Aphodite's POV
Medyo late na nung ako ay nagising. Sa sobrang pagod ko siguro kahapon. Ikaw ba naman pagbitbitin ng sandamakmak na paper bag tas ang bibigat diba?
Pero okay lang yon, parte yun ng trabaho ko. Naligo na ako, syempre hindi na ko masyado nagpakatagal pa dahil malalate na ako. Last practice na namin para mamayang gabi sa Acquaintance. Mamaya na ako liligo ng todo-todo.
T-Shirt at Jogger lang ang sinuot ko. Napaka simple diba? Parang tutulog lang HAHAHA! Kinuha ko na lahat ng gagamitin ko. Extra T-shirt, Suklay, pulbo, liptint and etc.
Pag bukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Yojan na kakatok sana sa pinto ko. Tangina ang pogi. Naka-pantalon sya na itim at polong light blue. Lalo syang nagmukhang maginoo. Why so pogi ba?
"Gising ka na pala. Kumain ka na hihintayin na kita para sabay na tayong pumasok." Nakangiti nyang saad sa akin. Potek. Yung ngipin nya nakakasilaw. Ang puti masyado, colgate kaya gamit nya? Wala man lang akong makita ni isang ngima.
"Ha? Wag na, susunod na lang ako. Tsaka baka mapagalitan ka pa ng trainor mo."
"Ano ka ba? Okay lang yun, akong bahala."
Bumaba na kami pareho at totoo ngang hinintay nya pa akong matapos kumain. Nakakainis lang sa tuwing tinititigan nya ako habang susubo ako. Taena naco-concious ako. Nakakailang.
Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay umalis na kami. Nasaan kaya yung baklang bakulaw na yun?
"Nasaan si Trojan? Bakit hindi natin kasabay ngayon?" Tanong ko sakanya.
"Nauna na syang umalis. May bibilihin pa daw kasi sya." Anang nya atsaka ibinaling ang ulo sa labas.
Aba himala? Hindi nya ako isinama sa pupuntahan nya. Madalas nya kasi akong isama sa mga lakad nya, at madalas nya din akong utusan at pagbuhatin ng kung ano-ano na parang kargador.
Nang makarating na kami sa Campus ay makikita mo na busy ang lahat sa pagpra-practice. Lahat sila nasa field. Kanya-kanya silang tugtog kaya medyo nakakarindi dito.
Pero infairness ang gagaling nila sumayaw. Ako lang ata ang mukhang tuod dito kapag sumasayaw eh. Talaga namang mamamangha ka sa galing nila.
"Ay wow, sabay na late, sabay na pumasok. Ano 'to magjowa? Hala sige ipaliwanag mo 'to Aphrodite!" Anang ni Piolo kasama ang jowa nya na mukhang niloloko lang sya. Hindi talaga katiwa-tiwala ang itsura ng jowa nya.
"HAHAHA ikaw talaga Piolo mapagbiro ka talaga, we're not couples, we're just...friends right?"
Yung kaninang ngiti ko ay napalitan ng busangot na mukha. Tangina, na-hurt ako ng slight sa sinabi nya. Tama nga sila, hindi dapat nadadala sa bugso ng damdamin trabaho muna ang atupagin. Hayst.
Potangina ang sakit nung salitang 'FRIENDS'
Sabagay P.A lang naman nila ako kaya imposible nya akong magustuhan tsaka hindi naman ako kasing ganda, kasing sexy at kasing kinis ng ideal girl ng mga lalaki.
Pero bakit palagi syang concern sakin? Tsaka minsan nagpapakita sya ng motibo kaya naman umasa ko na gusto nya din ako kaso ngayon ko lang narealize na, mabait at gentleman lang talaga sya. Waahh! Bakit kasi hindi ako maganda!
"O-Oo, friends lang kami."
"Ah akala ko kayo na eh, sayang naman. Bagay pa naman kayo HAHAHA! Let's go na nga practice na tayo!" Sumunod naman ako sakanya. Hindi daw muna sya magpra-practice, dun daw muna sya magpra-practice sa stage para sa pageant mamayang gabi.
Nakakawalang gana. Practice lang kami ng practice. "Hoy girl! Ang tahimik mo naman ata ngayon ha?" sabi sa akin ni Melly. Lumapit din sa akin sina Mellisa, Dave, at Piolo.
YOU ARE READING
Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]
Novela JuvenilI got a new job but the problem is I have to turn the most sassy gay I have ever met the way he is before. How can I make him straight if he's more girly than me?!