. Pekeng ngiti.

Pagkaupo ko sa tabi ni Trojan ay napalingon sya sa akin. Hindi ko sya nilingon. Daretso lang ang tingin ko sa hawak kong tablet pero nakikita ko parin sya sa gilid ng mata ko na nakatingin sya sa akin.

Kunwari may ginagawa ako sa tablet para hindi awkward. Busy busy-han lang kunwari para mahiya syang kausapin ako.

Nagtingin ako ng schedule ko para kay Trojan pero walang nakalagay sa schedule ko. Wala akong plano ngayong araw. Hindi pwedeng wala akong plano sa araw na ito dahil kapag hindi ko nagawang maging lalaki si Trojan, mawawalan na ako ng trabaho.

Atsaka sayang yung 100,000 kaya dapat magawa ko syang lalaki. Nagisip ako ng pwedeng plano. Nagsearch ako sa Google kaso walang lumalabas na matino sa mga sine-search ko.

Ano ba Pareng Google, umayos ka. Nakasalalay dito trabaho ko kaya bigyan mo ako ng maayos na sagot sa mga tanong ko.

Pag di mo talaga ko sinagot ng ayos ide-delete kitang punyeta ka. Pero kahit anong gawin ko walang lumalabas na maayos na sagot.

"Busy?"

"Ay anak ka ng kulogo! Ay hala sorry, sorry!"

Nagulat ako sa biglang pagsalita nya sa tabi ko. Nakakagulat kase. Eh kanina pang tahimik dito sa loob ng Van tas biglang magsasalita.

Napatingin tuloy ako sa mukha nyana dapat ay iniiwasan ko. Wag kang ngingiti! Wag kang ngingiti! Baka ma-fall na nga ako ng tuluyan.

Nasapo ko na lang ang aking noo ng bigla syang tumawa kaya nagsingkit ang kanyang mga mata dahilan para muli kong maramdaman ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko kagabi nung naisip ko sya.

"Hahaha! Ang cute mo pala magulat?"
natatawa nyang sabi.

Umiwas na ako ng tingin sa kanya nang maramdaman kong maginit ang aking pisnge. Mukhang nangangamatis na ang pisnge ko.

Self, bakit ka naging marupok? Sabi ko naman sayo kapit lang eh.

"Hey Aphro, Why's your cheeks turning red? Are you sick?"

Konting sandali pa ay naramdaman ko na lang na dumampi sa aking noo at leeg ang kanyang palad.

"I think you're sick. Kuya Rand — "

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now