Chapter 53

885 37 13
                                    

TROJAN'S POV

Nagmamadali akong nagtungong rest house. Pagkababa ko ng kotse ay agad kong nasilayan ang kotse ng tatlo.

Buti naman at kumpleto sila. Agad akong pumasok. Tumambad sakin ang tatlo na busyng-busy sa pagluluto sa may kusina. "Anong meron?" nagugulumihanan kong tanong sa kanila.

Agad naman silang napalingon sa akin. In fairness, sabay sabay ang lingon ng mga bakla! Nag-usap siguro ang mga 'to. Char!

"Hoy bakla! Bakit ngayon ka lang?" balik na tanong ni Kimboy sa akin. Nagba-bake ang lola nyo ng cupcakes.

"Doshite chosi wa do?"

(Bakit? Ano bang meron?)

"Shit, walang subtitle?"

"Paki-translate be, hindi kami hapon remember?" Angal nila kaya naman napabuntong hininga ako. Dapat talaga tinuturuan ko na silang mag-japanese para naiintindihan nila kami. Pfft.

"I mean, anong meron? Taray, kanya-kanya kayong agenda ha." tanong ko habang tinuturo yung kanilang ginagawa.

"Gaga ka! Nakalimutan mo kung anong ganap ngayon?" sa sinabi nyang yon ay agad akong natigilan atsaka napa-isip. Ano bang nakalimutan ko at mukhang importanteng importante ang ganap ngayon. Ang dami kasing handa dagdag mo pa yung decoration na parang birthdayan.

Ang alam ko bukas pa ang birthday ni Aphro ah? Excited sila? Agad nilang nasapo ang noo  nang mapansing hindi ko talaga alam kung anong meron ngayon.

"Anniversarry ng friendship natin ngayon!" sabay-sabay nilang sigaw sakin. Wait? Ngayon ba yun? Binuksan ko ang phone ko para i-check kung anong araw ngayon at damn! True nga! Shit.

"I-It's a prank!"

"Na parank ko kayo HAHAHA! Syempre hindi ko malili- - -"

"Tigilan mo kami Trojan Zethus Elisher. Hindi kami natutuwa sayo. Tsk!" Inis na wika ni Stan saka muling ibinaling ang tingin sa kanyang niluluto habang ang dalawa ay masama ang tingin sakin habang iiling-iling. Nag peace sign ako.

Grabe, ang sama ko na yatang kaibigan at nalimutan ko ang okasyon na meron ngayon. Hayst. Napabuntong hininga ako.

"Okay fine, gomennasai."

(I'm sorry)

Hindi pa rin nila ako pinapansin. Tsk. Nag-sorry na nga ako eh. Kinuha ko yung pink kong apron atsaka isinuot iyon. Tinulungan ko silang magluto.

"Ara! Ara!"  (Oh my!)

Napasigaw ako nang mahulog ko yung prini-prito kong isda. Napatingin naman ako kay Geraldine na inagawan ko ng trabaho. Sya kasi dapat ang gagawa nito pero nag-prisinta ako na ako na lang ang gagawa. 

Masyado silang maraming niluto na akala mo ay isang barangay ang imbitado. Nang matapos na ang lahat ay na-upo na sila samantalang ako ay nandito pa rin sa kusina. Kumukuha ako ng yelo at in-can beer. Inilagay ko na sa lamesa ang beer.

Hindi pa rin nila ako kinakausap. Sila-sila lang ang nag-uusap na parang wala ako dito. Bwisit talaga ang mga 'to.

"Ha! Grabe!" anang ko.

Malakas kong ibinagsak ang kamay ko sa lamesa dahilan para mapatigil silang tatlo. "Do I still belong here?" seryosong tanong ko sa kanila.

" 'Cause if not..."

Binunot ko yung baril na kabibili ko lang kanina. Tinitigan ko ito habang naka ngisi at pinupunasan. Kita ko naman ang paglunok nila at mukhang nagulat sa inaakto ko. Isa-isa ko silang tinitigan.

Until I Met This Bekimon [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now