CHAPTER 2

2.6K 138 25
                                    

Trojan's POV

"Hoy bakla!"

Inipit ko ang iba kong buhok sa likod ng tenga ko at saka lumingon sa tumawag sa akin. Ako nga pala ang kapatid ni Cristine Reyes ngunit mas maganda at mas sexy nga lang ako kesa sa kanya.

"Yes?" sagot ko habang nagbe-beautiful eyes.

"Kadirdir ka bakla! Itigil mo nga yan, mukha kang baklang tuko sa ginagawa mo!" Asar sakin ni Kimboy atsaka nagtawanan yung tatlo.

Eww! Ano daw? Baklang tuko? Yuck! Bakla lang ako pero di ako mukhang tuko 'no? Hmp.

"Correction. Baklang maganda, hindi baklang tuko. Shuta kayo!" Sigaw ko sabay irap sa kanila. Namewang ako at ipinoint ang toe na parang nasa pageant ako.

"Hay nako! Pagbigyan na ang bakla mamaya maging straight yan tapos jombagin tayo isa isa. Jusko! I can't imagine myself being beaten by a him." Sabi naman ni Stan habang nakalapat ang mga kamay sa pisngi.

"Duh? As if naman na magiging lalaki pa ako 'no? Past is past at hindi na maibabalik pa kahit kailan. Mandiri nga kayo. Ewwie!" Kaimbyerna ang mga shoklang galing sa dagat na ito. Imaginin ba naman ako na lalaki ulit like before. Naaalala ko pa lang ang look ko noon na may piercings, sugat at kung ano-anong chorva sa bodykels ay nasusuka na ako.

Atsaka ko nagflip ng buhok. Kunwari mahaba hair ko. Nag rejoice ang lola nyo. Oh my gosh I'm hungry na! Hmm?

"Anes? Gora na tayo. Gutom na ang baklang bulate sa sexy kong tyan!" Aya ni Geraldine.

Sexy? Saang parte? Ang bad ko pero yun kasi ang totoo. Masama magsinungaling mga bakla, baka ma evict agad dito sa Earth.

Agad kaming rumampa sa hall way at syempre dahil sa kagandahan at kasexyhan ko, pinagtitinginan na naman kami. Iba talaga ang kagandahan ko. Lahat sila napapalingon.

"Oh my gosh mga bakla!" tili ni Geraldine. Sinuway ko sya.

"Hoy Gerald! Suta ka. 'Wag kang maingay kung ayaw mong sungalngalin kita. May mga nagkaklase pa oh." Saway ko sa kanya at tinuro yung classroom na nasa tapat namin. Masama ang tingin sa amin ng guro na nasa loob. Attitude yarn?

"Kaloka ka 'te! Bakit mo naman ipinanga ngalandakan ang pangalan ko? Atsaka hindi ako si Gerald ngayon, sa bahay lang 'yun okay?" Halos masira na ang beauty nya sa galit dahil sa akin.

"Alin? Yung pangalan mong Gerald Delgado Jr. ?" Panga-asar ko sa kanya.

Hindi kasi knows ng pudra nya na lalambot lambot yang si Gerald--- I mean, Geraldine dito sa Campus. Dito lang sya nakakapagladlad ng malala. Actually, pare-parehas kami. Dito lang kami nagiging isang magandang paru-paro ngungit kami yung paru-parong hindi naghahangad ng bulaklak. Yuck!

In my case, si Dad at Yojan lang ang nakakaalam na hindi na ako si Ken at natuluyan na akong naging si Barbie. Well, dati pa naman ay nalaman na ng buong angkan namin na bakla, bading, beki, shokla, gay, bekimon, lambutin, barbie ako pero pinilit nila akong maging straight. Ayaw nila na may rainbow sa pamilya namin.

Tulad ng ibang bakla, sinaktan nila ako not physically but emotionally. Inalis nila sa akin ang karapatan na mamili. Lahat sila ginawa ang lahat para hindi makarating sa mga lolo ko ang totoong ako dahil tinakot nila kami na tatanggalin lahat ng ari-arian na meron kami kapag nalaman nila na bakla ako.

My mom died in an accident a few years ago. Kaya naman lahat ng ari-arian ni Mom ay napunta sa amin. Dad don't have any family because he grew up in an orphanage kaya wala kaming choice kundi ang gusto ng angkan ni mommy.

Parang sa pelikula lang ang buhay ko, ang daming drama bago naging masaya.

"Tulaley lang saking kwarto at nagmumuni-muni." Kanta ni Kimboy na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Bakit ba inaalala ko ang mga bagay na dapat ibinaon na sa lupa? Tss.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon