182

1.4K 60 19
                                    

182

**********

CLEYO

"Cleyo, nakahanda na ang sasakyan."
Si Pieter (Peter) mula sa aking aking likuran.

Hindi ako sumagot at nanatili lang akong nakatayo sa harapan ng bintana dito sa loob ng opisina ko habang marahang pinapaikot ang wine na hawak ko. Nakadungaw lang ako sa labas ng bintana habang pinag mamasdan ang paglubog ng araw at ang makulimlim na mga ulap. Sa tuwing titingin ako dito ay parang napaka payapa at kalmado lang ng buong katawan ko kahit na napakarami kong iniisip.

"Paparating na rin ang Chairman, Cleyo."
Dagdag ni Pieter. Hinarap ko na sya tyaka nilapag sa lamesa ko ang wine glass.

"Gawin nyo ang dapat nyong gawin, Pieter. Pag silbihan ang Chairman."
Pormal na utos ko.
"Huwag ninyong hahayaang uminit ang ulo nya sa kahit na anong paraan. Kailangang manatili syang kalmado ng maging matagumpay ang ating mga plano."

"Masusunod, Cleyo."

"Mauuna na ko. Kailangan ko pang makipag kita sa nag iisang lalaking anak ng mga Bryleighn, ikaw ng bahalang mag paliwanag kay Chairman."
Sabi ko habang sinusuoot ang coat ko at tyaka inayos ang buhok.

"Si Ashtrid Brent Bryleighn ba ang tinutukoy mo?"
Tanong nya pero tinignan ko lang sya.
"Mag iingat ka sa kanya, ang alam ko ay hindi sya kasing hina nang iniisip mo."
Sabi nya na mahihimigan ng pag aalala.

Ngumisi naman ako sa kanya.

"Hindi bat iyon nga ang mag papaganda sa larong ito? Ang kalabanin ang mga nagmamalakas na tulad nya mismo."
Sabi ko at muling sumeryoso. Inayos ko muna ang tie ko bago bumaling sa kanya at nag tama ang mga paningin namin.
"Isang bagay lang ang masisiguro ko, hindi parin sya mananalo sa isang tulad ko."

"Pero bakit kailangan pang pati ang pamilya ng asawa nyang Kensington ay kailangang pagtuunan ng pansin?"

Nginitian ko naman sya.

"Mukhang nawawala ka sa konsintrasyon, Pieter. Masyadong delikado ang pag tatanong na ginawa mo."
Makahulugang sabi ko na mukhang kinabhala naman nya tyaka nag lakad palapit sa kanya.
"Huwag mo na ulit kukuwestiyunin ang mga plano natin, ikaw mismo ang naglalagay sa mismong hukay na pag lilibingan mo."
Nakangiting pabulong na sabi ko tyaka tinapik ng dalawang beses ang balikat nya na lalong nagpaestatwa sa kanya.

Lumabas na ko ng opisina at ilang beses akong kumurap dahil sa nakakasilaw na liwanag dahil nasanay na ko sa madilim na paligid ko. Madalas lang akong nasa loob ng madilim na opisina ko at gumagawa ng trabaho at abala din sa pag gawa ng mga plano. Sa opisina na nauuubos ang lahat ng oras ko. Doon na ko kumakain at pinag sisilbihan na lang dahil sa dami ng trabaho. Lahat ng oras ko ay nahahati sa tatlong bagay, sa loob at labas ng opisina at maging sa pag aaral. Pumasok ako sa ZIPS bilang parte ng plano at dahil nga kasama iyon sa plano ay mas tuon ang atensyon ko sa mga dapat kong gawin kesa sa mismong pag aaral. Lahat ay bilib sa talinong meron ako, kahit ang mismong ama ko ay nahihigitan ko pa ang talinong meron sya kaya naman halos lahat na ay sa akin nya inaasa.

'Talino ko ang sandata ko at bonus na lang ang lakas na meron din ako.'

'Lahat to ay bunga ng pag sisikap ko, bunga ng pagtityaga na meron ako para makamit ang hustisyang kailangan ko.'

Bago pa ko tuluyang makasakay ng kotse ay tumunog na ang cellphone ko at agad na napangiti ako ng makita ang pangalang nasa screen nito.

"Oh Brent?"
Masiglang sagot ko.

"Dinner is ready."
Masayang sabi nya.
"Nasaan na kayo?"

"Oh, papunta na rin kami dyan. Pasensya na kung medyo natagalan, galing pa kase ng meeting ang Chairman."

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon