186
**********
ASTRID
Halos liparin kona ang daan papunta sa school at papunta sa room ko. Tinanghali na ko ng gising kaya naman lahat ng kilos ko ay mabilis at kulang na lang agawin kona sa bodyguard ang manibela para pabilisin ang pag mamaneho. Mabuti na lang din at hindi kona nilagay sa locker ang mga gamit ko kaya naman hindi ko na kailangang dumaan pa dito. Ilang fats din ang nawala sakin sa kakatakbo at feeling ko puwede na kong sumali sa relay dahil sa bilis ng pag takbong ginawa ko.
'Pero sa huli, late parin ako.'
"Im so sorry sir."
Sinserong hinging tawad ko sa instructor namin matapos nya kong pagalitan.Napapahiyang pumasok ako ng classroom at agad namang nag tama ang paningin namin ni Zickario. Agad namang nag iwas ako dito at naupo na sa upuan ko pero wala sa sariling pasimpleng sumulyap pa ko dito bago tinuon ang atensyon sa klase. Late na talaga akong dumating kaya naman nahirapan akong sumabay sa lesson ng instructor namin kaya naman nanlumo ako habang nakatitig sa mga maling sagot ko sa papel sa quiz namin matapos ang discussion.
Matapos naman ang unang klase ay inayos ko lang ang mga gamit ko at lalabas sana ng room pero hindi ko alam kung bakit natigilan ako kaya naman bumalik na lang ako sa upuan ko at nag panggap na abala sa pag aayos ng ilan pang gamit. Pasimple akong tumingin sa gilid ko, kay Zickario na masayang nakikipag tawanan sa mga babaeng kaklase namin na palaging tumitili sa tuwing nakikita sya.
"Were still scared! We shouldnt have class na dapat eh!"
May halong malanding sabi ng isang babaeng kasama nito."Sigurado namang triple na ang security eh."
Nakangiti namang sagot ni Zickario.
"Sakin ayos lang na may pasok kase wala din naman akong gagawin sa bahay."
Dagdag pa nito habang pinapaikot sa daliri ang shades nya."Then lets hang out!"
"Hang out?"
"Yeah! Good idea! Kapag maaga tayong pinauwi mamaya, gumala tayo. You know, puwede tayong mag saya."
Napataas ang isang kilay ko sa narinig. Parang may ibang pakahulugan ang sinabi ng babae lalo pa sa malambing na boses nito at sa malanding pag haplos ng hintuturo sa braso ni Zickario na nasa mesa.'Talagang may paghaplos pa?'
"Saan naman tayo pupunta?"
Natatawang tanong ni Zickario na halatang nag papakainosente lang."Ikaw? Saan mo ba gusto?"
Malanding tanong ng isang babae pero tumawa lang si Zickario."Maraming bars dito. May alam din kaming pub na maganda at malapit lang."
"Sounds good."
Si Zickario."Yeah. So gusto mo ba? Tayo tayo lang naman eh."
"Hm, why not? Kelan ba?"
"If you want, puwedeng mamayang gabi na. After ng class natin."
"Pero girl, maaga class natin bukas."
Nakangiwing sabi nung isang babae."Edi umabsent na lang tayo. Hahahhaa! Just kidding. Hindi naman tayo mag tatagal eh, hindi rin naman kailangang magpakalasing tayo. Magsasaya lang tayo."
"Hm, okay! Im in."
Si Zickario."Sige na nga, join na rin ako!"
Sabi nung babae na kinatawa ni Zickario."So, sasama kana talaga Zick?"
'Zick? Close sila? Psh!'
"Of course. Why not?"
Nakangiting tugon ni Zickario.
BINABASA MO ANG
She Bullied (Bully She Part 2) {ON-GOING}
Random"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...