Aphrodite's POV"AAAAAAAHHHHHHHH!"
Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko ng makarinig ako ng malakas na sigaw. Agad akong napatayo at nagkuyom ng kamao upang manuntok sa nanloob.
Ngunit ng mapagtanto ko kung sino ang humiyaw ay agad akong umayos ng tayo. Teka? Bakit dito ako natulog? Shet. Hindi ako nakauwi kagabi?
Sheyt na malagkeyt.
Napamaywang ako at napahawak sa ulo dahil ang sakit ng ulo ko pero mas masakit kapag walang ulo. Hinilot hilot ko ang sintido ko.
Napatingin naman ako kay Trojan na shock na shock sa nakikita. Hawak hawak pa nya ang kanyang katawan. Ikang sandali pa ay saka lang nag-sink in sa utak ko ang iniisip nya.
Inakala nya siguro na pinagsamantalahan ko sya. Yuck! Di ako pumapatol sa bakla no!
"B-bakit gan---"
"Wag kang magalala hindi kita nirape. Tsk. Tsaka pwede ba huwag kang sumigaw ke aga aga eh." sabi ko atsaka ibinagsak ang katawan sa kama nya.
Ngunit bago ko pa manamnam yung lambot ng kama nya ay agad akong bumagsak sa sahig dahilan para mapasigaw ako sa gulat at sakit.
"Aww, yung dede ko!"
"Gaga wala ka non!"
"Oh bakit meron ka non? Wala din naman ah?"
Nanlaki naman ang mata nya at napahawak sa dibdib nya na akala nya may mahahawakan syang dede don. Tsk. Sabagay libre mangarap.
Pero seryoso, ang sakit ng dede ko. Hindi ko kase naituon ang kamay ko sa pagkakabagsak ko sa sahig kaya naman dede ko yung sumalo sa katawan ko. Dapak!
Kapag ako talaga nagka bread cancer!
Teka? Bread Cancer nga ba yun? Ay bobo! Breast Cancer pala. Saan ko nakuha yung bread cancer na yun? Siguro nagugutom lang ako."Tsaka wag mo na ngang itago sakin yan, eh nakita ko naman na yan kagabi." sabi ko habang naguunat-unat.
Agad namang tumama sakin yung unan. "Hoy nakakarami ka na ah!"
"Pervert! Get out bitch!" sigaw nya. Galit na sya nyan?
"Tsk. Tapang- tapang feeling may dede." sabi ko sabay tatakbo papalabas ng kwarto nya. Narinig ko naman kung paano sya magsisisigaw.
Tatawa tawa naman ako sa labas ng kanyang kwarto.Pagharap ko ay nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Yojan. Naka-pantulog pa ito tas medyo messy ang buhok nya at may hawak na tasa na may lamang kape.
Takang taka sya sa nakikita at hindi makapagsalita. "Goodmorning Sir Yojan." bati ko at ngumiti ng matamis.
"Sa l-loob ka ng k-kwarto nya natulog?
Tumango tango naman ako bilang pagsang-ayon. "M-magkatabi k-kayo?"
sabi nya na hindi parin makapaniwala.Bakit? Anong meron? May mali ba?
Muli akong tumango ngunit mabagal na dahil nagtataka na ako sa kinikilos nya. "Bakit mo natanong?""Did you know that it's weird sleeping with a guy in one room? And you two are drunk last night."
Natawa naman ako sakanya. "Ano ka ba? Okay lang yun. Eh barbie naman yun eh. Hindi sya guy, he's a gay." pangangatwiran ko.
"Kahit na. Ang panget tignan promise. Don't do that again." seryosong sabi nya atsaka pumasok sa kwarto nya katabi lang ng kwarto ni Trojan.
That's weird. Bakit ganon sya ngayon? Siguro concern lang sya. Aww ang bait naman ng bespren ko. Bumaba na ako at kumain. Naki tulong tulong na rin ako sa gawaing bahay na palaging ginagawa ng nga katulong dito.
YOU ARE READING
Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]
Teen FictionI got a new job but the problem is I have to turn the most sassy gay I have ever met the way he is before. How can I make him straight if he's more girly than me?!