APHRODITE'S POV
Nagising ako dahil sa ingay sa labas kaya't bumangon na ako. Inayos ko muna ang sarili ko. Naligo ako't nagsuot uniform. Buti naman at friday na ngayon, day off ko na bukas! Yey!
Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang magandang repleksyon ng aking mukha. Hay! Bakit ba kasi ang cute-cute ko masyado? Kaya siguro deads na deads sakin si baklang Trojan? Hmp! HAHAHA!
Lumabas na ako ng kwarto. Agad na napakunot ang aking noo nang makita sina Mellissa and friends na naka-upo sa sala. Napalingon ako sa sliding door nang biglang pumasok sina Stan, Geraldine, Kimboy kasama si Justine galing sa pool.
Anong ginagawa nila dito? Tsaka bakit hindi sila naka uniform? Wala bang pasok? Bakit hindi ako na-inform? Teka, baka naman holiday ngayon? Pero in fairness naman sa kanila, ang gagara ng mga suot. Parang may pupuntahang birthdayan HAHAHA!
"Goodmorning hija," bati sa akin ni Sir Tonio. Lahat sila napalingon sa akin kaya naman napangiti ako sa kanila. Ilang segundo ang nakalipas bago nila alisin ang nakaka ilang nilang tingin sa akin.
Ganoon ba ako kaganda para titigan nila ng ganon katagal? Emegesh! Pere keyeng tenge!
"Goodmorning din po, gusto nyo po ng kape sir?" tanong ko matapos mag-bow. Sign of respect kasi sa mga hapon yun.
"Nah, nakapag kape na ako," anang ni Sir Tonio atsaka umalis. Lalapitan ko na sana sina Piolo nang bigla kong makasalubong si Lolodad.
"Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Ay syempre naman po, kayo---" Bago ko pa man matapos ang simasabi ko ay umalis na agad sya habang ang kanyang kamay ay nasa kanyang likod. Napapahiya naman akong napakamot sa ulo.
Magbo-bow na sana ako nang makita ko si Uncle Grandpa ngunit agad nitong itinaas ang kamay na ang ibig sabihin ay hindi ko na kailangan pang gawin ang dapat kong gawin. Matapos nun ay umalis na rin sya.
Muli ay napapahiya akong napakamot sa ulo atsaka naupo sa hapag kainan matapos maihain ang pagkain. Nagsi-upo na kaming lahat. At as usual, katabi ko si Yojan habang sa kanan ko naman si baklang Tro---Dave?
Teka? Bakit sya yung katabi ko? Nasaan si baks? Luminga-linga ako sa paligid ngunit miski isang hibla ng kanyang buhok ay wala akong nakita. Hindi pa ba sya bababa? Huwag nyang sabihing nag-iinarte na naman sya?
"Girl, sinong hinahanap mo?" biglang tanong ni Cheska kaya't napatigil ako sa paghanap kay baks.
"H-Ha? Wala. Pinapalagutok ko lang leeg ko hehe," wika ko sa kanya sabay palagutok sa leeg ko.
Aww, shet. Naputol ata ang ugat ko sa leeg. Pasimple akong napahawak sa aking leeg habang hindi pinapahalata sa kanila na ang sakit ng leeg ko.
Nagkwe-kwentuhan sila habang nandito atsaka nagtatawanan. Hindi ko alam kung belong ba ako sa kanila dahil sa tuwing magsasalita ako ay tatahimik sila at sa huli ay muli akong napapahiya.
Grabe, nakakaiyak. Masyado na yata akong attention seeker at corny sa kanila kaya hindi sila umiimik huhuhu!
Matapos naming kumain ay nagkwe-kwentuhan pa rin sila tungkol sa mga bagay-bagay na hindi ako relate kaya kanina pa akong tahimik at nakikitawa na lang sa tuwing may magjo-joke sa kanila.
Binuksan ko ang phone ko atsaka chineck ang inbox ko pero ni isa ay walang text ni baklang Trojan. Miski missed call ay wala. Tsk. Nakakapanibago ah?
Simula kasi nung umamin sya sa akin ay naging sweet na sya sa akin. Palagi nya akong dinadalhan ng pagkain sa room, mapa break time man o lunch time. Palagi na nya din akong chinachat, tinatawagan, at tinetext.
YOU ARE READING
Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]
Teen FictionI got a new job but the problem is I have to turn the most sassy gay I have ever met the way he is before. How can I make him straight if he's more girly than me?!