Chapter 16

1.4K 68 11
                                    

APHRODITE'S POV

Nagpaalam muna ako kay Yojan na sasaglit muna ako sa apartment ko na agad naman syang pumayag. Inihatid nya ako sa apartment ko.

"Salamat sa paghatid sakin dito."

"Welcome." aniya sabay kindat.

Mabilis nyang pinaharurot ang kotse nya. Kahit malayo na sya ay nanatili akong nakatayo at nakatingin sa daang tinahak nya.
Loko talaga yun, lagi na lang akong pinapakilig.

"Ay anak ka ng tipaklong!"

Napasigaw ako sa biglang pagtapik sa balikat ko ni Aling Terresa. Sya yung may ari ng apartment.

"Buti naman at naabutan kita ngayon. Ay aba ineng, isang buwan ka ng hindi nagbabayad ng renta mo. Kailan ka ba magbabayad ha?"

Napakamot ako sa ulo kahit wala akong kuto.

"Ah eh Aling Terresa, sa isang linggo pa po kasi yung suweldo ko eh. Wag ho kayong mag-alala kapag nakuha ko na po yung sahod ko magbabayad din po ako sainyo, agad agad!" pangungumbinsi ko sakanya para maniwala pero mukhang di effective.

Sana pala di muna ako umuwi. Bwisit. Ang malas ko talaga!

"Sige, siguraduhin mong tutuparin mo yang pangako mo. Dahil kung hindi, dito mo na sa labas makukuha ang gamit mo." nakangiti nitong sabi sa akin atsaka sya umalis.

Hayst. Kapag nakuha ko na sweldo ko, magbabayad agad ako. Ayokong mapalayas no! Nakakahiya kaya sa kapitbahay. Tsaka kung mapapalayas ako dito wala na akong ibang mapupuntahan. Wala naman akong ibang kamag-anak dito eh. Lahat sila nasa probinsya namin.

Nagtingin ako kung may laman ang mail box ko. At napangiwi na lang ako sa nakita ko.

Ang daming bill ang nandun. Bill ng kuryente, bill ng tubig, bill ng renta ko dito, at bill ng utang ko.

Aaaaaah! Nakakabaliw! Hindi ko alam kung kakasya yung sahod ko sa baka nga dito pa lang sa mga bayarin kong 'to ubos na agad sweldo ko eh.

Mukhang kailangan ko ng dagdagan ang trabaho ko. Tumigil na kaya ako sa pag-aaral? Hayst.

Ang hirap maging mahirap!

Mama, Papa. Tulungan nyo ako. Malapit na akong mabaliw dito. Hindi ko na kaya ang ganito. Bahala na si Batman kung makakapag bayad ako o hindi.
Bahala na kung saan ako pupulutin.

Umakyat na ako sa taas. Habang nagpapalit ako ng damit ay nakaramdam ako ng gutom kaya nagpunta akong kusina at tiningnan ang ref kung anong pwedeng lutuin.

Grabe ang dami kong pagkain. Sa sobrang dami wala kong makita. Nagtingin ako sa aparador ko kung may naitabi akong noodles o kahit anong pagkain.

Laking tuwa ng bulati ko sa tyan nang may makita akong isang chicken noodles. Agad ko itong niluto. Wala na akong bigas. Pagkatapos kong kainin iyon ay uminom ako ng maraming tubig.  para mabusog man lang.

Grabe naman tong buhay ko. Ganon ba ako kasama sa past life ko para pahirapan ako ng ganito? Siguro mayaman at matapobre ako dati kaya ngayon nagbabayad ako sa kasalanan ko dati.

Pumunta ako sa bintana upang silipin ang labas. Bigla kong naalala sina Mama at Papa.

Namimiss ko na sila, sobrang miss na miss ko na. Sana pwede ko pa silang makasama. Gusto ko silang yakapin ng mahigpit. Kaso hanggang sana na lang ang kahat ng iyon eh. Bakit ba kasi iniwan agad nila ako. Kung hindi nila ko iniwan, hindi sana ako naghihirap ng ganito.

Ma, Pa? Kamusta na po kayo dyan? Maganda po ba dyan sa langit? Sana po okay lang kayo dyan.

Naramdaman ko ang paginit ng mata ko, nanlalabo na din ang mata ko dahil sa luhang namumuo sa mata ko.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now