Aphrodite's POV
Maaga akong nagising atsaka naghanap ng makakain. Hay! Ang sarap matulog. Wala namang pasok ngayon kaso may trabaho ako.
Kailangan ko ng plano. Oo tama ka, plano nga. Plano kung paano ko sya gagawing lalaki. Masyado pa namang maaga kaya naman nagluto muna ko ng makakain ko.
Masarap sa umaga ang itlog with hotdog! Habang nagluluto ako ay pakanta kanta ko. Sabi ko naman sa inyo. Music makes me chill when I'm stressed.
"But just look at us holding on"
"We're still together, still goin' strong"
"You're still the one I run to"
Nang maluto ko na ang itlog at hotdog ay agad akong sumalampak sa sahig katapat ng maliit kong T.V
Binuksan ko yung T.V nagbabakasakaling makakahanap ng idea kung paano sya gagawing lalaki.
Ang panget naman ng mga palabas ngayon. Kumagat muna ako sa hotdog bago muling ilipat yung channel.Paglipat ko, tumambad sa akin ang PBO. Nagpaparty- party sila sa isang club. Ang weird nung mga sayaw pa nila noon HAHA. Pati yung mga pormahan nila noon ang weird. Yung mga lalaki kanya kanya silang partner ng babae.
Teka? Paano kaya kung pumunta kami sa club tapos maghanap ako ng babae na pwedeng maging kadate ni Trojan? Tama! Grabe ang talino ko talaga!
Kinuha ko agad ang cellphone ko at itinext si Yojan. Baka sakaling may alam syang club dito. Di naman kase ako mahilig sa mga club club at disco na yan eh. Ang balita ko kase party goer itong si Trojan.
To; Sir Yojan
Yojan, may alam ka bang club or disco dito sa atin?
Sent 4:55 AM
Konti pang sandali ay nakarecieve agad ako ng text. Agad ko itong tiningnan. Si Yojan. Ang bilis mag reply ah?
From; Sir Yojan
Recieved 4: 57 AM
Oo, malapit dun sa San Gabriela. Bakit mo natanong?
To; Sir Yojan
Naisip ko kase baka dun makahanap si Trojan ng babaeng para sakanya. Alam mo naman ang trabaho ko diba?
Sent 5:00 AM
Ilang minuto ko pa lang na naisend yung text ko ay tumunog nanaman cellphone ko. Ang bilis naman nyang magreply?
From; Sir Yojan
Recieved 5:01 AM
Yup. Sama ako ha? See you later!
Nang mabasa ko ang text nya ay hindi na ko nagreply pa. Bakit kaya ang aga nagising ni Yojan ngayon? Hmm?
Matapos kumain ay nilinis ko muna yung kalat ko atsaka naligo. Habang nagshashampoo kumakanta ako. Ume-echo kase kaya ang sarap kumanta dito sa loob ng C.R
"Sa ilalim ng put ---*piyok* --ing ilaw!"
Napahawak ako sa lalamunan ko. Shet buti na lang magisa lang ako sa apartment ko kung hindi nakakahiya. Baka mamamatay na sa kakatawa yung nakarinig.
Ayoko na nga kumanta, baka pumiyok nanaman ako tas may makarinig baka mabingi pa. Ang ganda ganda ng boses ko eh, sinira lang ni piyok. Hmp!
Matapos kong maligo ay nagbihis na ko. Simple lang naman suot ko. Mini skirt na black tapos white na t-shirt na ang tatak ay 'I DARE YOU!'
YOU ARE READING
Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]
Fiksi RemajaI got a new job but the problem is I have to turn the most sassy gay I have ever met the way he is before. How can I make him straight if he's more girly than me?!