Chapter 31

1.1K 65 7
                                    

Aphrodite's POV

Plan Number Three.

3. Buy new clothes para mas convincing. Itapon lahat ng bra, panty, tube, shorts, gown, dress at kung ano-ano pang pambabae nyang damit na meron sya sa cabinet nya.

"Ano ba? Saan na naman ba tayo pupunta ha?" Inis na wika nya sa akin. And guess what? Naka maigsing short na naman sya tapos yellow t-shirt na nakabuhol sa likod nya. Nagliliptint sya na humarap sa akin.

"Sa Mall. Bibilihan kita ng damit." Wika ko sakanya. Agad namang nanlaki ang mata nya habang ikinakalat ang liptinit sa labi nya atsaka sa pisnge nya.

"Weh? Talaga?"

"Oo nga kulit."

"Oh eh ano pang hinihintay mo? Arat na! Chorba na tayo!" Wika nya atsaka akmang aalis na. Agad ko namang hinila ang braso nya.

Sa isang iglap nawala na lahat ng  itinuro at natutunan nya kahapon. "Oh bakit?"

"Hindi ka lalabas ng ganyan ang suot mo. Tingnan mo nga yang short mo, ang igsi! Magsuot ka ng jogger tsaka yang damit mo tanggalin mo nga yang buhol na yan. Nakaka-asiwa sa mata day! Magpalit ka, yung maayos ah!" Inis kong wika sakanya.

Aba sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa suot nya? Kung makapag suot sya ng sobrang ikling akala mo babaeng pokpok sa bar. Kung manamit parang hindi lalaki eh! Laki na ng braso eh! Tsk. Tsk. Tsk.

"Ano ba yan ang ganda na nga---"

"Magpaaaliiitttt!"

Sinamaan nya ako ng tingin. "Tsk. Manang ka lang kasi manamit eh! Tse!" Aniya pa sa akin. Ang baklang yun. Ay talaga namang napaka bakla. Hindi na natuto. Tss.

Ilang sandali pa lumabas na sya. Tiningnan ko mula ulo hanggang paa. Plain T-Shirt na white then gray na  jogger. Simple lang pero ang lakas ng dating. Lumapit ako sakanya. Tumiad pa ako para maabot ko ang ulo nya. Inalis ko ang hairclip sa buhok nya at inayos ito.

"Oh yan! Ang gwapo mo na day!" Masaya kong saad sa kanya. Napangiti naman sya dahil dun.

"I know right!"

"Alam mo bakla, sanayin mo na ang sarili mo na lalaki ang kilos, ang boses at pananamit kasi kung hindi mahahalata ng Lolo mo yan sige ka." Paalala ko sa kanya. Tumango-tango sya sa akin na parang bata. Ang cute lang.

"Lagi mong isa-isip na lalaki. Totoong lalaki ka. Hindi ka bakla okay? Kapag nahihirapan ka just call me and I'll be there." Nag-sign pa ako sa kamay ko ng cellphone at itinapat ito sa tenga ko. Bahagya akong natawa.

"Yeah, Yeah whatever!" Anang nya sa akin sabay flip ng hair nya na akala mo kasing haba ng buhok ni Rapunzel.

Agad kaming sumakay sa kotse at nagtungo sa pinaka-sikat na Mall dito sa lugar namin. Ipinark na nya ang kotse. Bago kami makapasok sa Mall ay pumila muna kami kung saan kakap-kapan kami ng guard.

Magkahiwalay ang babae sa lalaki. Pumila na ako sa linya syempre ng babae. Nang kapkapan na ako ng babae ay pinapasok na ako.

"Ah Sir dun po ang pila ng lalaki."

Agad akong napalingon nang marinig ko ang sinabi ng guard. Nakita ko si Trojan na nakapila sa pila ng babae at sya ang sinasaway ng babaeng guard.

"What? Babae kaya ako!" sagot naman ni bakla sa guard. Luh? Anong trip na naman ni bakla at nagfe-feeling babae na naman sya?

"Sir wag na po kayong magbiro, dun po talaga ang pila ng lalaki dun po kayo pumila." Medyo naiinis na ang tono ng pananalita ng guard dahil sa kanya.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now