Chapter 52

946 43 12
                                    

SCARLET'S POV

"Oh hon? Dumating ka na pala. Halika!" Bungad ko sa kanya habang tinutulungan si Manang na maghain ng pagkain sa lamesa. Hinalikan nya ako sa labi bago naupo.

Mukhang pagod na pagod ang mahal ko ah?

Lumapit ako sa kanya at pumwesto sa kanyang likuran. Marahan kong minasahe ang likod at balikat nya.

"Ya-Yaaann!" aniya ng matumbok ko masakit sa likod nya.

"How's your day?" panganga-musta ko.

"Ayon, ang dami kong inasakasong papers atsaka inattendan na meetings with the investors." Kuwento nya sa akin. Napabuntong hininga sya. 

"Talagang nakakapagod. Buti na lang at may asawa akong napaka ganda. Nakakatanggal ng pagod." Pambobola nya pa. Napangiti naman ako dahil dun atsaka sya binatukan ng mahina.

"Sus! Nambobola ka na naman."

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Lucio." Tatawa-tawa kong anang sa kanya atsaka naupo.

Hanga ako sa asawa kong ito. Noong mga kabataan namin ay ganyan na yan kagaling mambola kaya nga ang daming nagka-kandarapang babae dyan noon. At syempre isa na rin ako sa nabiktima ng pambobola nya. Kahit hindi ako ganoon ka-sexy noon ay hindi nya ako nagawang ipagpalit sa mas maganda at sexy sa akin sa Unibersidad namin.

Naging tapat sya sa akin hanggang sa magbunga ang pagmamahalan namin. Nagkaroon kami ng isang anak na babae. Pinangalanan namin syang Happy dahil nung ipinanganak ko sya ay palagi ko itong nakikitang ngumingiti. Lalo pa nung mag-isang taon na sya.

Kapag naririnig nya yung pag punit ng papel ay tumatawa ito. She's so happy with that. Ngunit dahil hindi pa ako tapos sa kolehiyo nang ako'y magka anak ay nahirapan ako. Halos araw-araw akong puyat dahil sa pag-aaral kasabay ang pag-aalaga sa anak namin. Habang si Lucio ay nag-aaral at dumidiskarte upang may ipangkain kami at pambili ng mga kailangan ni Happy sa araw-araw.

Sinubukan naming pag-sabayin iyon ngunit pareho lang kaming nahihirapan ni Lucio. Pareho na din kaming itinakwil ng mga pamilya namin. Nahihirapan na kaming alagaan at buhayin ang anak namin. Ayokong lumaki ng ganito ang buhay ang anak namin kaya't kahit masakit ay ipinaampon namin sya. Iniwan namin sya sa isang ampunan kung saan alam kong mapapabuti sya at aalagaan sya ng ayos.

Ipinangako ko kay Happy na babalikan ko sya kapag ayos na ang lahat. Panandalian lang namin syang iiwan. Nagtrabaho kaming pareho at nag-ipon ngunit kulang pa rin iyon para sa atin kaya't napagdesisyunan kong mag abroad. Nag-alaga ako ng matatanda.

Walang araw na hindi ko inisip ang kalagayan ng anak ko. Gabi-gabi akong umiiyak dahil sa pagiwan ko kay Happy.

Sinuong namin ang hirap ng buhay. Sa tuwing gusto ko ng sumuko ay iniisip ko ang anak ko ay nagkakaroon ako ng lakas at ng dahilan upang mas pag-igihin ang trabaho. Tulad ng iba ay ilang beses kaming bumagsak at nawalan ng pag-asa.

Ngunit totoong napaka buti ng Diyos dahil bago mamatay ang matandang inaalagaan ko noon sa Hong Kong ay inihabilin nya lahat sa akin ang kanyang nga ari-arian dahil wala na syang iba pang kamag-anak na magmamana nito.

Umuwi ako ng Pilipinas upang kunin ang anak ko ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Ang sabi sa akin ng madre na pinag-iwanan ko kay Happy ay may mag-asawang umampon sa anak namin. Lahat ng pagod at sakit ay bigla kong naramdaman nang malaman kong wala na sa ampunan si Happy.

Ginamit ko ang pera namin upang mahanap si Happy ngunit ilang taon na ang nakalipas ay hindi ko pa rin sya makita. Gustuhin man naming gumawa ng panibagong anghel na magpapalakas ng loob namin ay hindi na kami nakabuo pa. Hindi na kami magka-anak.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now