CHAPTER 11

1.5K 76 13
                                    

Aphrodite's POV

Pagkagising ko ay hindi muna ako tumayo. Hinayaan ko muna ang sarili ko na tumulala sa kisame. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kapag ako nabaliw kakaisip kung saan kukuha ng pera bahala na sila.

Jusme! Agang aga problema agad sumalubong sa akin. Nakakainis talaga si Tiyang Berta. Kapag talaga natapos ko na 'tong trabaho ko babayaran ko utang ng pamilya ko kay Tiyang Berta pagkatapos non hindi na ako magpapakita sakanila.

Kainis talaga. Ikaw ba naman tawagan sa kalagitnaan ng pagtulog mo tapos ang gusto nya magpadala ako sakanya ng pera nya. Wala na daw silang makain, eh pinangsusugal nya lang naman yung mga pinapadala ko.

Wala nga akong kapera-pera ngayon eh. Ano ipapadala ko sakanila? Bulbol?! Tsk.

Napabangon ako nang makarinig ako ng tawanan sa labas. Hala tinanghali ata ako? Napatingin ako sa tabi ko ngunit wala na dun si Trojan. Ang aga naman nun nagising? Bakit kapag sakanila tanghali na tulog parin?

Inayos ko buhok ko na sabog sabog na atsaka nagtoothbrush. Nakakahiya naman makipag usap sakanila kung bad breath ako diba? Paglabas na paglabas ko sa kwarto ay nagulantang ako sa dami ng tao.

Lahat sila parang madaling-madali na nagluluto. Naghahanda sila. Anong meron? Birthday ba ni Lola? "Oh hija, gising ka na pala." Nilapitan ako ni Lola at hinila sa lamesa.

"Sandali, upo ka lang dyan hahainan kita ng pagkain." aniya ngunit tumayo agad ako. Ayoko namang maging pabigat dito no.

"Ako na po Lola." sabi ko. Sinamahan ko syang kumuha ng pagkain. Nasa kusina si Tita Luisa, nagluluto ng mga pagkain. Ang dami nyang niluluto. Si Andy naman nandun sa sala gumagawa ng Shanghai. Nasaan si Andoy atsaka si Trojan? Palinga linga ako pero wala talaga akong makita ni anino ni Trojan.

"Hinahanap mo ba si Trojan? Nandun sya sa labas pinagsisibak ko."

Ano daw? Tama ba ang rinig ko? Si Trojan nagsisibak? Jusko imposible. Binibiro ata ako ni Lola eh. "Ang maarteng baklang yun? Nako imposible. Hindi ho yun magsisibak." sabi ko at tatawa tawang tumulong sa pagluluto kay Tita Luisa.

"Sigurado ka ba? Silipin mo dito." sabi nya atsaka binuksan ang bintana na kaharap ko lang.

Biglang tumambad sa akin si Trojan na nagsisibak. Pota ang hot nya. Erase! Erase! Erase! Ano ba 'tong sinasabi ko? Hindi sya hot. Bakit ba naka topless yang baklang yan?!

Center of attraction tuloy yung eight packs nyang abs. Ang macho nya tignan dun. Dagdag pa yung pawis na tumutulo mulo sa ulo nya hanggang sa dibdib nya. Shet! Ang cute ng utong nya! Nakakatangina ngayong umaga ha!

"Hija, laway mo tumutulo." Agad kong pinunasan gilid ng labi ko. Wala namang laway eh. Si lola talaga. Tatawa tawa namang umalis si Lola at Tita Luisa. Nang makitang wala na sila ay muli akong tumingin sa bintana.

Bakit ba ang gwapo ng baklang 'to? Masyadong nakakapanghinayang e. Napatingin ako sa likod nya, dun sa may bakod. May mga babaeng nakatingin sakanya at kay Andoy na katabi lang ni Trojan.

Nagtatawanan ang mga ito at tila kinikilig. Yung isa naman kinukuhaan ng litrato si Trojan. Lalaking lalaki syang magsibak ng kahoy, hindi halata na bading sya kapag nagsisibak.

Tangina talaga nung pawis eh.

Napalakas ata yung paguusap nung dalawang babae kaya naman napalingon dun si Trojan. At as usual inirapan nya lang ang mga ito. Ang sungit talaga ng punyetang baklang 'to ke aga aga eh.

Nanlaki ang mata ko ng biglang napatingin sya sa sa akin. Kinuha ko agad yung kutsilyo na malapit lang sa akin atsaka kunwari nagtatadtad. Hindi nya yata napansin na tinititigan ko sya kanina.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon