199

1.1K 47 27
                                    

**********

199

**********

ZICKARIO BEN VENEDICTO LIMBRADO

"Aalis ka?"
Bumuntong hininga muna ako bago humarap at tumango kay Cleyo.
"At saan ka naman pupunta?"

"Birthday ng kaibigan kong si Sabrina."
Sagot ko na lang.

"Tch! Talagang inuuna mo pa ang pag punta sa kung saan kesa gawin ang trabaho mo."

"Ginagawa ko ang trabaho ko. Hindi naman siguro masama na umattend ako ng birthday ng kaibigan ko?"

Naiinis ako sa ideyang dinidiktahan na naman nya ko sa dapat kong gawin. Kahit gusto kong ipakitang naiinis ako sa trato nya ay wala akong magagawa dahil wala naman akong laban sa kanila.

"Si Cat, siguradong pupunta din sya dun."
Sabi nya na naupo sa sopa at nag lilipat ng channel ng tv.

"Huwag kang mag alala, wala akong balak na kausapin sya."
Sabi ko at hindi ko maiwasang maging sarkastiko sa tono ko kaya naman nangunot ang noong tumingin sya sakin. Sinalubong ko ang tingin nyang yun at sya naman ang nag iwas ng tingin at binalik sa TV.

"Alam ba to ni Chairman?"

"Huwag kang mag alala. Nag paalam na ko kay Chairman bago pa ko magpakita sayo kuya."

"Siguraduhin mo lang dahil baka may gawin ka na namang kapalpakan."
Sabi nya na hindi ako nililingon. Tinignan ko pa muna sya tiyaka tiim bagang na umalis at lumabas ng bahay.

Naiinis ako dahil pakiramdam ko isa akong aso na dapat palagi lang nakasunod sa mga utos nila. Gustuhin ko mang lumabag ay wala akong choice dahil isa lang naman akong anak at kapatid na kailangang sumunod sa mga nakakatanda.

'Tch! Kung hindi lang talaga kailangan, at kung hindi lang sila mahalaga sakin, matagal na kong umalis sa pamilyang to.'

Sumakay na ko sa kotse ko at sakto lang ang bilis ng takbo nito hanggang sa marating ko na ang bahay ni Sabrina.

Sa totoo lang ayoko naman talagang pumunta dahil wala ako sa wisyo pero isa sya sa naging mahalagang kaibigan sakin kaya naman kahit tinatamad ay sasaglit na lang ako.

'Kahit pa posibleng makita ko si Cat.'

"Is that you Ben?!"
Agad na napangiti ako at binuka ang mga braso para yakapin si Sabrina.

"Happy birthday babe!"
Totoong masayang bati ko at ginantihan naman nya ko ng isang mahigpit na yakap. Hindi ko maikakailang na miss ko ang babaeng to.

Bestfriend ko si Sab at since highschool magkaibigan na kami at babe ang Tawagan naming tatlo noon nila Cat. Kaming tatlo ang palaging magkakasama sa kahit anong bagay at lahat ng tungkol samin ay alam namin pare pareho.

'Not until the painful incident happened'

Napabuntong hininga ako sa naisip pero agad na binigyan ng isang totoong ngiti si Sab.

"Oh my God! Its been a while!"

"Yeah right. How you doing? — oh. by the way,"
Sabi ko ng may maalala at patakbong lumabas ng bahay nya at lumapit sa kotse ko para kunin ang regalong nawala sa isip ko.
Natawa naman sya ng makabalik ako at iiling iling kaya napapahiyang napakamot na lang ako sa ulo.
"Sorry. Again, happy birthday."

"Thankyou."
Sabi nya at hinalikan pa ko sa pisngi at magkaabay na inakay nya ko papunta sa garden ng bahay nila kung saan naroon ang iba pa nyang mga bisita.
"Gosh! Sobrang na miss kita! Its been, what? A year or years?!"
Sabi nya ng makaupo na kami.

She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon